Hinubad ni Krim ang kanyang cap nang nasa labas na kami, si Saint nama'y naupo sa bench. Nakarinig kami ng mga yabag ng sapatos kaya sabay kaming napalingon dito, si madam pala.
"Oh, nandyan pa pala kayo mamshie"
Ngumisi ako nang nakita ang ayos niya. Nakasuot siya ng pink dress na hanggang tuhod at sobrang napaka-aesthetic tingnan.
"May date ka?" nakangisi kong tanong.
"Yeah, mauna na ako sa inyo ah?"
"Sure, baka naiinip na yung ka-date mo" natatawa ko pang dagdag. Ngumiti lang siya at pumara ng traysikel.
"Bye mamshie!" pahabol niya pa.
"Bye!" Pinanood namin siyang umalis. Nilingon ko silang dalawa pagkatapos, pareho silang naiinip.
"Sa bahay nalang tayo magmiryenda" sabi ko pero umiling si Krim.
"Wag na, ihahatid ko nalang kayo, marami pa akong kailangang gawin" napanguso ako. "Don't get cute" natatawang sabi niya at nilagpasan ako. Hindi ko siya mapipilit kaya sumunod nalang kami sa kanya at umangkas sa kanyang motorsiklo.
"So, hindi ka na ba talaga tutuloy?"
Umiling siya, seryoso parin ang mukha. "Hindi na, pagod ako" at tinapik ako sa balikat. "Magpahinga ka rin"
Pinaandar niya ang motorsiklo at kumaway, ganun din kami ni Saint. Sinundan ko siya ng tingin bago pumasok sa gate. Laking gulat namin nang nakita si Joshua sa teresa na nakatulog sa kanyang braso, naka-lock kasi yung pinto kaya hindi siya nakapasok.
Kanina pa ba to?
"Bata, bata, gumising ka"
Gumising siya at nag-angat ng tingin. Kumurap-kurap pa siya bago nagsalita."Hindi po ako bata"
Tsk, tsk
Hindi ko siya pinansin, binuksan ko na ang pinto para makapasok na kami. Pinasadahan ko ng tingin ang isang malaking bag na bitbit ni Joshua, iyon ata ang mga gamit niya.
Talaga bang dito na siya makikitira? Hay naku.
Agad akong pumunta sa kusina para magtimpla ng kape para sa kanila, nilagay sa cabinet ang pandesal ni papa at naging waitress, joke. Si-nerve ko na sa kanila siyempre.
"Kuya, hindi ba nakakapagod ang college?" inosente niyang tanong pagkalapag ko ng kape sa lamesita. Natawa naman si Saint.
"Hindi," sabi ko. "Hindi madali" dagdag ko pa at natauhan siya. Bumaling naman siya sa pinsan ko.
"Ano bang course mo ate?" bakas ang kuryosidad sa boses niya. Nagkatinginan kami ni Saint.
"Psychology"
"Hindi ba mahirap?"
"Walang madali sa pag-aaral" sabad ko.
"Hmmm, gusto ko rin yon" masigla niyang sabi at napangiwi naman ako. Tsk, si Saint lang naman ang gusto niya.
"Mukhang hindi ang kurso ang gusto mo bata" sarkastiko kong tugon at ngumuso siya.
"Kuya naman...sabi ko hindi na ako bata" nagpapa-cute na sabi niya.
Tsk, wag kang umakto ng ganyan, hindi tayo close
"Ilang taon ka na nga ba?"
"13 po"
"Edi, bata ka parin"
"Binata na ako" napipikon na siya. Tiningnan ako ni Saint na para bang sinasabi niyang, tama na. Ngumisi lang ako.
"Magha-half bath lang ako" paalam ko sa kanila bago umakyat. Nasa itaas na ako nang biglang sumulpot ang alaga ni Saint at ikiniskis ang kanyang katawan sa binti ko. Shit! Nakakatakot tong pusang to!
"Shoo! Hindi ka cute miming kaya shoo!" pagtataboy ko at mukhang natakot naman ito. Nilingon pa ako ng pusang iyon bago tuluyang tumakbo.
"Meow!" lumundag ito mula dito sa itaas na para bang hindi siya takot mahulog. Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok nalang sa kwarto.
------
Bumangon ako at naghilamos, pagkatapos ay naligo, ano pa ba. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang tumunog ang aking cellphone. Inis ko itong dinampot mula sa study table.
"Yo" walang gana kong sagot. Narinig ko ang tunog ng pinggan at kutsara sa kabilang linya.
"Susunduin kita ngayon"
Oh no. Natigilan ako sa sinabi niya. Susunduin? Ano bang nakain niya?Buong friendship kasi namin ay hindi niya ako kailanman sinusundo kapag umaga, tuwing uwian lang kami nakakasabay dahil hinahatid niya ako. Hmmm... there's something meaty
"Wow, change is coming!" biro ko pero hindi siya tumawa. Masaya kasi tong kausap lalo na pag tinotopak. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Are you sure na hindi ka na ginugulo ng ex mo?"
Napaisip ako, bakit niya ako tinatanong ng ganito? Matagal na akong walang koneksyon sa kahog na yon at sigurado naman akong nasa kamay na yon ng mga pulis dahil marami na yong nagawang anomalya. Hindi ko lang talaga nahalata dahil nga maitsura yon.
"Bakit mo tinatanong?"
"I'll just tell you later, bye" and the call ended. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka habang nakatitig sa pangalan niya sa call records.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...