Naputol ang tulog ko nang tumunog ang alarm ng cellphone. Ayokong ma-late sa first day in school kaya napilitan akong bumangon. Nanginig pa ako sa ginaw dahil ala-singko pa lang ng umaga. Fried egg at tuyong isda ang niluto ko. Bumaba si Saint na gulung-gulo ang buhok at mukhang natauhan nang nakita ako na nakahanda na.
"Good morning" natatawa kong bati at napanguso siya.
"Hala! Pasukan na pala"
"Pfft, kaka-Pruk mo yan" sabi ko at hindi siya nakapagsalita. "Maligo ka na" utos ko saka napailing nang tumalikod na siya.
Lagot ka talaga kay Auntie pag napabayaan mo yang pag-aaral mo
After a few hours, tapos na kaming maghanda. Bumaba si mama mula sa kabilang kwarto sa itaas, nilingon niya kami bago tumuloy sa kusina.
"Aalis na kayo?''
"Opo" si Saint na ang sumagot. Tumango lang ako.
"Mmm, sayang natutulog pa si Arturo at hindi kayo maihatid"
"Hehe, ayos lang po yun, mukhang pagod rin si Tito"
"Mag-ingat kayo" aniya at sumulyap sakin. Tiningnan ko lang siya at tumango ulit.
"Tara" sabi ko kay Saint at naunang lumabas. Pumara kami ng traysikel at kinausap ko si Saint na hintayin muna si Krim pagdating namin sa campus.
Medyo dumarami na ang mga estudyante ngayon, lalo na ang mga freshmen. Isinaksak ko ang earphones sa tenga para libangin ang sarili.
"Matagal pa ba siya?" tanong ni Saint na saglit na huminto sa pagtitipa sa cellphone niya. Hindi masyadong malakas ang sound kaya naririnig ko parin siya.
"Dadating din yun" tugon ko saka ngumiti. Sinulyapan ko ang aking relo at alas sais trese palang ng umaga.
"Excuse me po kuya" sabay kaming napalingon sa babaeng lumapit sa amin. "Alam niyo ba kung saan ang Guidance office dito? May kailangan lang kasi akong ipahabol na requirements"
"Umikot ka sa unang building, pagdating mo sa likod, makikita mo ang tatlong rooms. Yung pinakadulo ang Guidance office"
"Sige po kuya, salamat" at tumakbo ito. Nagkatinginan tuloy kami ni Saint.
"Enrolled na ba yun?" tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ako. "Oo, sa tingin ko. Hindi lang siguro nafollow-up yung requirements"
"Ganun ba, pwede ba yun?"
"Oo, dito, ewan ko lang sa ibang college at University, pero may limit rin yun. Kumbaga, within this week lang para sa mga late enrollees"
"Hay namimiss ko na ang mga kaibigan ko, buti ka pa, kasama mo ang sayo" ngumuso siya.
Natawa ako. "Nahh, marami rin kong kaibigang naiwan no. Actually, dito ko lang siya nakilala" patungkol ko kay Krim. Sa totoo lang, mag-wa-one year na ang friendship namin ngayong Hulyo. Second year palang kasi kami.
"Sa tingin mo ba ay na-mimiss rin nila ako? Makikilala pa kaya nila ako kapag nagkita kami ulit? Magiging close pa kaya kami tulad ng dati?" sunud-sunod niyang tanong.
Nah....
"Hindi ko alam, pero kung tunay nga silang kaibigan, hindi magiging dahilan ang distansya para kayo ay magkalabuan...ganun din kay Pruk" napangisi ako.
"Tsk, ba't siya nasali?"
Humalakhak ako. "Bakit naman hindi?"
"Bibiko naman, hindi ganun si Pruk" natawa ako sa ekspresyon niya, halatang dinedepensahan niya talaga ang binatang iyon.
"Sorry to keep you waiting" Krim's voice echoed from the distance. Mukha siyang presko dahil sa basa niyang buhok at mamumulang labi. Nakasunod sa kanya si Kris, napangiti ako nang ngumiti siya sakin.
"Hi Kris, long time no see!"
"Hahaha! Ngayon nakita mo na ako"
Well, 3 years ang gap namin ni Kris pero matured na siyang mag-isip, kaya parang ka-edad niya lang ako kung makipag-usap. Matangkad si Kris kahit babae siya, boyish rin at diretso kung magsalita. Tumayo kami ni Saint at nilapitan sila."Ehem" tumikhim si Krim kaya naagaw niya ang atensyon. Tiningnan niya si Kris at sunod naman ay ako. "Let's go"
Nilingon ko si Saint at inakbayan. Ayokong ma-out of place siya samin kasi alam ko ang pakiramdam nun.
"Anong course mo?" tanong ko kay Kris habang naglalakad kami sa hallway.
"Mechanical Engineering"
Lumingon si Saint sakin at namamanghang napatingin sa kanya.
"Wow, engineering? Ang hirap nun"
Nilingon niya ang pinsan ko. "Sabi nga nila, pero walang mahirap sa pagsisipag" tipid siyang ngumiti. "Girlfriend mo?" baling niya sakin at isinenyas si Saint.
Natawa ako, hay, pangsiyam na to. Palagi nalang kaming napagkakamalan.
"Hindi, pinsan ko"
"Ah, medyo hindi halata sa mukha"
Mas lalo akong natawa. Sinulyapan ko si Krim na hindi man lang lumingon at parang walang interes.
"Half-thai kasi si Saint"
Tunango siya. "So you're name is Saint?" tanong niya at nakangiting tumango naman ang pinsan ko.
"We're here" seryosong sabi ni Krim sabay lingon sa kapatid niya.
"Nice meeting you, Saint. I'm Kris!" pahabol nito bago pumasok sa classroom. Hinatid rin namin si Saint bago kami pumunta sa classroom namin. At dahil gumana na naman ang topak nitong kaibigan ko ay hindi niya ako kinibo hanggang sa dumating na ang instructor.
*instructor ang tawag ko sa mga teachers para maiba, hehe*
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...