Chapter 14

3 1 0
                                    

Nasa kanya-kanya kaming kwarto ni Saint, samantalang si Papa at si Joshua ay nasa sala, nanonood ng basketball sa tv. Tiningnan ko ang sarili sa salamin ng cellphone pagkatapos kong nagstudy, mukhang na-haggard nga ako ng konti. Inayos ko ang aking buhok, kumuha ng bulak at nilagyan ng cosmetic. Pagkatapos ay marahan ko itong pinahid sa aking mukha. Muli kong inayos ang aking buhok at tiningnan kung maayos na ba talaga ang itsura ko sa salamin.

TIK TOK TIK TOK~

Biglang nagnotify ang messenger ko, tiningnan ko kung sino ang nag-chat, na walang iba kundi si Krim. Sunod naman ay ang gc ng section namin pero yung kay Krim ang nireplyan ko. Buti nalang maayos ang signal kaya mabilis akong nakapag-reply. Ngayon lang din ako nakapag-online ulit dahil walang wifi sa bahay nila Saint, nung pumunta ako sa kanila last month.

Topakin: Busy ka?

'Medyo' type ko pero hindi paman ako nakapagsend ay nag-video call na siya. Bumungad sa screen ang kanyang noo kaya humagalpak ako ng tawa.

"Nasan yung mukha mo?" natatawa kong tanong.

"Teka lang" aniya bago pinakita ang buong mukha. Kahit walang filter ay presko parin siyang tingnan. Hindi na magulo ang buhok niya at mas lalong naging klaro ang kanyang lalagukan dahil sa suot na sando.

Hay, sana ganyan din ako ka-gwapo

"Nandyan ba si Kris?"

Umirap siya. "Tsk! Ako ang nandito pero iba ang hinahanap mo"

Natigilan ako sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung may kahulugan ba iyon o baka wala lang.

"Kumain na ko" dagdag pa niya kahit hindi ko naman tinatanong.

"Share mo lang?" sarkastiko kong sabi pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya.

"Ikaw, kumain ka na ba?"

"Kanina pa"

"Good, nag-study ka na rin ba?"

"Kakatapos ko lang"

"How's your parents?" dami niyang tanong.

"Hindi na sila nagtalo ulit. Wala kasi si mama dito, nandon kay Ate, si papa lang ang kasama namin"

Ngumiti siya. "That's nice. Makakapag-focus ka na"

"Oo nga eh"

"Can we talk about him?" patungkol niya sa ex ko. Medyo, kinikilabutan parin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko siya. He's the ghost that haunts me even in daytime.

"Yeah, it's okay"

Kilala rin ni Krim si Felix, pero hindi niya alam ang katauhan nito. Binalaan na niya ako noon na mag-iingat sa lalaking yun dahil may napansin siyang kakaiba ngunit nabulag ako sa nararamdaman ko.

"Do you still love him?" tanong niya na sa tingin ko ay napakadali lang sagutin. Wala na akong natitirang kahit anong pagmamahal sa kahog na iyon—bobo lang ang magpapakatanga sa isang mandaraya.

"Kadiri lang! Galit ako sa kanya, Krim!" inis kong sabi at tinawanan niya ako. "It's not funny"

Tumahimik siya tapos ngumiti. "I know, and you're scared of falling inlove again, right?"

Hindi ako sumagot.

"I hope you'll be fine someday and fall in love with someone who deserves to be loved" I don't know why's he's saying these, maybe he just wants to make me feel better. May part sa akin na nagtatanong kung bakit bigla nalang siyang naging concern, concern rin naman siya dati pero, hindi tulad nito. Maybe, nilalagyan ko lang ng kahulugan ang kanyang kilos. Natural lang sa kanya na magiging concern dahil lingid sa kaalaman namin ay hindi nahuli si Felix. He's just trying to protect me.

That's right

"Oh, nag-iimagine ka na naman?" bumalik ako sa reyalidad nang siya ay tumawa. Napaiwas ako ng tingin.

"Inaantok na ko" palusot ko.

"Hmm, tulala ka nga eh at parang nag-blush pa" nanunukso niya pang tugon.

"Tsk, inaantok na nga ako" he's so annoying.

"Okay, susunduin kita bukas, good night" matamis siyang ngumiti at tinapos ang tawag. Huminga ako ng malakas habang tiningnan ang ngalan niya sa screen, napailing ako nang nagsend siya ng emoji na inaantok. In-off ko na ang phone at ibinalik sa mesa para matulog na.

----

"Good morning Bibiko!" bati ni Saint.

''Good morning" ngumiti ako at napatitig nang napansin ang liptint niya sa labi. "Ikaw ah?" tukso ko.

"Bibiko naman, bigay to ng kaibigan ko"

"Kumusta kayo ng boyfriend mo?" nilapag ko ang pagkain sa hapag. Namula siya at umiwas ng tingin.

"Hindi ko nga siya boyfriend"

Tsk, ano ba yan, sweet pero walang label!

"So, anong score niyo?"

Taka siyang napatingin sakin. "Score? Anong score? Kakastart pa ng klase, saka hindi ko siya classmate"

Natawa ako sa katangahan niya. Hirap makipag-usap sa mga inosente.

"Nevermind," umiling ako. "Nanliligaw na ba siya sayo?"

"Hindi ko alam"

"Hindi mo alam?" tinaasan ko siya ng kilay. Ang sweet ni Pruk, tapos di niya alam?

"Good morning sa inyo!" sumulpot si Joshua kaya hindi ko na siya kinulit pa at kumain nalang kami. Bumaba rin si papa at sumabay sa amin for the first time.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon