Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay nakita ko si ate."Bunso, pwede ba tayong mag-usap?"
Inaantok na ako pero sige. "Sige ate" sabi ko at isinara ng maigi ang pinto pagpasok niya.
"Okay ka lang ba?" tanong niya at umupo sa higaan.
"Oo naman ate"
Hinaplos niya ang buhok ko. "Pagpasensyahan mo na si ate, kung hindi sana kita tinanong ng ganon hindi ka mapapahiya"
Yumuko ako. "Wala kang kasalanan ate, alam kong wala kang intensyon para ipahiya ako"
"Pagpasensyahan mo narin si mama, nag-aaalala lang siya sayo" hindi ako nagsalita. Basta si mama na ang pinag-uusapan ay nawawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay maiiyak ako kapag naiisip ko ang sitwasyon namin. Kailan pa kaya kami magiging okay ni mama?
Alam kong nag-aalala siya sakin pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong pagalitan sa harap nila? Pwede naman niya akong kausapin ng mahinahon.
"Kinausap ko na si mama" bumuntong-hininga siya. "Na-miss ko yung dati nating pamilya, yung dati nating pagsasama" aniya at umiwas
ako ng tingin.Isa lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaganito kami...
Ako.
"Gusto ko sanang magkaayos na kayo ni mama. Ayokong habang buhay nalang tayong ganito"
I sighed.
"Gusto ko ring magkaayos kami ni mama pero dahil sa ginawa ko ay imposibleng mapapatawad pa niya ako. K-Kinamuhian na niya ako ate" my tears fell down.
"Sinikap kong maging katulad ninyo ni ate pero hindi ko kaya. Puro problema lang ang dinadala ko sa inyo. Lalo na nung..."
Sumikip ang dibdib ko kaya mas lalo akong naluha. Naalala ko ang kababuyang ginawa sa akin ni Felix, kung paano niya sinamantala ang aking katangahan, kung paano niya ginamit iyon para sirain ako sa aking pamilya para lang matakot ako at ibigay ang hinihingi niyang pera.
"Nung naging tanga ako..." ang sakit! Masakit na kung kelan mo kailangan ng pag-unawa mula sa mga taong mahal mo, saka din nila ito ipagkakait sayo.
"Shhhh," naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap kasabay ng paghaplos niya sa aking likod na naging dahilan para mas lalo akong humagulhol.
Ngayon, binabawi ko na yung sinabi ko na naka-move on na ako sa t*rant*dong Felix na yun. Sa totoo lang hindi—hindi ko kailanman nalilimutan ang mga ginawa niya sakin. Hindi ko kayang burahin ang mga pangyayaring iyon dahil iyon ang naging dahilan kung bakit galit sa akin si mama. Hangga't hindi pa ako napapatawad ng aking ina ay hindi ko iyon malilimutan.
"Lahat tayo ay tanga Ae. Nagiging tanga tayo pagdating sa pag-ibig. Nagkakamali tayo dahil sa pagmamahal at minsan nagkakamali tayo ng taong minamahal"
"Pero ate, galit sakin si mama..." namamaos kong sabi.
"Magiging maayos rin ang lahat. Nabigla lang si mama kaya siya nagkaganito pero alam kong darating ang panahon na matatanggap rin niya ang lahat"
"Kelan pa ate? Kelan pa..." nawawalan na ako ng pag-asa.
"Don't worry, gagawa ako ng paraan. Nandito si ate kaya tahan na..." para akong batang inaway at pinagtanggol niya. Pinahid niya ang mga luha na tumulo sa aking pisngi habang naiiyak rin siya. "Sige na, matulog ka na" pinahid niya ang kanyang luha at tumalikod na.
----------
Bumuntong-hininga ako nang nakita ang itsura ko sa salamin. Namamaga ang aking mga mata dahil sa pag-iyak ko kagabi. Huminga ako ng malalim bago kumuha ng tuwalya at lumabas ng kwarto.
Magiging maayos rin ang lahat. Nabigla lang si mama kaya siya nagkaganito pero alam kong darating ang panahon na matatanggap rin niya ang lahat
Naalala ko ang sinabi ni ate habang dumadausdos ang malamig na tubig sa aking balat. Isinara ko ang gripo at binalot ng tuwalya ang katawan.
Sana nga...
Sana maging maayos na agad ang lahat.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...