I lay my love on you, It's all I wanna do, Everything I breath I feel brand new, you open up my heart—Kinusot ko ang aking mga mata at sinagot ang tawag. Umupo ako sa kama habang nakasilip sa bintana.
"Yo!" masigla kong sagot.
"Good morning" matamis niyang bati. "How's your sleep?"
"Maayos naman, ikaw?"
Bumuntong-hininga siya. "I didn't sleep well"
"Why?"
"Because of you" kumunot ang noo ko. Bakit ako? Hindi pa man ako nakapagtanong ay nagsalita ulit siya. "I was busy thinking of you" dagdag pa niya at hindi ko alam kung bakit bigla nalang nanigas ang aking katawan.
Calm down Ae, baka pinagpraktisan ka lang niyan
"Saan mo nabasa yan?" pilit akong tumawa kahit hindi na ako halos makahinga. I can't control my heart from beating. Naiinis ako sa sarili ko.
"Ain't scripted" sagot niya at binabaan ako. Taka kong tiningnan ang screen. He's acting weird—pati mga sinasabi niya ay nakakagulat na rin. Maikli lang ang pag-uusap namin pero nanghina ako.
Ano bang nakain niya? Tinopak na naman ba siya? Hindi naman siya ganito sakin dati. Masungit siya at diretso kung makapagsalita. Kahit na best friend ko siya ay mapapansin ko parin noon na may distansya sa pagitan namin. But now, it seems like he's bridging the gap between us. Ano bang nangyayari? Bakit sunod-sunod na nagbabago ang mga tao sa pagilid ko?
"I'm not going to overthink" sabi ko sa sarili ko at muling humiga. Tinatamad ako eh.
"Meow" napalingon ako sa matabang pusa. Sa sobrang dami kong iniisip, nakalimutan kong may kasama pala kaming pusa. Tumabi ito at humiga sa leeg ko. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Huy..." hinawi ko ang kanyang ulo subalit mahimbing na itong natutulog. Ramdam ko pa ang vibration ng kanyang paghinga. Hayst!
"Ang tagal kitang hindi nakita ah?" bulong ko sa kanya. "Itinago ka ng amo mo no?"
"Meow"
"Huwag mo na akong kalmutin ah?"
"Meow" tugon nito. Ngumiti ako at pumikit.
---------------
Hello Monday!
"Tayo na?"
"Agad?" tugon ni Joshua habang sinusuot ang kanyang medyas. Tumayo naman si Saint at pumunta sa kanyang kwarto.
"Oo" at lumabas na ako. Nakita ko si Krim at si Kris na nakatayo sa labas ng gate. Lumapit ako sa kanila.
"Good morning" bati ni Krim saka ngumiti.
"Good morning"
"Good morning Ae!"
"Good morning" tugon ko rin. "Pasok muna kayo" binuksan ko ang gate.
"Naku, hindi na"
"Anak," narinig ko ang tinig ni papa mula sa likod ko. Nilingon ko siya.
"Pa"
"Aalis na ako" tinapik niya ako sa balikat.
"Mag-ingat po kayo" ngumiti siya at bumaling sa mga kaibigan ko.
"Pasok muna kayo iho, iha"
"Naku, hindi na po" tanggi ni Kris, tumango naman si Krim bilang pagsang-ayon sa kaniya.
"Siyanga pala," saglit na kumuha si papa ng pera sa kanyang pitaka. "Baon mo"
"Salamat po" tinanggap ko ito. "Mag-ingat po kayo" nagngitian kaming tatlo nang nakaalis na siya.
"A-Ah kuya?" nilingon ko si Joshua. Mukha siyang matamlay na hindi ko alam. "Mauna na ako" pilit siyang ngumiti.
"Sige, ingat!" kumaway ako pero nakatalikod na siya sakin. Sinundan naman siya ng tingin nung dalawa. Naninibago talaga ako kay Joshua.
"Good morning Saint!" bati ni Kris kay Saint at nag-fist bump silang dalawa.
"Good morning!"
Wow, kelan pa sila naging best friend?
"Let's go" sabi ni Krim at sumunod naman kami.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...