"The midterm exam is coming, study all your lessons and for those who are still lacking in their outputs, please submit before finals. Irregular students, please approach me and Mrs. Reyes for your make up class. Dismissed"Umalis na ang instructor. Lumapit si Clovis sa akin hawak ang kanyang cellphone.
"Ae, pwede pahiram ng mga notes? Pi-picturan ko lang, hehehe" her eyes sparkled.
"Sige" inilabas ko ang mga notebook ko at binuklat niya ang nauna. Tumayo si Krim at kunot-noong napatingin sa kanya.
"Kailan pa ba yan matatapos?" tanong niya. Nag-angat ng tingin si Clovis at awkward na ngumiti.
"Pasensya na sa abala, bibilisan ko lang to" at nagpatuloy siya sa ginagawa.
"Ayos lang" sabi ko sa kanya.
"Ganda ng handwriting mo" nakangiti niyang puri.
"Thanks" ngumiti rin ako.
"Tsk!" nilingon ko si Krim. Salubong ang kilay niya. "Just shut your mouth and hurry up" inis niya pang utos.
Problema niya? Tinotopak na naman?
After few minutes ay natapos rin si Clovis. Maingat niyang inarrange ang mga notebooks ko sa bag kahit na sinabihan ko siya na ako na ang mag-aayos. Sinulyapan ko si Krim na nakakunot parin ang noo.
"Hey," tawag ko. "Wag mong sabihing galit ka kay Clovis?" bulong ko sa kanya. Umiling siya.
"I'm not angry, she's just annoying"
"Chill" tinapik ko siya sa balikat. "Tara na"
Pumunta kami sa classroom ni Saint at Kris. Pagkatapos ay nagpahintay kami kay Kris para magbihis ng damit pantrabaho sa cr—siyempre, naghiwalay kaming tatlo. Lumabas ako at humarap sa salamin para ayusin ang aking buhok. Bumukas ang pintuan ng kabilang cubicle at lumabas rin si Krim.
"She likes you" bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
"Ano? Sino?"
"Clovis. Who else?" he rolled his eyes.
Natawa ako. "Pa'no mo nasabi?"
"The way she smiles at you, the way she looks at you. Manhid ka ba?" tanong niya.
"Ano ka ba..." tinalikuran ko siya at muling tumingin sa sarili ko sa salamin saka naglagay ng kaunting lip balm. "Guni-guni mo lang yan"
"Basta, she likes you"
"Tara na, gutom lang yan" hinila ko na siya palabas ng comfort room.
---------
"Wait here" aniya at hinubad ang cap na suot namin sa trabaho at pinahawak sakin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang pumunta sa Shakies Milkshake. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya dala ang apat na bote ng shake na nakasilid sa plastic bag. Kumuha siya ng sa kanya at binigyan ako ng isa.
"Kris?" tawag niya sa kapatid at nang lumingon ito ay inabot niya ang plastic bag. Tinanggap ito ni Kris.
"Let's go there" turo niya sa may bench na nasa sidewalk at pumunta naman kami roon. Inakbayan niya ako habang kami ay nakaupo.
Ang weird niya talaga...
"Mamamatay ka na ba?" tanong ko at inis niya akong nilingon.
"Ano bang sinasabi mo?" kumunot ang kanyang noo.
"Bumabait ka eh, nag-aalala tuloy ako" sagot ko, umismid siya.
"Gusto mo bang malaman kung bakit nagkakaganito ako?"
"Huh?" taka kong tanong. "Bakit?"
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Because...of...you" saka ngumiti.
LUB...DUB...DUB...DUB...
Kumakarera na naman ang traydor kong puso. Yumuko ako at napalunok.
"A-Anong ako? Bakit a...ko?" hindi ko alam pero bigla nalang akong nanghina.
"Saka ko nalang sasabihin kapag ready na to" nakangiti niyang sabi at itinuro ang puso ko.
Mas lalo akong natahimik.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...