XANDER'S THIRD POV
Nagpupumiglas ang taglay nyang kapangyarihan..
Kapangyarihang nagmumula sa espadang karmosa..
Kahit ang galit na nararamdaman ay nag-uumapaw din at nagpupumiglas..
Nasa harapan nya ngayon ang mga kalaban.. At nasa likuran nya ang mga pinili nyang protektahan..
Kahit walang magsabi ay alam na nya kung ano ang dapat nyang gawin..
"Sino ka!" Narinig nyang pasigaw na tanong ng kawal na nasa harapan nya.
Tinitigan nya ng masama ang nasa harapan. "Kahit bata papatulan nyo!" Sigaw nya. "Hindi na kayo nahiya sa sarili nyo! Kahit mga walang laban patuloy nyong sinasaktan!"
"Ano bang pakialam mo! Sino ka ba?" Muling tanong ng nasa harapan nya
"Ako.." Sabi nya. "Ako ang magtutuwid sa baluktot na mundong ito!"
Nagtawanan ang iba pang mga kawal pati ang kausap ay nakitawa na rin sa mga kasamahan nito..
"Ano bang baluktot yang pinagsasasabi mo? Mula pa noong sinauna ay ganito na ng Elfiore." Paliwanag nito. "Kaya saan mo nakuha yang pinagsasasabi mo!" Sigaw nito.
Naikuyom niya ang kaliwang kamao at napahawak sya ng mahigpit sa espadang karmosa sa kanang kamay. Kung ganito lang din ang pananaw ng mga nilalang ng Elfiore. Gagawin nya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya para baguhin ito!
Pumorma na susugod ang mga kawal.
Iwinasiwas nya ang espadang karmosa sa harapan nya. Sa direksyon ng mga kawal.
Isang itim na liwanag ang lumabas sa espada at tumama sa mga kawal. Pagkatapos ay dumeretso at tumama sa isa kubo at sumabog. Dagli nitong tinapos ang mga kawal. Na kahit sya mismo ay nagulat sa nangyari!!!!!!
Ang lakas! Hindi nya naiwasang maisatinig sa isipan!
Ang mga katribo naman ni Manong Green ay natuwa ng husto!
Sa nangyaring pagsabog ay naalarma ang iba pang mga kawal. Kaagad na nagdatingan ang mga ito. Na ang bilang ay aabot sa limangpu sa dami!
Isang lalake na may kasuotang pangdigma ng isang ahas ang dumating din. May malaki itong espada sa likuran. At ang dila nito at mga mata ay kawangis ng sa ahas.
Nasa harapan nila ang mga ito. Ang mga Mandarok naman na kanyang ipinagtanggol ay muling nakaramdam ng matinding takot. Takot para sa lalakeng may mala ahas na pagmumukha.
"Sino kang pangahas ka at ang lakas ng loob mong patayin ang mga tauhan ko?" Usisa sa kanya ng lalakeng tumatayong pinakapinuno. Ang may baluti ng ahas.
"Tama lang ang ginawa ko sa mga walang awa mong tauhan!" Matigas nyang sagot.
"Walang awa ba kamo?" Nakangisi nitong sabi. "Tama lang na alipustahin ang mga mahihina!" Saka tumawa ito ng malakas.
Lalong kumulo ang dugo nya!
Na-high blood yata sya sa sinabi ng mayabang na pinuno kung umasta.
"Yon naman pala! Eh di ok lang sayo kung ako naman ang mangbully sa inyo? Masyado kasi kayong weak para sa taglay kong karmosa!" Pang-aasar nya na ikinatigil ng pagtawa ng kausap!
Nagtagis ang mga bagang nito. Halos maputol ang mga litid nito sa leeg.
Effective! Haha!
"Sugurin ang pangahas na yan at paslangin ang buong tribo!" Nanggagalaiting utos nito.
Nagkagulo ang mga Mandarok! Hindi malaman kung saang direksyon nagtatakbuhan para makalayo at makatakas. Nagsisugod kasi ang mga kawal ng lalakeng may baluti ng ahas.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...