Chapter 50

1 1 0
                                        


"Hayy kapagod"  umupo ako sa sofa. Si Joshua naman na may dala lahat ng binili namin ay dumiretso sa kusina para doon ilagay ang mga ito.

"Gala ulit tayo next time" hyper paring sabi ni Saint at nakapandekwatrong umupo sa tabi ko. Tumayo na ako kaya taka niya akong tiningnan.

"Matutulog lang ako ah?"

"S-Sige"

Umakyat na ako sa kwarto at nang tumapak na ang mga paa ko sa sahig ng kwarto ay nakaramdam ulit ako ng lungkot. Marahan kong hinawi ang kurtina para tingnan ang katapat na bahay. Bukas ang bintana nila kaya nagbaka-sakali ako na makita ni Krim mula doon. Huminga ako ng malalim at dinukot ang cellphone sa bulsa.

'Please, kahit ngayon lang Krim bigyan mo ko ng pagkakataong makausap ka' sabi ko sa isip ko habang nakapikit. Pagmulat ko ay di-nial ko ang number niya.

TOOT! TOOT!
Nanlumo ako nang hindi niya ito sinagot.

Please...

Muli kong tinawagan pero ganun parin.

"Sige na Krim, sagutin mo na kahit ngayon lang"

Nag-dial ako ng paulit-ulit hanggang sa sinagot na niya ito. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero napangiti ako.

Yes!

"Yo" matamis kong sabi. Hindi siya nagsalita pero ayos lang sakin yun. Sa tuwing naiisip ko ang mga ginawa niya para sakin noon, yung mga pagsusungit niya dahil sa kakulitan ko, yung mga pagpaparinig niya na manhid ako, yung sinabi niyang nagseselos siya, yung pag-amin niya at yung halik niya ay nagpapatibok sa aking damdamin.

Soon you will fall in love

Si Krim ang naiisip ko sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni ate. Ngayon napagtanto ko na at hindi na ako magdadalawang-isip na aminin sa kanya kahit ano man ang isasagot niya. Kahit masaktan man ako.

"Diba nga ito ang 'yong gusto?
Oh ito'y lilisan na ako," natigilan ako nang nagsimula siyang kumanta kasabay ang pag-strum ng gitara. Kahit nanginginig ang boses niya ay masarap parin sa pandinig. Subalit ang mga liriko na sobrang lalim ay tumarak sa aking puso na parang kutsilyo at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

"Mga ala-ala'y ibabaon,
Kapalit ng tamis ng kahapon,
Mga gabing di namamalayang oras ay lumilipad,
Mga sandaling lumalayag kung san man tayo napadpad,
Bawat kilig na nadarama sa t'wing hawak ang yong kamay,
Ito'y maling akala isang malaking sablay"

Napapikit ako at napailing. Hindi siya nagkamali na aminin sakin ang nararamdaman niya. Sadyang hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.

"Pasensya ka na sa mga kathang-isip kong ito,
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo,
Ako'y gigising na sa panaginip kong ito,
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo,
Lalayo sa"

"Krim, walang lalayo," tugon ko at natahimik siya sa kabilang linya. "Ayokong malayo ka sakin dahil..." kinagat ko ang pang-ibabang labi.

LUBBB!

DUB!

DUB!

DUB!

DUB!

"...dahil mahal na kita" napapikit ako nang sinabi ito. Biglang tumambol ng napakalakas ang puso ko at para akong nabunutan ng tinik.

"Nung inamin mo sakin na gusto mo ako, nagwawala ang puso ko sa kaba pero mas lalo akong sumaya nung inamin mong mahal mo ako. Hindi mo lang alam na palagi kong nire-replay sa utak ko ang mga sinabi mo"

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon