Chapter 37

0 0 0
                                    


Pinilit kong mag concentrate sa exam dahil simula nung sinamahan ko si Clovis kanina ay hindi na ako pinansin ng topakin kong kaibigan. After ng exam, pinuntahan ko si Saint at Kris.  Niyaya ko sila na sumabay samin sa pagkain dahil hindi ko matagalan ang pananahimik ni Krim. Hanggang sa uwian na ay hindi parin niya ako pinansin habang si Clovis naman ay todo ang pansin sakin.

"Mukhang malala talaga ang LQ niyong  dalawa" biro ni Kris pagkalabas namin sa Frost Supermarket. Hinubad ko ang cap, ganundin si Krim. Nilingon ko siya pero hindi niya ako tiningnan.

Hayy...

"Mauuna na kami" sabi ni Saint sakin at sumulyap pa kay Krim.

"Sige"

Huwag niyo kong iwan dito! Ayoko dito! Gusto ko silang pigilan pero may pumipigil rin sakin.

"Let's go" malamig niyang utos at sumunod naman ako. Pinaharurot niya ang motorsiklo pero this time, sa dulo ng upuan na ako humawak. Dumating kami sa bahay nang buhay.

"Heto, susi" ibinato ko kay Saint ang susi pero hindi niya nasalo kaya pinulot nalang niya sa lupa.

"Ang sarap talaga ng buhay pag meron kang sundo" biro ni Joshua at sumipol pa. Tiningnan ko siya ng masama.

Nilingon ko si Krim. Aalis na sana siya nang...

"K-Krim" pinigilan ko siya sa braso.

"Don't touch me, go to your Clovis"

I sighed.  "Galit ka ba sakin?" pagkasabi ko ay tumingin na siya sakin ng diretso.

"Why would I?"

"So, bakit ka nagkakaganito?" pabulong kong tanong dahil nandito sina Joshua.

"Kasi manhid ka"

Eto na naman siya.

"Bakit mo naman nasabing manhid ako?" nauubusan narin ako ng pasensya. Paulit-ulit na kasi etong sagot niya.

"Uy! Magki-kiss ba kayo?" natatawang tanong ni Joshua. Hindi ko siya pinansin.

"May gusto nga siya sayo"

"So?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Let me go" hinila niya ang kanyang kamay pero mas lalo kong hinigpitan ang paghawak.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo nasasagot ang tanong ko"

Ginulo niya ang kanyang buhok. "What?" inis niyang tanong.

"Galit ka ba sakin?"

"Tsk! Hindi nga!"

"Eh bakit nagkakaganito ka? Kahit may gusto sakin si Clovis eh wala naman akong pakialam don," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Tayo na mukhang riot to" rinig kong sabi ni Joshua saka sumara ang pinto.

"And what's next?" tanong niya.

"Anong next ba ang pinagsasabi mo?"

"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan?"

"Paano ko maiintindihan eh hindi mo sinasabi sakin ng diretso"

"Kung sasabihin ko ba makikinig ka ba?"

"Siyempre!"

"Fine!" pagsuko niya at...

Hinawakan ang aking pisngi. Hindi ko inasahan ang kasunod na nangyari. Inilapit niya ang kanyang mukha at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng aming mga labi.

I was stunned for a moment.

"I'm jealous of her because I like you" sabi niya at mas lalo akong hindi nakapagsalita.

------------------

HHAHAHAHAHHA!

Opxx!

Q: Anong say ni Krim?

Krim: "Umamin ng mabilisan upang hindi maunahan."

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon