Ako si Xander Black Dragon at isa kong Karmosa Bearer.
Nakikipaglaban ako para sa tyansa na makabalik ako sa mundo ng mga tao.
At nasa harapan ko ngayon ang isang malaking pwersa ng mga kalaban.
Makakaya ko pa kayang mabuhay sa dami ng mga dapat paslangin?
Makakabalik pa ba ko sa mundong pinanggalingan ko?
Sa bandang kanan ko ay ang babaeng nagdamay sa kin sa gulong ito.
Isang maganda at supersexy na babae at mahusay sa larangan ng pakikipaglaban.
Ang huling prinsesa ng mga diablo, si Arfiona Leviathan, ang love of my life.
Paano nga ba nagkrus ang landas naming dalawa one year ago?
Hmm.. tama! Naaalala ko na!
XANDER'S THIRD POV
Summer vacation na naman para sa mga estudyanteng tulad niya. Magagawa na naman niya ang kinahiligan na niya mula pa pagkabata. Ang tumambay sa sinasabing kweba ng mangkukulam. Na matatagpuan sa mabatong dalampasigan ng San Rafael.
Naging makulay ang kabataan niya. Busog na busog ang mura niyang isipan sa mga kwentong punung-puno ng mga kababalaghan. Mga kwentong nagmula sa bibig ng Lolo Tacio niya at ni Nana Gureng.
Lahat tumatalakay sa mga hindi pangkaraniwang mga nilalang. Tulad ng mga halimaw, dragon, tribo ng mga diablo, diwata, at kung anu-ano pa! Doon sa mundo na kung tawagin ay Elfiore.
Ilang minuto na lang ay mararating na niya ang tirahan ng kanyang Lolo Tacio. Ang matandang simula pagkabata niya ay pinalaki na siya at pinag-aral. Mula elementarya hanggang sa kasalukuyan.
Isang linggo na ang nakararaan ng matapos niya ang ikatlong taon niya sa kolehiyo. Sa kursong business management. Sa susunod na pasukan ay ang huling taon na niya.
Sakay siya ngayon ng isang pampasaherong tricycle at binabagtas ang kahabaan ng koprahan. Sakop na ito ng maluwang na lupain ng Lolo Tacio niya.
Naumpog siya ng malakas sa bubong ng tricycle ng kumaldag ito.
"Manong, dahan-dahan naman ho sa pagpapatakbo!" Angal niya habang hinihimas ng kanang kamay ang itaas na bahagi ng ulo.
"Pasensya ka na, iho. Hindi ko napansin iyong lubak." Despensa ng tricycle driver na nasa kwarenta na mahigit ang edad.
"Manong, bakit ho parang wala akong makitang mga umaakyat sa mga puno ng niyog?" Pag-iiba niya.
"Ah.. iyong mga nangongopras ba dito sa lupain ni Tandang Tacio, iho?"
"Oho, Manong."
"Hindi ko rin alam kung bakit pero ang sabi ng ilan sa mga nagtatrabaho dito. Ipinahinto daw ng matanda at hindi sinabi kung bakit."
Ipinahinto ni Lolo? Pero bakit? Nagtatakang tanong niya sa isipan.
Minabuti na lang niyang manahimik. Bukod sa pagod siya sa biyahe mula Manila hanggang dito sa San Rafael, ay malapit na rin magdilim ang paligid.
Eksaktong alas-sais ng hapon ng makarating siya sa lumang bahay kastila ng lolo niya. Tanging ang matanda lamang at si Nana Gureng ang nakatira sa antigong bahay.
Matapos bumaba ng tricycle at makapagbayad ay umalis na rin ang sinakyan. Isang backpack na kulay pula ang dala niya at isinukbit sa kanang balikat.
Pagkatapos ay tinungo na ang pintuan ng dalawang palapag na bahay.
Madilim ang kabahayan ng makapasok na siya. Kaya siya na ang nag-on ng switch ng ilaw sa salas. Nang lumiwanag na ang paligid ay tinunton niya ang daan papunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...