"Ae, anak, kakain na tayo!" tawag ni mama at kinatok ang pintuan. Dahan-dahan akong bumangon at pinahid muna ang luha bago binuksan ang pinto.
"Kanina ka pa hindi lumalabas, teka—" tumingin siya sa mga mata ko. "Umiyak ka ba?"
"Hindi po, nasobrahan lang po ako sa tulog" pagsisinungaling ko.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong at umiling naman ako.
"Okay lang po ako ma, wag kayong mag-alala" sabi ko.
Hindi po ako okay ma.
"Siya sige" bumaba na kami at pumunta sa kusina. Nakatingin silang lahat sa akin. Umupo na ako at nagdasal bago kumain. Namutawi ang katahimikan sa hapag.
"Kumusta ang pag-aaral mo anak?" tanong ni papa.
"Maayos lang naman po"
Nakakapagod po.
"Naku anak, may sasabihin kami sayo" excited na sabi ni mama.
"Hindi mo na kailangang magtrabaho"
"Bakit po?"
"Kasi may puhunan na kami sa negosyo at napromote narin ang ate mo sa trabaho"
"Pero, nag-iipon po ako"
"You don't need to prove yourself bunso" sabi ni ate.
"That's right, it's very clear na nagsisikap ka bro" kaswal na dagdag ni kuya Hanz at napangiti naman ako.
"Ang sipag mo talaga ate" puri naman ni Saint sa kanya.
"Thanks Saint, dahil yan sa pamilya ko"
"Kumain na tayo, baka maiyak pa si Miranda eh" biro ni papa at natawa naman kami.
Bumalik na sa dating sigla ang pamilya namin pero si Krim...
"Ang sarap ma" bumalik ako sa wisyo nang narinig ang boses ni ate.
------------
Dahil weekend ay inubos ko ang oras sa pagtulog. Paggising ko ay dumiretso ako sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin hanggang sa napadako ang tingin ko sa aking labi. Bigla kong naalala yung araw na hinalikan ako ni Krim. I sighed.
Pinaramdam mo sakin kung paano siya magmahal pero hindi rin ito nagtagal.
"Huwag mo na siyang isipin, mas lalo ka lang masasaktan" suway ko sa sarili at lumabas na.
"Good morning kuya" bati ni Joshua habang kumakain. I just smiled.
"Nasan ba si Saint?"
"Nasa kwarto niya kuya"
"Ahhh sge" at iniwan ko siya para puntahan si Saint. Kumatok ako ng ilang beses. Bumukas ang pinto.
"Oh Bibiko?"
"Saint, gala tayo" kailangan kong mag-relax kahit ngayon lang.
"Sige ba, saan?"
"Kung saan tayo mapapadpad"
"Kahit sa Bermuda Triangle?" biro niya at natawa naman ako.
"Sira! Maglilibot lang tayo at kakain"
"Sige, magbibihis na ko" at isinara na niya ang pinto. After a few minutes ng paghahanda ay ready na kaming lumabas.
"Kuya, saan kayo pupunta?" tanong ni Joshua nang napansin kami.
"Gagala lang"
"Sama ako please" kumislap ang kanyang mga mata.
"Hindi pwede"
"Kuya naman!"
"Hin. Di" ngumuso siya.
"Ate Saint, sige na isama niyo na ako" pamimilit niya pa. Tumingin naman si Saint sakin at sumenyas na pumayag nalang ako.
"Payagan mo na" bumulong siya.
"Sige, bilisan mo"
"Yeahhh!" he closed his fist at tumalon. Pagkatapos niyang nagbihis ay nagpaalam na kami sa mga magulang ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...
