Sinampal ko ang sarili at tumingin sa salamin. Dumapo ang tingin ko sa aking labi...He just kissed me a while ago
Napapikit ako at sinampal muli ang sarili. Ayokong isipin pa iyon! Kaibigan lang kami ni Krim! Hindi ko siya dapat hinayaan na halik—
"Argghhhhhh! Wag mo na sabing isipin yun eh!" sinabunutan ko ang sarili.
I'm jealous of her because I like you
Ayokong maniwala pero lumabas na mismo sa bibig niya na gusto niya ako at nagseselos siya kay Clovis.
"AHHHHHHHHH! Bakit baaaaaaaa!" sigaw ko ulit.
Tok Tok Tok
Tumahimik ako nang may biglang kumatok sa cr. "Kuya tapos ka na ba? Natatae ako eh" narinig kong sabi ni Joshua mula sa labas."Oo teka lang!" Binuksan ko ang gripo at nanghilamos. Hinawakan ko pa ang labi ko for the last time.
Hinalikan niya ako...
"Kuya, lalabas na talaga!"
"Oo na!" inis kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nanginginig. Natawa ako sa itsura niya at nilagpasan siya. May naalala lang naman ako.
(1 Year Ago)
"Shit! Natatae na talaga ako" inis kong bulong habang naghihintay sa nauna sakin na matapos. Isa lang kasi ang cr dito kaya kailangan pang pumila.
Napahawak ako sa tiyan nang tumunog iyon at kumirot, hudyat na matatae na ako. Taranta kong pinalo ang pintuan.
"Kuya! Please bilisan mo naman!" sigaw ko at bumukas ang pintuan. Inis na tumingin sa akin ang mama. Pumasok na ako at...
PRRUUUTTTTTTT!
Inilabas ang sama ng loob. Wala akong pakialam kung naririnig nila ako atleast hindi ako natae sa labas kanina. After ng ritwal ay masigla na ulit akong lumabas. Aalis na sana ako nang..."Can you please hurry up?!" napalingon ako nang may sumigaw. Nakita ko ang kaklase ko na nakapikit at napahawak sa kanyang tiyan. In fairness, may itsura siya. Kahit natatae ay fresh parin siyang tingnan sa itim niyang buhok, may kaputian siya at mamula-mula ang kanyang labi. Ang kanyang ilong ay masasabi kong maganda ang pagkahugis. Siya si Krim, kilalang istrikto at pilosopo sa section namin.
Sana ganyan din ako kagwapo
"Why are you staring at me?" singhal niya kaya napanganga ako at umiwas ng tingin. "Hurry up!"pinalo niya ng malakas ang pintuan at nang lumabas na ang nauna ay nagmamadali siyang pumasok. Natawa ako ng palihim.
(Present)
"Bibiko, pwede ba kitang makausap?" tanong ko nang nakita si Saint na nakaupo sa sala.
"Tungkol saan?"
"Saka ko na sasabihin" sagot ko. Taka niya akong tiningnan saka tumayo. Nauna akong naglakad patungo sa kwarto, nandito kasi sila mama at kapag sa teresa kami ay baka may makarinig.
"Ano yun?"
"Tungkol sa kaklase ko"
"Anong pangalan niya?" curious niyang tanong. Nagwala agad ang isip ko.
Ano nang isasagot ko??????
"C-Clovis" dibale na.
"Ang ganda naman ng pangalan"
"Oo nga eh"
"Ano nga ba yung sasabihin mo tungkol sa kanya?" palihim kong kiniskis ang mga kamay.
"Atin-atin lang to ah?"
"Oo naman" natatawa niyang sagot. "Teka, ba't mo ba siya ikinukwento sakin?" yari na. Anong sasabihin kooo?!!!
"Eh kasi, concerned ako sa kanya," what the heck! Gusto kong sampalin ang bibig ko dahil sa kasinungalingan ko. "Pero ayokong mag-open up sa kanya dahil magmumukha lang akong tsismoso. Ganito kasi ang nangyari..." ikinuwento ko sa kanya na hinalikan si Clovis kahit ang totoo ay sa akin naman ito nangyari.
Naku, patawarin sana ako ng nasa Itaas sa ginagawa ko. I know Saint, hindi na ako pinapahamak kaya sa kanya ko kinukwento ang mga sikreto ko pero may konting pag-iingat rin naman.
"So, may gusto pala talaga sa kanya ang kaibigan niya" kinikilig niyang sabi. "Ang swerte niya"
"Oo nga eh" pilit akong tumawa.
"Teka, nagseselos ka ba sa kanya?" aniya at sinilip ang mukha ko.
"Ano?!" I panicked. "Bakit naman ako magseselos?" Ang bilis niyang makaamoy, mali lang talaga ang interpretation.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Si Krim ba yung humalik sa kanya?"
Mabilis akong umiling. "Bakit mo naman naisip na si Krim?" kunwari'y walang malay kong tanong. Tiningnan niya ako na parang nagdududa. "P-Palagi kaming magkasama ni Krim kaya hindi siya yon"
"Nauutal ka eh" nanunukso niyang tugon.
"Basta, atin-atin lang to ha" pag-iiba ko ng usapan.
"Wag kang mag-alala" she zippered her mouth.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...