As usual, sinundo kami ni Krim. Nakakainis dahil tinutukso parin nila ako pero buti nalang dahil hindi napansin ni papa iyon. Pagdating namin sa classroom, hindi na ako kinibo ni Krim. Napansin ko ang bagong bag na nasa upuan katapat ko. Well, kahit 59 kami lahat, familiar sakin lahat ng bag ng kaklase ko. Nagsidatingan narin sila pero wala pa yung may-ari ng bag. Inaliw ko nalang ang sarili sa pamamagitan ng music dahil itong kasama ko ay may sariling mundo.
"Good morning everyone," dumating na ang instructor. "Vicente, kindly set the projector " utos nito sa kaklase namin.
Tahimik parin ang lahat. "So while preparing for the discussion, I'll introduce to you your new classmate. She is from the Criminology department, Miss, please come here in front?" napako ang atensyon naming lahat sa bagong kaklase. Mukha siyang confident sa pagtindig at medyo may pagkamorena rin.
So siya pala ang may-ari ng bag? Bakit kaya siya nag-shift?
"Good morning everyone, I'm Clovis Adonis, 18 years old. Glad to meet you" lumapad ang kanyang ngiti kaya nagiging klaro ang hugis ng kanyang pisngi. Hindi mahaba ang kanyang pilik-mata at mas lalong hindi masyadong pormado ang labi, pero makikita parin ang kanyang ganda. Matangkad siya at sakto ang pangangatawan, bagay na bagay sa kanya ang naka-ponytail na buhok. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya dati, hindi ko nga lang matandaan kung saan. Nilingon ko si Krim, seryoso lang ito habang nakatuon ang atensyon sa harap.
"Crim student ka pala?" interesadong tanong ng kaklase namin pagkaupo niya, tumango lang siya saka ngumiti. Sa uri ng kanyang pagtango, masasabi kong boyish siya.
Tsk, bakit parang dumadami yata ang mga boyish ngayon? Mukhang magkakasundo sila ni Kris, hmmm...
"Bakit ka lumipat, mahirap ba don?" narinig kong tanong ng isa pa.
"Hindi naman, gusto ko lang dito" tipid niyang sagot at nanahimik na sila nang nagsimulang nagdiscuss ang instructor, pati ako ay nagfocus narin.
-----
Tae na...
Napahilamos ako sa mukha matapos inanunsyo ng instructor ang magiging ka-grupo namin, gusto kong kami parin ni Krim ang magpair kasi ayaw namin sa group pero wala kaming magawa dahil hindi kami ang pipili ng group mates namin. Nanlumo ako at isa-isang tiningnan ang mga kasama ko, nagsimula na silang nagsalita tungkol sa plano nila sa sayaw namin—oo, sasayaw kami. PE kasi namin ngayon. Sinulyapan ko si Krim na nasa kabilang grupo, napansin niyang nakatingin ako pero ngumiti lang siya sakin at sumenyas na kaya lang namin to. Kasama niya yung Clovis.
"Don't worry guys, si Tessie na bahala sa choreography, dancer to eh" puri ng kaklase namin at nagtawanan sila, maliban sakin syempre. Out of place ako pero nakikitawa parin para hindi masyadong halata. Di bale na, babawi nalang ako sa performance kahit hindi ako gaanong napapansin.
"So kelan ang practice?"
"Ngayong Saturday nalang"
"Hala, may lakad kami niyan"
"Me too"
"Me three"
"Sige, Sunday nalang"
"Lourdes ako at di ako pwedeng umabsent"
"Ako rin"
"Okay, so kelan ba talaga?" sabat nung isa na mukhang nawawalan na ng pasensya.
Tsk, kaya nga ayoko sa groupings
"Mamaya?" suggest nung isa.
"Ehem" tumikhim ako para agawin ang atensyon nila. Nilingon nila ako. "May work ako later"
"Miss leader" nagtaas ng kamay yung isa.
"I suggest na after lunch nalang, by steps ang ipa-practice natin"
"Nice, mas better"
"Sige ganyan nalang"
"Okay so, final na talaga na after lunch?" pangungumpirma ng leader at tumango ang lahat. Nagdagdag pa siya ng iba pang anunsyo at nagbiro naman yung iba, nakinig lang ako hanggang sa natapos na sila. Tumayo na ako at lumapit kay Krim.
"So how's your group mates?" natatawa niyang tanong. Ngumuso ako.
"Ayos lang naman, pero out of place ako" natawa siya at tinapik ako sa balikat. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Sige, asarin mo lang ako" at kinuha ang bag ko. "Kampante ka kasi magagaling kayo"
Mas lalo siyang tumawa.
"Cheer up Ae, magaling ka rin namang sumayaw so why are you bothered?"
"Hindi kita kasama eh"
Inakbayan niya ako. "Kasama mo ako ngayon"
Inirapan ko siya sa pagiging pilosopo niya. "I mean sa groupings"
"Pfft, magkakasama parin naman tayo after our performance" ngumuso lang ako at hindi na muling nagsalita pa. Napailing siya. "Masanay ka na ngayon, individual tayo sa thesis remember?"
Tumango lang ako. "I know"
Napalingon ako nang naramdamang parang may nakatingin sakin, paglingon ko, nakita ko yung dalawa kong kaklase na kausap si Clovis at kinikilig pa ang mga ito habang sumusulyap sa amin. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan nila o si Krim. Ayokong mag-assume kaya hindi ko nalang sila pinansin.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...
