31: Urdu Badyari

2K 78 10
                                    

Dedicated to PinKateBSalgado

Ermidion's Third POV

Kasalukuyan syang nasa malalim na pag-iisip ng pumasok si Safra. Kasunod nito ang apat na mandirigma.

"Kamahalan, naririto na ang apat sa limang kasapi ng Urdu Badyari." Pagbibigay alam ni Safra.

Kaagad nyang napuna na wala ang nag-iisang babae sa grupo. "Nasaan si Vala?" Usisa nya.

"Hindi pa mahagilap, kamahalan." Tugon ni Safra.

"Huwag nyo ng hanapin ang wala, kamahalan. Kaming apat ay sapat na." Sabi ng may baluti ng leon. Si Raikon.

"Oo nga naman, kamahalan. Kaming apat ay sapat na para harapin ang libo-libong mga kalaban." Segunda ng may baluti ng agila. Si Zeros.

Pinagmasdan nya ang apat na mandirigma. Ang dalawa pa ay si Biton isang wolf karmosa bearer at si Arcon na isang salamander karmosa bearer. Ang apat ang bumubuo ng malaking bahagi ng Urdu Badyari.

Ang Urdu Badyari ay ang elite group ng angkan ng Beelzebub. Sekreto ang grupo lalo na sa kaalaman ng angkan ng Leviathan. Sila ang grupo na inaatasan sa mga sekretong misyon. Wala pang nakakatinag sa lakas at pwersa ng Urdu Badyari.

"Kamahalan, bakit mo kami ipinatawag?" Tanong ni Arcon.

"May sekretong misyon ba ang grupo?" Usisa naman ni Biton.

Sumenyas sya sa kanang kamay na magsitahimik muna. Sinunod naman sya. "Gusto kong hanapin nyo ang grupo ng hari ng Acrania at paslangin lahat."

"Kamahalan, matagal ng naglaho ang lipi ng dragon." Sabi ni Zeros.

"Siya nga naman, kamahalan. Wala na ang mga Acranian." Sang-ayon ni Biton.

"Muling nabuhay ang Acrania ng magkaroon sila ng bagong hari. Kumikilos na sila para makipagdigma sa ating kamahalan." Paliwanag ni Safra.

Humakbang ng lima si Biton. "Kamahalan, pahintulutan mo kong harapin sila ng mag-isa. Gusto kong makaharap ng nag-iisa ang hari ng Acrania."

Tumaas ang gilid ng mga labi nya. "Biton, ipinauubaya ko na sayo ang lahat."

"Makakaasa ka sa aking tagumpay, kamahalan. Hindi kita bibiguin." Masayang sabi ni Biton at saka tumalikod na kasabay ng tatlo pa at lumabas na ng trono.

Nagpaiwan si Safra. Nahalata nya na may gusto itong sabihin sa kanya. Tumayo sya sa kinauupuan at nilapitan ang alagad. "Safra, may ipagagawa ako sayo."

"Sabihin mo lang at aking susundin, kamahalan."

"Samahan mo si Biton. Gusto kong makasiguro sa kanyang tagumpay."

"Masusunod, kamahalan.ay iba pa ba kayong ipag-uutos?"

Umiling sya. "Iyon lang ang utos ko sayo."

"Kamahalan, may nais akong sabihin tungkol kay Tanacio Acrania."

"Wala ng silbi ang matandang yon. Paslangin mo na sya."

"K-kamahalan, n-nakatakas si Tanacio." Nasa mukha nito ang pangamba.

"Ulitin mo ang sinabi mo, Safra."

"N-nakatakas si T-Tanacio."

"Ah.. nakatakas."

"Kamahalan, magpapaliwanag ako!"

Ikinumpas nya ang kanang kamay. "Walang silbi ang matandang yon. Hindi napasakamay ko ang karmosa ng dragon. Hindi na ko interisado sa kanya."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon