Sabay kaming napaupo ni Saint sa sofa dahil sa pagod. Bumaba si mama mula sa kwarto at dali-daling umupo sa tapat nang nakita kami. Bumukas ang pintuan at pumasok si papa, pawis at may nakasabit na bimpo sa may balikat."Nandito na ang pandesal mo pa!" nakangiti kong sabi at itinaas ang paperbag na may laman nun. Lumiwanag ang mukha ni papa.
"Hay, bait talaga ng anak ko" sabi niya at tinanggap iyon. Umupo siya sa harap ni mama. Tumayo si mama, kinuha ang bimpo at pinunasan ang pawis ni papa.
Sweet parin kahit tumatanda na
"Ae, ipagtimpla mo nga ng kape ang papa mo"
Sumunod lang ako nang walang imik. Napangiti si papa nang nakalapit ako.
"Nakakalungkot lang na wala dito sina Alice para samahan tayo. Tumatanda na tayo pero si Ae lang ang nandito para aalagan tayo kung sakaling-
"Aturo naman" suway ni mama at saglit na huminto sa pagpupunas. Nilingon ko si Saint at nakatingin siya sakin. Umupo ako sa tabi niya at hindi pinahalata ang nararamdaman kong lungkot. "Malaki ang naitulong ng dalawang anak natin, wag mo namang sabihing si Ae lang" puna ni mama.
"Hindi pinansyal na tulong ang ibig kong sabihin, Miranda. Iyong presensya nila ang kailangan ko dito"
Nagsisimula na naman sila
"Hindi pa ba sapat ang pagbibisita nila satin?"
Bumuntong-hininga si Papa. Napayuko ako, nakakahiya kay Saint. Naramdaman ko ang paglingon niya kahit sa gilid lang ng mga mata ko. Marahil ay naaawa siya sakin.
"Kaya ikaw anak, simple lang ang gusto kong mangyari. Kapag nakapagtapos ka na, wag kang lumayo sa amin ng mama mo. Ayokong mawalan ng isa pang anak"
"Hindi naman ata patas yan Arturo. May pamilya na sina Alice, normal lang na hihiwalay sila sa atin"
"Alam ko, pero pakiramdam ko ay tuluyan na nila tayong kinalimutan. Ni hindi na nga sila bumibisita"
"Abala sila sa trabaho dahil may sarili na silang pamilya, Arturo"
"Yun na nga eh, hindi na nga lumilingon pag nadadaanan nila ako na pumapasada" mapait na sagot ni papa kaya natahimik si mama.
Nilingon ko si Saint at pilit na ngumiti.
"Ahhh pa, ma, akyat muna ako" hindi ko na hinintay ang tugon nila at umalis na ako. Sumunod naman si Saint at pumasok narin sa kwarto niya. Pumikit ako habang isinasarado ang pinto, kaya nga ayoko sanang isama si Saint dito dahil nahihiya ako na matuklasan niya ang problema sa aking pamilya. Umupo ako at idi-nial ang number ng kaibigan ko, siya lang ang nakapagpapagaan ng loob ko sa ganitong sitwasyon subalit hindi nito sinagot ang tawag at sa halip ay nagtext lang.
'Bayad muna bago sagot'
Natawa ako at napailing. May topak talaga to!
'Kailangan ko ng kausap, babayaran kita pag nagkita na tayo'
I replied. Wala pang minuto ay tumawag na siya, napaawang ang bibig ko. Seryoso ba siya? Magbabayad talaga ako? Yari ako nito."Ano na namang problema mo kliyente?" kunwari'y pormal niyang bati. Natawa ulit ako. Abnormal talaga! Alam na alam talaga niyang may problema ako kahit na hindi ko pa sasabihin.
"Pfft! Patawa ka talaga!"
"I'm dead serious" walang emosyon ang kanyang boses.
"How come you're dead and still breathing?" pilosopo kong tanong.
"Don't change the topic, spill the toxic"
"Okay, okay" sabi ko dahil mukhang nauubusan na siya ng pasensya, baka babaan na naman ako nito. "My parents had an argument, and I was affected"
"And why are you affected? Did they involved you in their topic?"
"Yeah"
"Don't make me ask, just tell me" bumuntong-hininga ako. Ang hirap makipag-usap sa taong tinotopak.
"Sabi kasi ni papa na ako nalang daw ang natira dito sa bahay, nalulungkot siya dahil tumatanda na daw sila at pakiramdam niya ay kinalimutan na siya nina ate"
"That's good"
"Tsk, sabi ko na nga ba wala kang ibang sasabihin eh, that's good parin?" angal ko.
"Yeah, that's really good. Think of the positive angle," ayan na naman siya sa pa-angulo-angulo niya. "You have someone who appreciated you" natahimik ako sa sagot niya, tama siya.
"Pero, si mama...hindi siya kampi sakin"
"So what? Atleast you have your father"
"Mas mabuti sana kung silang dalawa"
"Ae, you can't make every people love you. Even in home, there are conflicts-hindi mo na mababago yan"
"May iba pa kayang nagmamahal sakin, bukod kay papa?" malungkot kong tanong at narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Don't ask me, I don't have the powers to guess"
Natawa na naman ako. Kahit topakin to ay pinapagaan parin ang loob ko.
"Don't laugh at me, I can't laugh with you"
"Oo na, ewan ko nga kung kaibigan ba talaga kita tsk!" kunwari'y nagtatampo kong sabi.
For the first time, he chuckled.
"Don't question our friendship, Ae. I give the best friendship in the universe"
"Pffft! Hahahahaha! Mukhang nasobrahan ka na yata sa confidence"
"Feel better now?" hindi niya pinansin ang biro ko. Napapikit ako at tumango. Yes, he doesn't fail to make me laugh even if my situation is not funny.
"In fairness, napagaan mo ang loob ko"
"How about the outside?"
"Hahahaha!"
syet! Abnormal ka talaga kahit kelan!
"Mamaya i-send ko yung picture ko sayo, nakangiti na ako"
"Tsk, no need. I'm not interested with that face" napaismid ako at napapikit bago paman ako makasagot at nagsalita ulit siya. "That's it, I'm glad you're better. You must be better for your brain to be better too. See ya" pagkatapos ay binaba niya na ang linya. Napangiti ako habang tinitigan ang screen.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...