Chapter 13

0 0 0
                                    


"Diego and Libres" tawag ng instructor sa aming dalawa, pagkatapos ng reporting. Napatingin lahat ng aming kaklase. "I'm very impressed of your presentation" pasimple siyang ngumiti.

"Thank you Sir" sabay naming sagot.

"Everyone," niligpit niya ang kanyang mga gamit. "Make a further research from our discussions, I will give you an essay quiz this Thursday" and with that, he left.

"Congrats Krim! Congrats sa inyong dalawa!" lumapit sa amin si Cindy, nakatayo sa likod niya ang kanyang kaibigan. Tumango lang si Krim at ngumiti.

"Thanks" tipid akong ngumiti. "Congrats din sa inyo"

"Galing niyong dalawa, dinaig niyo pa yung mga groups na may maraming members" puri niya pa.

"Quality matters than quantity" seryosong sabi ni Krim. Awkward na ngumiti si Cindy.

"Indeed," tumingin siya sakin. "Gusto niyo bang sumali sa group namin next time?"

"Sig-

"You can do it with your 'group', no need to recruit us" sabat ni Krim kaya ngumiti nalang siya ng pilit.

"Okay," aniya at umiwas ng tingin. "We'll get going, bye" kinawayan niya ako.

"Bye" tugon ko at nilingon si Krim pero sobrang seryoso ng mukha niya kaya naglaho ang ngiti ko. "Tsk, tinopak na naman" bulong ko at isinabit ang magkabilang sling ng bag sa balikat.

"They're so plastic" napalingon ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. "Wag kang makisalamuha sa kanila, baka mahawa ka" dagdag pa niya.

"Krim naman" ngumuso ako.

"Tsk, you're so soft...just like your cousin" nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa mukha ko. Anong soft ang pinagsasabi nito? Hays, abnormal talaga!

Nabigla ako nang dumapo ang kamay niya sa aking balikat. Lumingon ako sa paligid, baka may makakita sa kanya na inaakbayan ako. His scent filled my nostrils. "Let's go" sabi niya pa. Hindi nalang ako umangal kasi magkaibigan naman kami. Ganun parin ang posisyon namin habang naglalakad nang biglang...

"Oh girls look! They're so cute!" sabi ng babaeng dumaan sa kanyang mga kasama at nagtilian sila.

"Wahhhh! Shiiippppp!"

"Ahhhh! So, who's the top?"

"Ang sweet!" gusto ko silang batukan isa-isa para magising sila sa kahibangan nila. Nakakainis.

"Kuya!" tawag ng isa at...

Shit! Napayuko ako dahil nakita kong kinukuhanan nila kami ng letrato. Hinila ako ni Krim paalis doon at iniharang ang folder sa mukha namin.

Hays! Ano bang meron sa mga babaeng yun?

"Okay na" inalis ni Krim ang folder at humarap sakin. Nakahinga ako ng maluwag. Taeng mga freshmen yun!

"Kuya dito!" kumaway si Kris mula sa labas ng kanilang classroom. Nagsisilabasan na rin ang mga kaklase niya.

"Sasabay ka samin?" tanong ko.

"Oo, wala na akong gagawin ngayon"

"Kris, hindi ka sasabay samin?" bakas ang paghihinayang sa mukha ng mga lalaking kasama niya. "Sayang, maglalaro kami ngayon" nakangusong dugtong pa nung pinakamatangkad sa kanila.

"Pass muna ako ngayon ah? Bukas nalang" parang lalakeng sabi niya sa mga ito.

"Sige, mauna na kami"

"Bye Kris!"

Kinawayan niya lang ito at muling bumaling sa amin.

"Tsk, habang buhay ka bang magiging ganyan?" napakurap siya sa tanong ng kuya niya at nagbaba ng tingin.

"Hayaan mo ko kuya, mahirap para sakin ang makipagkaibigan sa mga babae"

Boyish kasi...

"Then act like one" natatawang sabi ng kanyang kuya.

"I won't try hard, I can live without a lot of friends anyway" tinitigan niya ang kapatid at muling ngumisi. "Ikaw nga eh, stick-to-one"

"Whatever"

Nakinig nalang ako kasi hindi ako maka-insert. Sumilip ako sa kabilang classroom at napatitig sa estudyanteng nakikipaglaro ng chess. Sobrang lawak ng ngiti niya habang naglalaro na para bang aliw na aliw siya sa ginagawa pero shit! Napakurap ako nang nagtama ang paningin namin. Umasta ako na tumitingin sa mga upuan at nang hindi na siya nakatingin sa akin ay ibinalik ko ang atensyon kina Krim.

Tae na...

Pagkatapos ng nakakalitong pag-uusap ng magkapatid ay dumaan kami sa classroom ni Saint. Nagpaalam muna siya sa kanyang kaibigan bago lumapit samin.

"Hi Saint!" bati ni Kris sa kanya.

"Hello best artist!" tugon ni Saint at nagtawanan sila. Nagtinginan nalang kami ni Kris dahil out of place kami sa kanila.

"Hahaha, congrats vice!"

"Congrats satin president!"

Napailing nalang ako. Marahil yung Artsy club ang tinutukoy nila.

"Bibiko, sumali ka rin?" tanong ko at nakangiti naman siyang tumango. So, ako lang pala ang walang sinalihan na kahit ano dito? Nanlaki naman ang mga mata ni Kris habang palipat-lipat ang tingin sa amin.

"Teka, Bibiko? Magpinsan ba talaga kayo?"

"Enough with the talk we need to go" suway ni Krim sa kaniya at naunang naglakad, sumunod naman ako.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon