"Kuya" Joshua knocked at the door. Alam ko ang pakay niya kaya hindi na ako sumagot. "Kuya, nandito na ang kaibigan mo!" he knocked again. "Kuya! Naiinip na siya uy!""Hayaan mo, ako na ang kakausap" narinig kong sabi ni Saint at may kumatok na naman. "Bibiko, buksan mo to"
Pero hindi ako sumagot. Ayokong humarap kay Krim dahil kahit hindi ko pa siya nakikita ay kinakabahan na ako.
"Hayy," bumuntong-hininga siya. "Sige, sasabay na ako kay Kris. Mauna na kami" nakahinga ako ng maluwag saka sumilip sa bintana. Nakita ko si Krim na sumakay na sa kanyang motorsiklo. Tumingala ito sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong nagtago.
LUB...LUB...DUB...DUB...
Dibale na, hihintayin ko nalang silang makaalis.
----------
Shit! Late na ko!
Tumakbo ako ng mabilis mula sa gate patungo sa classroom. Buti nalang hindi sarado ang pinto kaya nakapasok ako.
"Huf...Huff..." hinabol ko ang hininga, napatigil sa pagdidiscuss ang instructor at kunot-noong napatingin sakin.
"Mr. Libres, why are you late?" pati mga kaklase ko ay nagtaka narin dahil first time kong nahuli sa klase.
"S-Sorry ma'am, may e-emergency lang po" napasulyap ako kay Krim, ngumisi siya. Hindi ko iyon pinansin at naupo sa tabi niya.
"Emergency pala ah" bulong niya sakin pero hindi ko siya nilingon.
After the morning session, nagsilabasan na ang lahat. May iilan pang natira sa loob kabilang na kami ni Krim. Kunot-noo niya akong tiningnan.
"Hindi ka ba kakain?" taka niyang tanong.
"M-Mauna ka na, s-susunod nalang ako" sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya.
"I know you're avoiding me. I'm sorry kung nabigla ka sa ginawa ko," napakurap ako. "But about what I said yesterday...I really mean it" dagdag pa niya at naglakad palayo.
LUB...DUB...DUB...DUB...
Hindi ko alam kung paano pakalmahin ang sarili ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Nagwawala ang dibdib ko sa kaba.
"Hey," nag-angat ako ng tingin nang lumapit si Clovis. "Dito ka kakain?" ngumiti siya.
"Hehe, hindi" it made her smile even more.
"Pwede ka bang sumabay samin?" nilingon niya sina Tessie.
"Ahhhh..." hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Hehehe"
"Okay lang kung hindi," aniya.
"Ahhhh" saglit akong nag-isip. "Sasabay kasi ako sa pinsan ko eh"
"Ganun ba"
"Oo, hehehe pero pwede naman kayong sumabay samin"
"Nakakahiya naman"
"Hindi, ayos lang talaga"
"Tessie, okay lang ba?"
"Of course" tumango ito sa kanya at ngumiti sakin.
"Okay let's go"
Sumabay na ako sa kanila, pero hindi ako kumportable dahil pinagtitinginan kami sa hallway.
"What's she doing?"
"Diba boyfriend siya ni Krim?"
"Ugh, he looks better when he's with him"
"Agree ako diyan te"
"Best friend niya ba yan?"
"Ewan ko"
"Naku teh, iba naamoy ko"
"Parang amoy fling"
Ano bang pinagsasabi nila?
"Supportive talaga sila sa inyo ni Krim no" nakangising sabi ni Tessie.
"Don't mind them" sabi ko naman kay Clovis. Ngumiti lang siya.
"Nahh, I'm used to it" confident niyang sagot at hindi na namin pinansin ang mga bulungan hanggang sa nakarating kami sa canteen. Hinanap ko sila Krim at nang nakita ko na sila ay kinawayan ko si Saint, tumugon rin siya.
"Ayun sila" sabi ko at iginiya sila papunta sa kinaroroonan nila Saint. Kumunot ang noo ni Kris nang nakita ang aking mga kasama, maging si Krim ay nagulat rin at pinaningkitan ako ng mata.
"Ahh guys, these are my classmates"
"Hi, I'm Clovis"
"I'm Tessie"
"Sharon"
Tumayo naman si Saint at nakipagkamay sa kanila. "Hello po, I'm Saint" at sumulyap sakin bago bumalik sa pagkakaupo.
"Why are you here?" sabi ni Kris habang nakatingin kay...
Clovis.
Hindi ko naiintindihan pero sa uri ng tinginan nila sa isa't-isa, masasabi kong magkakilala na sila dati pa.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...