40: Demon Flame

1.7K 73 10
                                    

Dedicated to lanflores and NatsumeTsuchimikado3

Arfiona's Third POV

Nasa harap sya ng apoy ng diablong phoenix. Nasa templo sya at naghahanda sa huling pagsubok. Kasama nya ang priestess ng templo.

"Mahal na prinsesa, manganganib ang buhay mo. Walang sinusunod ang diablong phoenix." Pag-aalala ng priestess.

"Hindi ka bulag para hindi makita ang marka sa tiyan ko. May bago ng hari ang mga Leviathan. Kailangan ng hari ng ibayong lakas para tulungang magapi si Ermidion. Nahaharap tayo sa isang digmaan. Kailangang patunayan ko ang aking sarili sa aking asawa." Mahaba nyang paliwanag.

"Pero papaslangin ka ng diablong phoenix. Sa lahat ng mga bantay ito lang ang walang kinikilala at sinusunod."

"Uulitin ko. Nasa digmaan tayo. Kailangan ko ang kapangyarihan ng diablong phoenix." Saka lumapit sa apoy. "Umpisahan mo na ang ritwal. Nakahanda na ko."

"Mamamatay ka, prinsesa.." Tutol pa rin ito.

"Wala akong balak na mamatay. Nakahanda na kong sagupain ang diablong phoenix para kilalanin ako."

Dumating ang apat na heneral ng Leviathan. Pawang mga armado.

"Mahal na prinsesa, nakikiusap kami. Wag mong ituloy ang binabalak mo." Pagsusumamo ng isa sa mga heneral.

Nagsumamo rin ang tatlo pang heneral. Buo na ang pasya nya. Kukunin nya ang kapangyarihan ng diablong phoenix. "Umpisahan na ang ritwal." Utos nya. Ayaw sumunod ng priestess. "Inuutusan kita bilang prinsesa ng Leviathan!"

Walang nagawa ang priestess kundi ang umpisahan ang ritwal. Nagsimula itong magchant ng paulit-ulit. Naglagablab ang diablong apoy.

Ipinikit nya ang mga mata at huminga ng malalim. Naririnig pa rin nya ang pagtutol ng apat na heneral. Idinilat nya ang mga mata. Pagkatapos ay hinawakan ang nagngangalit na apoy sa harapan nya. Nagsimulang balutan ng apoy ang mga kamay nya hanggang sa gumapang sa buo nyang katawan at nilamon sya.

Ilang saglit pa ay nasa mundo na sya ng diablong phoenix. Napapalibutan sya ng pitong bulkan na nag-aalburoto.

Lalabas na ang diablong phoenix. "Karmosa." Naging espada ang porselas nya sa kanang braso. Nakahanda na sya. Ano man ang mangyari ay kailangang mapasakamay nya ang diablong phoenix.

Nagsimulang pumutok ang pitong bulkan at sa pinakamalaking bulkan ay lumabas ang diablong phoenix. Nag-aapoy ang buo nitong katawan habang lumilipad.

Naging napakainit ng buong paligid. Animo ay nasa dagat-dagatang apoy ka. Binabalot ng matinding apoy ang buong paligid dahil sa pagsabog ng pitong bulkan.

Lumabas ang dalawa nyang pakpak at nagsimula na syang lumipad. Nang huminto sa ere ang diablong phoenix ay tinapatan nya.

"Sino ang hangal na gustong makamit ang aking kapangyarihan?" Umpisa ng phoenix.

"Ako si Arfiona Leviathan. Ang prinsesa ng mga diablo."

"Ilang libong taon na ang nakalilipas ng hangarin ng mga nagdaang hari ang aking kapangyarihan. Lahat sila ay nangabigo. Ano ang kakayahan ng isang prinsesang tulad mo para gapiin ako?"

Napaisip sya sa sinabi ng diablong phoenix. Totoong sa kasaysayan ng mga diablo ay walang nagtagumpay na makamit ang kapangyarihan ng diablong phoenix. At lahat ng nagtangka ay pawang malalakas. Higit pang malakas kaysa sa kanya. Napailing sya. Hindi ito ang panahon para panghinaan ng loob. Kapag napasakamay nya ang kapangyarihan ng diablong phoenix. Hihigitan nya ang lakas ang lakas ng buong lahi ng mga diablo. Nakaraan man o kasalukuyan ay sya na ang mangingibabaw sa lakas. Kikilalanin din sya sa kasaysayan ng mga diablo.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon