Wala masyadong espesyal na nangyari ngayon, siyempre sabay kaming apat na kumain kanina. Ngayon naman ay sabay parin kaming uuwi, maliban kay Kris na nagpaiwan dahil sasali siya sa Artsy club. Wala akong sinalihang mga club dahil dagdag stress yun, si Krim naman ay member ng SSG. Didiretso kami sa trabaho kaya nagbihis muna kami sa restroom bago lumabas, pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga estudyante.
"Hindi ba tayo mapapagalitan ng guard nito?" si Saint. Umiling ako.
"Working students tayo kaya ayos lang yun"
Sinulyapan ko si Krim na nasa huli at tahimik lang. Tsk, hanggang ngayon ba ay tinotopak parin siya? Pumara ako ng traysikel at nilingon si Krim na hindi parin kumikibo.
Panis yang laway mo mamaya
Magbabayad na sana kami nang bigla niyang hinarang ang kanyang kamay at binayaran kami. Napatingin si Saint sa akin dahil hindi siya makapaniwala. Napailing nalang ako. Nauna siyang naglakad at patakbo ko naman siyang sinundan.
"Hoy! Tinotopak ka na naman ba?"
Lumingon siya.
"Magtatrabaho tayo kaya umayos ka" saka naglakad ulit. Lumabi ako nang narinig ang mahinang pagtawa ni Saint mula sa likuran.
----
Hinatid niya kami sa bahay. As usual, bumili ako ng pandesal para samin, at kay Papa. Walang naka-park na motor sa labas kaya paniguradong wala pa si mama. Meron rin naman akong spare key kaya nakapasok kami.
"Hay! Kapagod pero nag-enjoy ako" sabi ni Saint at humiga sa sofa.
Napailing ako at pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Itinago ko ang pandesal ni papa at bumalik sa sala. Napangiti siya at bumangon pagkalapag ko ng kape sa tabi ng pandesal.
"How's your day?" kumuha ako ng pandesal at kinain iyon.
"Mmm, swerte dahil nakakita agad ng kaibigan" nakangiting sabi niya.
Buti pa siya, ako nga noon ay nahirapan pang mag-adjust dahil halos lahat ng kaklase ko ay mahirap kausapin, si Krim lang talaga ang naging kasundo ko. BS Bio kasi ang kinuha kong kurso at halos lahat ay nanggaling sa STEM, yung iba ay hindi ko alam. Isa pa, maraming mapera samin.
*Stem- Section ng mga kinikilalang matatalino sa school*
"How about your sched? Hindi ba hectic?"
Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, magiging hectic na next week"
"Good luck, lalo na kapag si Sir Fernando ang magiging instructor niyo, naku, madalas yung nagpapareport" patungkol ko sa dating instructor namin last year. Naalala ko pa yung minsang nagkamali ako ng naisagot sa tanong niya nung nagreport ako dahil sa sobrang lutang ko. Pinabasa niya sakin ulit lahat ng nasa presentation namin at napahiya talaga ako ng mga sandaling iyon.
BRZZZZRTTT!
Sabay kaming napatingin sa cellphone niya na nagvibrate sa mesa.
Hmmmmm...
Napangisi ako. Kelan pa siya natutong mag-vibrate?
"Teka lang Bibiko" taranta siyang tumayo at sinagot iyon.
"Si Pruk ba?" nakangisi kong tanong at nag-iwas siya ng tingin.
"Hehe, oo" aniya at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Sinundan ko siya ng tingin. Kakaiba talaga ang mga taong inlove. Ipinilig ko ang aking ulo at inubos ang natirang pandesal. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga.
Kinagabihan, pagkatapos kong nagluto ay saka na dumating si mama. Kasama niya parin yung Joshua, na ngayon ay hindi na naglaro ng kahit ano sa kanyang cellphone. Nasa kwarto parin si Saint kaya nakahinga ako ng maluwag, mukhang nagpapapansin kasi tong bayaw ni ate sa kanya.
"Good evening kuya"
"Mmmm, good evening" tipid akong ngumiti. Inilibot niya ang paningin, halatang hinahanap ang pinsan ko.
"Uhhh, nandyan po ba si ate?"
May pa-ate ate ka pa ah?
"Nasa kwarto, kausap ang boyfriend niya"
"Boyfriend niya po? Sa kwarto?" tumango naman ako, pinipigilan ko ang sarili na matawa. Ano bang iniisip niya?
"Tumawag kasi ang boyfriend niya" sagot ko.
Tsk, masyado kang obvious bata
"Nakaluto na po ako" bumaling ako kay mama para maiwasang matawa. Tiningnan lang ako ni mama saka umakyat.
"Tawagin niyo lang ako pag nandyan na ang papa mo" aniya at tuluyan nang pumasok sa kanyang kwarto. Maya-maya pa ay dumating na si papa. Ngumiti siya sa akin.
"Pasensya na at hindi ko kayo naihatid kanina" Pinunasan niya ng bimpo ang pawis sa mukha. Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin sa kanya kaya nagbaba ako ng tingin.
"Ayos lang pa, saka pagod po kayo kanina" tugon ko at ngumiti. "Nasa kusina po ang miryenda niyo"
"Mmm, bukas nalang yon, maghahapunan din naman tayo"
"Ma! Kakain na!" tawag ko at lumabas naman si mama. Tumayo ako at kinatok ang pintuan ng kwarto ni Saint. "Bibiko mamaya na yan, kakain na tayo" lumabas narin si Saint.
"Hi ate!" bati nung Joshua at kumaway sa kanya. Ngumiti naman si Saint.
"Siyanga pala, dito matutulog si Joshua simula ngayon dahil bukas ay don na ako kay Alice, kailangan kasi ng magbabantay sa mga apo ko"
Tsk, ba't kailangang matulog pa yan dito?
Bumuntong-hininga ako, imagine, lima ang anak ni ate. Dalawa ang elementary, isang primary, ang pang-apat ay kwatro anyos at ang bunso ay one year palang. Tsk! Hindi kasi nag-birth control tapos ngayon, si mama ang magbabantay? Nakakainis lang pero wala akong magagawa. Sila lang naman ang laging nasusunod dito sa bahay.
"Bakit? Hindi ba siya kumuha ng ibang tao para magbantay?" tanong ni papa.
"Hindi mapagkakatiwalaan ang ibang tao, Arturo"
"Kakain na po tayo" sabad ko dahil mukhang nagsisimula na naman sila. Ayokong masaksihan ni Joshua ang ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...