"Ilang taon na ba kayong magkaibigan nun kuya?" kunwari'y tanong ni Joshua na may halong panunukso habang kumakain kami. Tiningnan ko siya ng masama dahil nandito si papa at baka masamain nito ang narinig. Napaubo si Saint at nilingon si papa.
Ayoko talagang makasabay ang bata'ng to! Nakakawalang gana kumain!
"Sinong kaibigan ba?" clueless si papa, hindi niya kasi kilala si Krim.
"Yung kaklase ko po," naikuyom ko ang aking kamao habang nakatitig kay Joshua. Lagot ka sakin bukas.
"Sino ba yan, ipakilala mo naman sakin" nakangiting sabi ni papa at...
"Yieeeee" mahinang tukso nila.
"Lalake po yun" walang gana kong sagot at tinitigan sila ng masama, pero hindi tumalab dahil nakangisi parin ang dalawa.
May araw rin kayo sakin
Tumayo na ako kahit hindi pa tapos kumain.
"Oh? Tapos ka na?" takang tanong ni papa at tumango lang ako. Sinikap kong wag magdabog at baka makahalata siya. Ngumiti ako ng pilit at umastang hiniwa ang leeg ko gamit ang aking daliri para bantaan ang dalawa, saka ako umalis.
Argh! Hinugasan ko ang pinggan, nagtoothbrush at umakyat na sa kwarto. Nagpatugtog ng music at kinuha ang paborito kong libro sa lalagyan nito para libangin ang sarili sa pagbabasa bago ako matulog.
Makalipas ang ilang minuto, tumawag si Krim. Pinahinto ko ang kanta.
"Yo" kunwari'y inaantok kong sagot, wala ako sa mood makipag-usap lalo na't naaalala ko ang mga tukso nina Joshua. Naiinis ako.
"Tsk, sleepyhead" natawa siya. "Videocall tayo?" dagdag niya pa.
"Wag muna, haggard ako" pagdadahilan ko.
"Gwapo ka parin naman kahit haggard" napapikit ako sa gulat dahil sa sinabi niya. Shit! I'm not supposed to be fluttered!
"Kino-comfort mo lang ako eh"
"No, it's true. Hindi mo ba napapansin ang tingin ng mga schoolmates natin?"
"Medyo, napapansin ko pero naiirita ako"
"Gwapo rin kasi ang hanap mo" diretso niyang sabi kaya hindi ako nakaimik. Parang umurong ang dila ko na hindi ko alam. Totoo rin naman, hindi ko ipagkaila ang katotohanang yan. "I'm sorry" sabi niya nang natauhan siya.
"Okay lang, totoo naman"
"Mmm," kahit di ko nakikita ay batid kong nakangiti siga. "Hindi mo rin ba ako tatanungin kung ano ang preference ko?" napaisip ako sa tanong niya.
Preference? Anong ibig niyang sabihin?
"Ayoko nga"
"Haha, why is that?" hindi ako sumagot.
"Anong preference ba ang sinasabi mo?"
"I'm talking about the person I like"
"Buti naman at natauhan ka na, matagal mo nang inilihim sakin ang bagay na yan" natatawa kong sabi.
"May I know kung sino yan?"
"Tsk, wag muna ngayon, saka na"
"Sige na..."
"Hindi mo kilala"
Ngumuso ako. Pag ayaw niya talaga, hindi mo siya mapipilit.
"Si Cindy ba?" natatawa kong sagot.
"Hell no, I don't like girls"
"What?!" pasigaw kong tanong dahil sa gulat.
"Yeah"
Totoo ba yung narinig ko?
Hindi ko gets. Hindi kaya...
"Magtapat ka nga sakin, gay ka ba?" tanong ko. Matagal bago siya sumagot.
"Mmm, I'm not gay"
"Eh ano?"
"I'm bisexual" diretso niyang sagot at napaawang ang bibig ko. Sa isang taon naming samahan, nakakagulat lang na salungat pala lahat ng inaakala ko sa katauhan niya. Napatango ako.
Kaya pala...Kaya pala nagkasundo kaming dalawa.
------
"Yieeee, kuya andyan na siya oh" tukso ni Joshua sabay nguso sa labas kahit wala pa naman si Krim. Inambaan ko siya ng suntok.
"Siguraduhin mong hindi ka maririnig ni papa"
Tumawa siya. "Ganda ni ate!" puri niya kay Saint na kakababa lang at inaayos ang collar ng kanyang blouse. Natawa ito sa kanya.
"Anong maganda, eh puro na nga ako tigyawat"
"Hindi naman nawawala ng tigyawat ang ganda mo ate" umismid ako sa sinabi niya.
Tsk! Binobola kasi may nararamdaman
Ngumiti si Saint. "Hays, namiss ko tuloy si Siri"
"Sinong Siri ate? Kapatid mo?" usisa pa nito at tumango naman si Saint.
"Oo, bagay kayo nun"
Ngumuso si Joshua. "Ate naman" natawa ako. Ang sakit nun, sagad sa buto. Yung pinamimigay ka ng taong gusto mo. Nilingon ako ni Joshua.
"Anong nakakatawa kuya? Kinikilig ka ba sa kaibigan mo?"
Inirapan ko siya. "Eh ikaw, di ba may crush ka sa pinsan ko?" sabay nguso kay Saint. Ngumuso siya at umiwas ng tingin.
I got ya
Naiilang na tumingin si Saint sa kanya. "Totoo ba yun?"
"Hindi po ate, kuya ah? Hindi ka nakakatuwa!" tiningnan niya ako ng masama. Ngayon, ako na naman ang ngumisi.
Konting tukso mo pa sakin kay Krim, hindi ka na makakalapit kay Saint.
Kilala ko yang pinsan ko, umiiwas yan kapag may nagka-crush sa kanya na hindi niya gusto. Kinindatan ko siya at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...
