Hindi paman ako nakaget over sa sinabi ni Krim kanina ay dinagdagan na naman niya."Kris" tawag niya sa kapatid.
"Yes kuya?"
"Isabay mo na si Saint" utos niya at nag-alinlangang tumingin si Kris sa akin.
"Okay, take care" kinindatan niya ako at bumaling kay Saint. "Saint! Sabay ka na sakin"
Taka kong tinitigan si Krim. Bakit niya pinapasabay si Saint kay Kris? Para ba masolo niya ako?
Umiling ako.
Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Kaibigan ko si Krim at walang malisya sa ginagawa niya.
"That's right..." bulong ko at huminga ng malalim.
"What are you doing?" natatawa niyang tanong nang napansin ang ginawa ko.
"H-Huh?"
"Pftt! Are you nervous?" ngumisi siya. Kumunot ang noo ko.
Anong ibig niyang sabihin?
"Let's go" pinaandar na niya ang motorskilo at umangkas naman ako. Hindi pa man ako nakaupo ng maayos ay pinaharurot na niya ito kaya napayakap ako sa kanyang bewang. I just realized na masyadong awkward ang posisyon namin kaya humawak nalang ako sa kanyang balikat.
---------
"Bibiko..." tawag ko kay Saint habang nakaupo kami sa teresa. Inutusan ko kasi siya na samahan muna ako para tulungan akong mag-review.
"Ano yun Bibiko?"
Nag-aalinlangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero kilala ko si Saint, magaling siyang magtago ng sikreto.
"Naging kaibigan mo rin si Pruk noon diba? I mean, bago mo siya naging boyfriend?"
She blushed. "O-Oo, bakit?"
"Ano bang nararamdaman mo tuwing kasama mo siya?"
Tinitigan niya ako. "Bakit mo naman naitanong?"
Ughh...this is hard! Sasabihin ko ba sa kanya?
"Yung kaklase ko kasi, may kaibigan siya. Na-ishare niya ito sakin kanina," sinikap kong wag mautal. "Naninibago siya sa kaibigan niya dahil bigla itong bumait. Tapos kapag may sinasabi ang kaibigan niya na kakaiba sa pandinig niya, bumibilis ang tibok ng puso niya. Ano sa tingin mo? Inlove ba siya?"
Matagal siyang nag-isip bago sumagot.
"Sa tingin ko ay nahuhulog na siya—
"Ano?!" gulat kong tanong at kumalma nang nagsalubong ang kilay niya. "Pasensya na, nag-aalala lang ako para sa classmate ko"
Taka niya akong tiningnan bago nagpatuloy. "Ganyan din kasi ako noon. Kinakabahan ako sa tuwing nandyan si Pruk, lalo na kapag may binibitiwan siyang mga salita na hindi ko inexpect na marinig. Minsan, naiisip ko na baka may gusto siya sakin pero dahil magkaibigan nga kami, pinipigilan ko nalang ang sarili ko pero nung umamin siya..." ngumiti siya na parang ewan.
"Para akong lumulutang sa ulap" dagdag pa niya.
Shet! In love nga siya. Ngayon natatakot na ako para sa sarili ko. What if nainlove na pala ako kay Krim?
NO WAY!
HINDI AKO DAPAT MAINLOVE SA KANYA.
Kaibigan ko si Krim kaya walang malisya ang lahat ng ginagawa niya.
"Bibiko, okay ka lang?" bumalik ako sa mundo nang tinanong niya ako.
"Hehe, oo" tumango ako at umakto na parang wala lang.
"Okay," sabi niya at inangat ang reviewer ko. "What is blah blah blah?" sinubukan kong magfocus sa pagrereview pero hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa sagot ni Saint.
Para akong lumulutang sa hangin...
Inlove na nga ba ako?
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...