"Ano?" gulat na tugon ni Saint matapos kong ikinuwento sa kanya ang nangyari kanina."May sakit siya, hindi niya lang sinasabi"
"Paano yan?"
"Hindi ko alam"
Tumahimik kami nang pumasok si Joshua. Hindi man lang siya binati ni Saint kaya nagtaka ako. Hinubad niya ang sapatos at walang imik na pumasok sa kanyang silid saka pabagsak na isinara ang pinto. Nilingon ko si Saint.
"May problema ba?" tanong ko pero imbes na sumagot at bumuntong-hininga lang siya. "Okay, maglilihiman na naman tayo" dagdag ko pa.
"Bibiko..." sambit niya.
"Nag-away ba kayo?" tanong ko ulit pero umiling siya. "Kung ganon, ano?"
"Umamin siya sakin" Hindi na ako nag react sa sinabi niya dahil nung una palang alam ko nang may gusto si Joshua sa kanya. "Sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako at hindi ako kailanman magkakagusto sa kanya. Sabi ko, 'kung patuloy kang lalapit sakin at ganyan ang nararamdaman mo, mas mabuting maglayuan muna tayo' "
"Sinabi mo yon?" kahit kelan tong pinsan ko.
"Bakit ano bang dapat kong sabihin?"
Lokong to, ang sakit nun.
"Dapat sinabi mo lang na may boyfriend ka at hanggang kaibigan nalang ang turing mo sa kanya, ayan tuloy"
Napakamot siya sa batok. "Ako ba talaga ang may kasalanan?"
"Ayokong saktan ka pero sa tingin ko, oo"
She sighed. "Honest lang ako"
"At sa sobrang honest mo, nakakasakit ka na ng damdamin" dagdag ko at napayuko siya. Kahit ako man ay masasaktan kapag ganon ang sasabihin sakin.
"Hay...hindi ko alam kung paano siya lalapitan, mukhang galit talaga siya eh"
"Ganito nalang..."
--------
Umupo na kaming lahat sa hapag. Si ate ang nagluto para samin kaya nakaramdam ako ng ginhawa; ako kasi ang palaging nag-aasikaso dito sa bahay. Katabi ko si Joshua dahil nga umiiwas na siya kay Saint. Tahimik naman si mama at minsa'y napapasulyap sakin. Tangin tunog lang ng mga pinggan at kutsara ang naririnig. Masasabi kong awkward talaga ang ihip ng hangin, buti nalang at nagsalita si ate kaya nabasag ang katahimikan.
"Ang ingay niyo" sarkastiko niyang sabi at umismid.
"Mmm, namiss ko tong adobo mo anak" nakangiting sabi ni papa.
"Awww, mas namiss ko kayo Pa" nakangiting sabi ni ate. "Kaya naghahanap napo kami ng paraan para dito na kami tumira, right mosh?" baling niya kay kuya Hanz. (MOSH means: my only sweet heart awwieee)
"Yeah" tumango siya. "Saka Tito—"
"Papa nalang" sabi ni papa at natawa naman kami.
"Hmmm, P-Papa" namula si kuya kaya naman mas lalo kaming natawa. "Hindi narin kayo mamamasada dahil may puhunan napo kayo pangnegosyo"
"Wow" namangha kong sabi.
"Ganun ba, salamat talaga Hanz" natutuwang tugon ni papa. Sinulyapan ko si mama na nakangiti rin. Siguradong proud na proud siya kay ate at sa fiancee niya.
I sighed. Kailan pa kaya siya magiging proud sakin?
"At Ae," napaangat ako ng tingin nang tinawag nila ako. "Nagtatrabaho ka parin ba?"
Marahan akong tumango.
"Pinagsabihan ko na yan pero ayaw makinig. Alam mong may pneumonia ka, ang tigas parin ng ulo mo" sabad ni mama. Nahinto ako sa pangnguya at nilunok nang diretso ang pagkain. Maging sila ay nagulat rin.
"Gusto ko lang namang makatulong—"
"Tulong? Noon paman ay wala ka nang naitulong samin" nanlaki ang mata ni kuya at napakurap habang napatingin sakin, napalingon rin si Joshua sakin.
Para akong sinaksak nang paulit-ulit dahil sa sinabi niya.
"Miranda kahit konting respeto naman sa pagkain at isa pa, wag mo sanang ipamukhang pabigat ang anak natin" kunot-noong sabi ni papa saka nilingon ako. "Ayos lang anak, alam ko namang responsable ka basta alagaan mo lang ang sarili mo" umiwas ako ng tingin dahil konti nalang ay maiiyak na ako. Ganito talaga si mama magsalita, pero hindi ko maiwasang masaktan.
"Yan, yan ang dahilan kung bakit mas lalong tumitigas ang ulo niyan kasi kinukunsinte mo"
"Miranda, wag dito" pagkasabi ni papa ay itinabi ko ang kutsara at tumayo.
"Tingnan mo" inis akong tiningala ni mama.
"Ma..." awat ni ate at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi" suway ni mama at naningkit ang mga mata habang nakatingin sakin. "Kaya mo naman ang sarili mo diba? Sige! At ikaw Arturo," nilingon niya si papa. "Hayaan mo ang anak mong sundin ang kanyang gusto, tingnan natin kung sino ang magsisi sa bandang huli" padabog siyang tumayo saka umalis.
Kasalanan ko to...
"P-Pasensya na," tumulo na ang aking luha kaya hindi ko na hinintay pa ang tugon nila at umalis na bago paman ako mapaiyak sa harap nila.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...