Awkward na ngumiti si Clovis sa akin. Pinaghila ko siya ng upuan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo ni Kris sa kanya pero sa tingin ko ay meron siyang dahilan.
"So, why are you here?" pag-uulit ni Kris.
"Because he invited me" pagkasabi niya ay napatingin sakin si Kris. I shrugged my shoulders. Wala akong alam at labas ako sa kung ano man ang meron sa kanila kaya hindi niya ako masisisi. Walang imik si Krim pero sa tingin ko ay may alam siya.
"A-Ahhh inimbitahan ko siya dito" sabi ko para mahinto na sila. Tumango si Kris at hindi na muling nagsalita.
Crickets...
Hanggang sa natapos na namin ang pagkain ay wala paring imik yung dalawa. Si Saint naman ay hindi narin nagsalita at panay ang ngiti kay Clovis. Marahil nag-iingat din siya dahil sa ikinuwento ko sa kanya. Tumayo na si Clovis at ang kanyang mga kasama. Hinawakan niya ako sa balikat.
"Thanks for inviting us, Ae"
"Naku, wala yon" nahihiya kong sabi.
"Thank you talaga, see ya" ngumiti siya saka kumaway, ginantihan ko siya.
Pagkaalis nila...
"Ehem," tumikhim si Krim kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko. "What was that for? Are you trying to make me more jealous?" diretso niyang tanong kaya napanganga ako.
Nahihibang na ba siya?
"A-Ano?!" gulat kong tugon.
"Yieeeeee..." mahinang tukso nila Saint.
"Alam mong nagseselos ako sa kanya kaya bakit mo siya dinala dito?"
What the heck!
"That Clovis...talaga bang lahat ng nasa atin inaagaw niya?" inis na sabi ni Kris.
Inaagaw?
"Now, tell me, pinapaselos mo ba ko?"
"Anong pinapaselos? Hindi kita pinapaselos. Bakit naman kita paseselosin?" sunud-sunod kong tanong. Tumayo siya at lumipat sa upuan kung saan doon si Clovis kanina. Hinarap niya ako at...
"I like you Ae," hinawakan niya ang kamay ko.
LUB...DUB...DUB...DUB...
Napipi na naman ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Nasa cafeteria kami kaya paniguradong dadami na naman ang pictures namin sa page.
"WAHHHHH!" nagtilian ang dalawa dahilan para mapalingon din samin ang iba.
"Ang landi mo kuya!" natatawang sabi ni Kris.
"K-Krim, ano bang ginagawa mo?" hinawi ko ang kamay niya pero hinawakan niya ito nang mahigpit.
LUB...DUB...DUB...
Pakiramdam ko ay mahimatay na ako sa sobrang kaba. Mas lalo pa itong bumilis nang tumitig siya sa mga mata ko. Nanindig ang aking balahibo.
"K-Krim..." sambit ko nang tumayo siya. Saglit niya akong nilingon at tumingin sa paligid. "A-Anong gagawin mo?" dagdag ko pa pero hindi siya sumagot.
"Everyone listen!" naagaw niya ang atensyon nila. Tutok na tutok ang mga ito at yung iba ay naglabas na ng kanilang mga cellphone. Nanlaki ang mga mata ko!
Shit! Baka i-livestream nila kami!!
"K-Krim!" sigaw ko pero di siya nagpatinag.
"I just want you to know that this guy beside me..." ngumiti siya at tumingin sakin. Napayuko ako dahil sa hiya. Kung may superpowers lang ako, lalayas na ako dito. "...is the person I like. If anyone flirts with him, please let me know," pagkasabi niya ay naghiyawan ang lahat.
Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?
Tinakpan ko ang aking mukha para mabawasan ang hiyang nararamdaman. This is so wtf! And now I'm cursing in my head because of this! Kapag umabot to kay mama ay mayayari na naman ako.
"YAAAHHHHHHH!!!!"
"WAHHHHH!"
"KRIM AE! KRIM AE! KRIM AE!" sumigaw sila at bawat sigaw nila ay hindi ko maipaliwanag ang kiliting dulot nito sa aking kalooban. Imbes na magalit ay hinayaan ko lang sila.
Nababaliw na ba ako?
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...
