Chapter 19

3 1 0
                                    


Walang masyadong nangyari the next day, nagpractice lang kami tapos nagtrabaho, then binilhan ko si papa ng pandesal and sabay kaming nagmiryenda nila Krim. As usual, puro sila asar lalo na't sumali si Joshua sa usapan pero siyempre nakabawi ako at tinukso siya kay Kris.

Hay, sarap ng buhay ko no?

"Kumusta na kaya sina mama..." nasa labas kami ngayon ni Saint, nagpapahangin. Kasama naman ni Papa si Joshua, nanonood sila ng tv. Naisip ko bigla si mama...

Kumusta na kaya siya?

Nilingon ko si Saint. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Uncle Caesar. Gusto kong ibahagi sa kanya pero baka hindi pa siya handa para don.

"Okay na kaya sila ni Uncle?" sinadya ko talagang tanungin iyon. Kumunot ang noo niya.

"Hindi ko alam kung magiging okay pa ba sila"

"Kung sasabihin ko ba sayo ang totoo, hindi ka ba magagalit?" tanong ko.

"What do you mean?"

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.

"May sinabi sa akin si Uncle" sabi ko at tiningnan siya, tutok na tutok siya sa akin kaya nagpatuloy ako. "Nagsisisi siya sa mga ginawa niya. Nung panahong sinunog ang mall niyo, gumuho ang mundo niya sa kadahilanang wala na siyang ibang pinagkakakitaan bukod don. Naireport namin iyon sa mga pulis ngunit walang nangyari pagkatapos ng imbestigasyon."

Yumuko siya.

"After nun, sinubukan niyang mag-apply pero wala ni isa man sa mga ina-apply-an ang naghire sa kanya. Nalunod siya sa depresyon. Balak niya sanang magpatiwakal ngunit hindi niya kayang makita niyo ang bagay na yon. Nagpasya siyang tumalon sa Hanging Bridge pero  may sumagip sa kanya matapos siyang nakahawak ng kuryente at naghingalo.  Natrauma nga ako dulot ng pagkakuryente at hindi na nakauwi. Nakibalita siya tungkol sa inyo subalit nabigo sila dahilan para muli siyang nadepress"

"Bakit hindi niya ito sinabi sa amin?" hindi man lumuha ang mga mata niya, pero makikita mo ang lungkot.

"Hindi kasi siya nabigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag" tugon ko na ikinatahimik niya sabay iwas ng tingin. Alam kong nagi-guilty siya, pero may kasalanan rin si Uncle.

"Sa totoo lang..." she sighed. "Gusto kong kausapin si papa. Sino ba naman ang hindi mangungulila sa tagal ng panahong iniwan niya kami? Nung kaarawan ko, parang gusto ko siyang yakapin pero nangunguna ang inis ko dahil sa ginawa niya." pinahid niya ang kanyang lumuluhang mga mata at kumurap-kurap.

Habang tinitingnan siya ay bumibigat rin ang aking damdamin. Kung ako man ang nasa sa sitwasyon niya ay ganito rin ang sasabihin ko.

"It's okay, magkakaayos rin kayo..." niyakap ko siya.

----------

"Mmmm..." ungol ko nang tumunog ang alarm clock. Kinapa ko ang cellphone at in-off ito pagkatapos ay tinupi ang kumot at tumayo. Pipihitin ko na sana ang door knob nang biglang nagring ang cellphone.

Krim calling...

"Yo" sinadya kong hinaan ang boses. Pati hininga niya ay naririnig ko sa kabilang linya.

"Good morning," my heart skipped a beat ng hindi ko alam. Ewan, naninibago lang talaga ako sa kanya. Umiling ako. Hindi dapat ako mag-iisip ng kahit ano sa simpleng good morning lang, marahil nagkakaganito lang ako dahil sa tukso ng mga kaibigan ko.

"Hey, nag-iimagine ka na naman" natatawa niyang sabi kaya natauhan ako.

Shit! Kailangan may masabi ako. Kailangan ko siyang maunahan.

"Ang aga mo" kunwari'y walang gana kong sagot.

"Pfft, of course, susunduin pa kita"

"Hmm, maliligo na ako"

"Sige, bilisan mo" and toot! binabaan niya ako. Napailing nalang ako at maingat na ibinalik ito sa kinalalagyan. After doing my routine, nakasalubong ko si Joshua na kakagising lang rin at halatang inaantok dahil sa mapupugay niyang mata.

"Good morning kuya," bati niya. Tumango lang ako at nilagpasan siya. "Tsk, sungit" rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Good morning Bibiko" bati ni Saint na kakagising lang rin.

"Good morning" sagot ko sabay ngiti. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis.

------
Sorry kung mabagal ang update, busy kasi ako last month

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon