Five hours lang ang tulog ko sa kaiisip kung bakit biglang nagkagusto sakin si Krim. Hindi ko inakalang sa lahat ng pwede niyang magustuhan ay isa ako sa listahan. Noon, hindi ko inasahan na magiging magkaibigan kami dahil kilala siyang istrikto at matalino pa kaya nahihiya kaming lumapit sa kanya.Tsk, tsk! Ano bang nakain niya?
Napangiti ako nang nakitang ang sarili ko sa salamin—wala akong eyebags at hindi mukhang sabog. Pinagpagan ko ang slacks na may puti-puti bago binuksan ang pintuan. Laking gulat ko nang nakita ang isang shoebox. Binuksan ko ito at may sapatos sa loob nito. Napangiti ako.
Ito yung sapatos na matagal ko nang gustong bilhin pero dahil gusto ko pang palakihin ang aking ipon ay hindi ko pa binili. Pero nagtataka ako kung sino ang nagbigay nito at bakit hindi niya personal na binigay sakin.
Dibale na...
Muli akong pumasok at maingat na nilagay ang shoebox sa ilalim ng kama saka lumabas.
"Nasan si papa?" tanong ko kay Saint.
"Kanina pa sila umalis, kasama si Tita, ate at Joshua" sagot niya habang inaayos ang palda.
Oo nga pala, palagi silang umaalis at palagi akong naiiwan dito sa bahay
"May napansin ka bang tao sa labas ng kwarto ko kanina?"
"Wala naman, bakit? May nawala ba sa mga gamit mo?"
Walang nawala, may nadagdag
Umiling ako. Kung ganon, sino kaya ang naglagay ng shoebox sa labas ng kwarto ko?
"Napansin mo bang pumunta si ate sa taas?" tanong ko ulit.
"Hmmm, oo kanina" sabi niya kaya napagtanto ko na kung sino. Para saan? Malayo pa naman yung birthday ko ah?
"Tara na" lumabas na kami at ni-lock ko na ang pinto. Paglingon ko ay nakita ko ang dalawang magkapatid sa labas ng gate.
LUB...DUB...DUB...DUB
"Yieeeee, talagang determinado si kuya Krim sayo no?" tukso ni Saint. Napailing nalang ako at naglakad patungo sa kanila.
"Hi bayaw!" nakangising sabi ni Kris.
"Bayaw ka dyan" I pouted.
"Tara Saint!" inakbayan niya si Saint at hinila patungo sa kanyang motorsiklo.
"Bye!" nang-aasar na sigaw ni Saint.
"Enjoy!" dagdag pa ni Kris at tuluyan na silang umalis. Pinag-krus ko ang aking mga braso, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong kaming dalawa nalang ni Krim.
"Let's go" ngumiti siya at inilahad ang kanyang kamay. Nakayuko parin ako nang tinanggap ito.
Shit! Parang ayoko nang pumasok.
--------------
"Next week we'll have a blah blah blah..." ugh! Kung hindi ko lang talaga mahal ang course na to, matagal na akong nag-shift sa dami ng mga paperworks at reportings. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit ako binigyan ni ate ng sapatos at paano niya nalaman na gusto ko yon.
Siguro sinabi ni papa sa kanya
"Class dismissed" pagkaalis ni sir ay isinubsob ko ang aking mukha sa aking braso. Hayyy...
"Uy Ae," napaangat ako ng tingin nang may biglang kumalabit sa aking braso.
"Mmm, ano yun?" tanong ko kay Tessie. Hinarap niya ang kanyang cellphone sa akin. "See, sikat na sikat na kayong dalawa!" nakita ko ang napakaraming pictures namin ni Krim, pati yung pagsakay ko sa motorsiklo niya, yung galing kami sa trabaho, at lalo na yung umamin siya sa cafeteria.
Paano nila ito nakuha? Sinundan ba nila kami?
"Naks! Daig niyo pa ang celebrity ah?" sabi ng kaklase namin na napadaan lang.
"Whatever" tumayo si Krim at hinawakan ang kamay ko. "Let's go" napilitan akong tumayo at sumunod sa kanya. Tiningnan niya ng masama ang aming mga kaklase bago kami lumabas.
"Tsk! Sobrang istrikto akala mo naman kung sino"
"Naging sikat lang nagyayabang na"
"Lalaos din yan"
Nakaramdam ako ng inis. Kapag kaharap nila kami, pinapakita nilang natutuwa sila pero iba ang sinasabi nila kapag kami ay nakatalikod na.
"Mga plastic" inis na bulong ni Krim at napahigpit ang paghawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...