Chapter 29

0 0 0
                                    


Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang napapikit si Krim at napahawak sa kanyang dibdib na para bang nasasaktan siya.

"Hey, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Tumango siya at pilit na ngumiti.

"Yeah, I'm fine" aniya at uminom ng tubig. "N-Nabulunan lang ako" umiwas siya ng tingin kaya hindi ako kumbinsido.

"Okay ka lang ba talaga?"

"Mmm," tumango-tango siya. "Okay lang—" napahinto siya nang nakita ang nag-aalala kong mukha. "Hey, I'm really fine. Don't worry" natawa siya.

"Okay" nagpatuloy na ako sa pagkain. Sinulyapan ko ang maputla niyang mukha at muling nakaramdam ng pag-aalala.

---------

"Good afternoon" pumasok ang instructor namin sa PE. Tumayo kaming lahat at bumati rin sa kanya.

"Today is your performance of the dance. I'm sure everyone is prepared for it. Are you ready?"

"Yes miss!"

"Okay, leaders of every group come here in front for a random pick" at inilagay niya sa gitna ng table ang box kung saan nandon ang mga papel na pipiliin. Unang pimili si Gweneth, sunod naman si Hana, at panghuli si Tessie. Nilapitan namin siya after niyang bumunot.

"Ano na?"

"Sana number 2 tayo..."

"Anong number natin?"

"Number 1 tayo" sagot ni Tessie at nanghinayang naman kaming umupo.

"Alright so let's start?"

"Yes miss" sagot naming lahat. Agad kong inayos ang aking buhok at tumayo na.

"The first one to perform is Tessie's group. A round of applause" pagkasabi niya ay pumunta kami sa gitna. The music started to play. Habang sumasayaw ako ay napapatingin ako kay Krim. Namumutla siya at tulala. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may tinatago siya sakin. The music stopped and the synchronous applause followed.

"Thank you group 1, next?" sunod na tumayo ay ang grupo ni Krim. Nilapitan ko siya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Yeah" tumango siya. "Don't worry" tinapik niya ako sa balikat. Pumunta na sila sa harap at pumalakpak naman kami.

Pinahid ko ang pawis habang sumasayaw sila. Lihim ko siyang sinulyapan, parang may mali talaga. Ewan ko kung ako lang ba ang nakakakita pero palagi siyang nahuhuli. Naka-survive naman siya at after nilang nagperform ay sinalubong ko siya para pahiran ang kanyang pawis. Sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Yieeeeeeeee!" tukso ng aking mga kaklase pero hindi ko pinansin. Nag-aalala parin ako kay Krim. Bumalik kami sa aming upuan.

"Namumutla ka...okay ka lang ba talaga?"

Pumikit siya at tumango. Bumukas ng konti ang kanyang bag kaya nasulyapan ko ang laman nun. Nakita ko sa ibabaw ang isang box ng...

multivitamins?

Muli akong tumingin sa kanya. May mali talaga. Hindi ko na siya tinanong dahil alam kong hindi naman siya aamin. Nag-concentrate nalang ako sa klase.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon