"Kuya, hindi muna ako makakasabay sa inyo ah" sabi ni Kris at isinenyas ang kanyang mga kasamang lalaki. Well, what's new? "Ikaw Saint?""Sasabay"
"So pano kuya, aalis na kami" tumalikod na si Kris at pumunta sa mga kasama niya. Paglapit niya ay parang may sinabi yung kasama niya at nagtawanan sila. Umalis na kami roon at pumunta sa cafeteria. Mahigpit akong napahawak sa strap ng aking bag dahil sa nakakailang na tingin nila. Tatayo na sana si Saint para mag-order pero pinigilan siya ni Krim.
"Ako na" sabi niya. Inabot ko naman sa kanya ang bayad. "No need, it's on me" hindi niya ito tinanggap. Nagkatinginan kami ni Saint. Pagkaalis niya...
"Yieeeee ang sweet talaga ni kuya Krim no?" lumapit siya at sinundot ako sa tagiliran. Pinalo ko ng mahina ang braso niya.
"Eh si Pruk? Hindi ba't sweet rin siya sayo? Na-miss mo no?" tukso ko rin pabalik. Bumuntong-hininga siya.
"Sobra. Sana bibilis na ang takbo ng oras para magkita na kami"
"Ang landi mo!" tumawa ako.
"Honest lang" tugon niya at ngumiti. "Pero, mas na-miss ko si mama at Siri" lumungkot ang itsura niya. "Wala akong contact sa kanila eh" nagbaba siya ng tingin.
"Don't worry, papalapit na ang wedding ni ate, magkikita kayo soon" sabi ko at naliwanagan naman siya.
"Oo nga no?"
"Hmmm, sa ngayon tiis-tiis ka muna. 4 years ka dito remember?" ngumuso siya dahil sa sinabi ko. "Ganyan talaga ang buhay. Minsan kailangan mong lumayo sa mga mahal sa buhay para maabot ang pangarap"
"Indeed" natigilan ako nang narinig si Krim mula sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko siyang nakangiti.
LUB...DUB...DUB...DUB...
"A-Ah, hehehe kumain na nga tayo" umiwas ako ng tingin habang pinipigilan ang sarili na mapangiti. Kinagat ko ang ibabang labi at ikinuskos ang dalawang palad para maibsan ang kaba. Nagsimula na kaming kumain. Sinulyapan ko si Krim habang hindi niya pa ako namamalayan na nakatingin sa kanya. Mukha siyang masaya ngayon pero may napansin ako sa kanya.
Medyo namumutla siya.
"Ampf!" bigla siyang nabulunan kaya taranta akong tumayo at nilapitan siya. Shit! Binigyan ko siya ng tubig at tinapik ang kanyang likod.
"Kuya, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Saint.
"Hufff...Huff!" hinabol niya ang hininga.
"K-Krim, may bumabara pa ba sa lalamunan mo?" nag-aalala ko ring tanong at sinilip ang kanyang mukha. Mas lalo siyang pumutla kaya kinabahan ako.
"I-I'm okay now" tugon niya habang nakahawak parin sa kanyang dibdib.
"Sigurado ka?" tanong ko ulit at tumango naman siya. Bumalik ako sa upuan. Naalala ko bigla yung na-observe ko sa kanya nung nagdaang araw lalo na yung vitamins na nakita ko sa kanyang bag.
May sakit kaya siya? Wag naman sana.
-------------
"Class dismissed"
Inayos ko na ang itsura ko at nagsuklay. Sinulyapan ko si Krim. Habang binubuksan niya ang kanyang bag ay sinilip ko ito ng palihim pero wala akong nakitang vitamins o kahit anong gamot. I sighed.
Siguro nag-ooverthink lang ako. Tanungin ko nalang kaya siya? Mmm, mamaya nalang.
"Why are you looking at me like that?" napansin niya ang mga titig ko. "Are you worrying about me?" napangiti siya.
"Tsk! Kapal mo" pagtanggi ko. Nagulat ako nang inilapit niya ang kanyang mukha.
LUB! DUB! DUB! DUB!
Lumingon ako sa kabila para umiwas pero hindi parin siya lumayo. Ramdam kong marami na ang nakatingin sa amin.
"WAHHHHH! Get a room!"
"YAAAHHHHHH! Masyado kayong PDA ano ba!"
"AHHHHHHHH! Kinikilig akoo shett!"
Ugghh! Nakakahiya!
"Thanks for caring" narinig kong sabi niya bago lumayo.
LUB! DUB! DUB! DUB!
Sasabog na ang dibdib ko dahil sa lakas ng pagtibok nito. Kahit among gawin ko ay hindi ko mapigilan ang sariling isip na magwala kapag lumalapit siya sakin.
Please...please...kaibigan mo lang si Krim. Nasaktan ka na kaya wag mo nang hayaang maulit pa yon!

BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...