Napatigil ako sa pag-scroll nang may kumatok sa pintuan. Ibinulsa ko kaagad ang cellphone bago tumayo. Pagbukas ko, nakita ko si Saint na nakatayo."Ano yun Bibiko?"
"Tingnan mo to"
Pinakita niya sakin ang pictures namin ni Krim sa Facebook page ng school. Napasimangot ako sa dami. Ang galing ng pagkakuha na talagang masasabi ng iba na may relasyon kami.
Kailan pa ba ito matatapos?
"Okay ka lang ba, Bibiko?"
Umiling ako. Talagang hindi ako magiging okay.
"Don't worry, marami kayo" sabi niya ulit at pinakita ang ibang larawan ng mga lalaking nai-ship.
"Ehem" natahimik kami at dahan-dahang napalingon. Halos huminto ako sa paghinga dahil nandito sa harapan namin ang taong hindi ko inaasahang dumating. "Na-miss ko kayo"
"Ate!" tinakbo ko ang hagdan sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Naamoy ko pa ang pabango niyang Strawberry. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko. Hinaplos niya ang aking likod.
"I missed you so much bunso"
"I missed you more ate" kumalas na ako sa pagkakayakap. She touched my chin.
"Mas lalo kang gumwapo ah?"
I chuckled. "Ang blooming mo nga eh...pasalubong ko?"
Pinalo niya nang mahina ang braso ko. "Ikaw talaga pagpahingahin mo muna ako—Oh, so who's this lucky one?" tumingin siya kay Saint.
What the heck! Anong lucky one? This is insane!
"Si Saint yan ate" koreksyon ko at natauhan naman siya. Kumurap-kurap pa siya ng limang beses na parang hindi makapaniwala.
"Really? Saint? Ikaw ba talaga yan? Akala ko girlfriend ka ni bunso!" tsk! Natawa ako sa itsura niya, ganun din si Saint.
"Pfft! Oo ate, ako to"
"I missed you! Mas lalo ka ring gumanda!" niyakap niya si Saint.
"Naku ate, puro nga ako tigyawat eh" pagkasabi niya ay sinipat ni ate ang kanyang mukha.
"Hmmm? Hindi naman? Maliit lang naman yan, hindi parin nawawala ang ganda mo kahit may ganyan. By the way, how's your studies?"
"Okay lang po ate" sabay naming sagot.
"Good. Pasensya na talaga Ae at hindi na ako nagparamdam. Naghahanda kasi ako para sa wedding namin ni Hanz"
"Okay lang yun ate, atleast nandito ka na...ahhh—maupo muna tayo?" sabi ko dahil sa posisyon namin ngayon, siguradong magkaka-varicose kami pag nagtagal pa.
Natawa si ate. "Sorry, na-overwhelmed ako masyado. Siyanga pala, mamaya susunod sila dito"
Sila?
"Sino ate?"
"Sila mama, nandun si Hanz ngayon sa bahay ni Alice ...may pinag-uusapan lang, alam mo na"
Tinitigan ko si ate. Ang laki na ng ipinagbago ng katawan niya. Nawala na yung fats niya sa mukha at pumayat narin ang braso niya at paa.
"Pumayat ka yata ate?"
"Talaga ba?" Nagliwanag ang mukha niya. Nagtaka ako dahil parang natutuwa pa siya? "So, effective pala yung work-out plan ko"
Work-out? What the heck!
"Ate may sakit ka sa puso"
"Don't worry, moderate lang naman yung work-out ko, hindi vigorous" I sighed. Kahit kelan talaga to si ate. "So, may girlfriend ka na ba?"
"Ate?" ngumuso ako. "Marami pa akong dapat tapusin bago yan"
She raised her brows.
"Ows? We only die once, choose to be happy"
"That's my point nga eh. Gusto kong maging masaya kaya ayoko munang magkaroon ng commitment. I don't want to hurt myself—Teka...ba't ba napunta sakin ang usapan?"
Tinapik niya ang aking balikat. "Soon you will fall inlove"
Tsk, kelan pa kaya. Parang ayoko nang umibig ulit eh. My past experience is hindering my heart to feel love. Natatakot na akong umibig, maiwan, at masaktan.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...