"Nak, may problema ba?" tanong ni mama nang bumuntong-hininga ako sa harap nang pagkain. Gulat akong napatingin sa kanya, ganun rin si Saint.Tinawag niya akong anak?
Totoo ba to?
"A-Ako po?" turo ko sa sarili ko. Ngumiti siya at tumango.
"Hindi ka na galit sakin?" tanong ko.
"Hindi na" sagot niya. Nagkatinginan kami ni Saint.
"Good morning po tita" pumasok si Joshua at umupo sa tabi ko.
"Good morning" tipid niyang sagot. Taka naman siyang tiningnan ni Joshua.
"Wala ka bang lakad tita?"
Natawa siya at tumingin sakin. "Wala muna sa ngayon kasi gusto kong bumawi sa anak ko"
Thank you Lord...
Lihim akong napangiti. Pumasok si ate at humalik sa pisngi ni mama.
"Good morning!" bati niya sa aming lahat. "Wow," hindi makapaniwalang sabi niya. "First time nating nag-agahan ng sabay ah?"
Ngumiti si mama. "Gusto ko lang bumawi sa inyo...sige, manalangin muna tayo" nanalangin muna kami bago kumain. Naalala ko yung sapatos kaya nilingon ko si ate.
"Ah ate?"
"Hmmm? Ano yun bunso?"
"Salamat sa sapatos" nakangiti kong sabi pero kumunot ang noo niya.
"Sapatos?"
"Opo ate, sapatos"
She tilted her head. "Pero wala akong binigay na sapatos sayo"
"Sakin yun" sabad ni mama at napatingin kami sa kanya.
Ano? Kay mama yun?
"Sayo galing yun ma?" tanong ko at tumango siya. Lumabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Kumurap ako para mapigilan ito.
"Marami akong pagkakamaling nagawa sayo Ae, patawarin mo ko" sinserong sabi niya.
"Automatic yun ma, patawarin mo rin ako"
"Ano ba, naiiyak ako sa inyo eh!" naiiyak na sabi ni ate at natawa naman kami. Napasulyap ako kay Saint at kinindatan niya ako.
After naming kumain ay nagprepare na kami para umalis na. Nilapitan ako ni mama at inayos ang butones ng aking polo.
"M-Ma, ako na"
"Hindi ako na anak" aniya at pagkatapos ay ngumiti. "Ayan" pinagpagan niya ang kwelyo.
"Salamat ma"
"Marami akong naging pagkukulang sayo anak"
"Ma naman"
"Nung mga panahon na nakita ko yung video, aaminin kong nagalit ako. Mas pinaniwalaan ko ang nakita ko imbes na makinig sayo"
"Ma..."
"Pero nung sinabi sakin ng ate mo ang lahat, saka ko napagtantong nagkamali rin ako"
"Ma, kalimutan na natin yun, ang mahalaga hindi ka na galit sakin" nakangiti kong sabi.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may nangyari sayo"
"Ma..."
Niyakap niya ako. I feel relieved. Lumulundag ang puso ko dahil sa tuwa. Sa wakas ay nagkaayos na kami ni mama.
---------------
"Wala si kuya, kanina pa umalis kaya sakin ka nalang sumabay Ae" sabi ni Kris at matamlay naman akong tumango.
"After this confession of mine, I promise not to bother you anymore"
I sighed. Talaga bang lalayuan na niya ako?
"Sige Pruk, aalis na kami mamaya na ulit tayo mag-usap" napatingin ako kay Saint na nakangiti habang kausap ang kasintahan niya. Buti pa siya. "Bye..." hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil hininaan na niya ang kanyang boses.
'I love you' ata yon
"Let's go" sabi ni Kris at sumunod naman kami.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...