"Good morning Bibiko" bati ni Saint nang bumaba ako."Good morning!"
Namangha ako dahil mas maaga pa siyang gumising kesa sakin. Nakaluto narin siya ng agahan."Si mama, nakaalis na?" tanong ko.
"Oo, kanina pa saka, inihabilin ni Tito na bilhan mo raw siya ng pandesal" inilapag niya ang pagkain ko at ngumiti naman ako sa kanya.
Haha, si papa talaga...
"Naku, nag-abala ka pa talaga Bibiko"
Umupo siya at nagsimulang kumain. "Hehe, wala yun, hindi naman ako bisita rito" tinitigan niya ako kaya umiwas ako ng tingin. Alam kong naaawa na naman siya sakin.
"Okay ka na ba, Bibiko?" bakas ang pag-aalala sa boses niya. Kahit sinumang makasaksi sa nangyari kahapon ay paniguradong magtatanong sakin ng ganito.
Ngumiti ako. "Don't worry, ayos na ako"
Tinitigan niya parin ako.
"Sigurado ka?"
Tumango ako, siguradong-sigurado. "Oo naman" hiniwa ko ang fried egg gamit ang kutsara at kinain iyon. "Prepare yourself, next week, magtatrabaho na tayo"pag-iiba ko ng usapan.
"Oo, at excited nako"
Napailing ako, kakaiba rin tong pinsan ko, imbes na mabahala ay na-excite pa talaga sa trabaho. Wala pa kasing experience.
"Nahh, kapagod yun, saka gabi tayo remember? After school, work na naman. Nakakapagod yun"
"Ay oo nga no," nanghihinayang niyang sabi. "...pero nakaka-excite parin"
Lakas maka-excite ah?
Tapos na kaming kumain, lumapit ang kanyang alaga sa kanyang paanan at nag-pacute. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay miming.
May atraso ka pa sakin
"Yang alaga mo, kinagat ako kahapon" inis kong sabi. Lumingon siya at tumawa.
"Hala! Ikaw miming cute, bad yun! Mag-sorry ka!" utos niya dito as if naman susunod ito.
"Meow" ikiniskis ng pusa ang katawan sa kanyang paa.
"Bibiko, pakakainin ko muna to ah?"
Inis ko paring nilingon yung pusa. Napatalon ako sa gulat nang biglang nag-ring yung cellphone ko mula sa itaas. Tumakbo ako papunta roon at sinagot ang tawag. Siyempre, yung topakin na naman ang tumatawag.
"Yo!"
"Tsk, you're not cute"
Ngumuso ako. Ang aga-aga! Hinawi ko yung kurtina dahil medyo maliwanag na sa labas at nanlaki ang mga mata ko nang naaninag ko ang isang pamilyar na bulto. Shit!
"Hala! Bakit ka nandito?" tanong ko habang nakatingin parin sa kanya sa malayo. Nakita ko siyang tumingala.
"Hindi ka pa naliligo?"
"Hindi pa, hayst!"
"Maligo ka na"
"Bakit?"
"Anong bakit? Di ba bago ka sumabay sa Auntie mo, sinabihan mo ko na ipapasok mo ko sa pinagtatrabahuan mo?" tanong niya kaya naalala ko yung mga sinabi ko nung panahon iyon.
"Ay, oo nga pala! Tsk, nakalimutan ko"
"Masyado ka kasing 'nag-enjoy' kasama yang pinsan mo" may halong diin niyang sabi pagkatapos ay binaba ang linya. Nakita ko siyang naglalakad na paalis.
Oh no! Tinopak na naman siya!
Halos madapa ako sa pagtakbo mula sa kwarto hanggang sa labas. Naabutan ko siya at pinigilan sa braso. Napahawak tuloy ako sa dibdib dahil sa sobrang hingal.
"K-Krim!"
Lumingon siya habang naniningkit ang mga mata. Tiningnan niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Tsk, let go of me"
Huminga muna ako dahil kinakapos na talaga ako ng hangin.
"Pasok ka muna at bibitawan kita"
"Hindi na," sabi niya saka ngumisi. Abnormal talaga oh! "Gusto lang naman kitang makita"
Inis ko siyang tiningnan. Halos madapa ako kanina sa kakatakbo tapos ngayon, eto lang pala ang sasabihin niya? Bumitaw ako at tiningnan siya ng masama.
"Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo"
Mas lalo siyang napangisi, at ibinulsa ang kanang kamay.
"Okay"
Pumasok kami pero hindi ko na nakita si Saint, nasa kwarto na yata.
"Saglit lang, maliligo lang ako"
Hindi siya sumagot at komportable lang na umupo sa sofa. Umakyat ako para kunin ang damit at tuwalya, ayokong magmartsa sa harap niya nang naka-topless. Naligo ako at don na sa banyo nagbihis. Shorts lang at T-Shirt ang isinuot ko dahil yun ang din ang sa kanya. Kinatok ko ang pinto sa kwarto ni Saint.
"Bibiko?" bahagyang umawang ang pinto.
"Samahan mo ko"
"Saan?"
"Kay madam, nandito kasi ang kaibigan ko at gusto rin niyang magtrabaho roon"
"Sige, saglit lang"
Tatalikod na sana siya nang pinigilan ko siya.
"Wait"
"Ano?"
"Mag shorts ka lang, o di kaya pants"
Natawa siya.
"Sige" at isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...