Dedicated to mich71279 and ohrae88
Azinaya's Third POV
Namalas nya ang taglay na lakas at kapangyarihan ni Arfiona. Hindi ito pangkaraniwan. Napakalakas nito kumpara sa ibang kapangyarihan. Napag-iiwanan na sya. Si Xander ay nagpamalas ng kakaibang lakas sa marami ng pagkakataon. Tapos ngayon ay heto si Arfiona at nagpapamalas din ng kakaibang lakas. Sa kanilang tatlo ay sya na ang pinakamahina. Pero wala syang pag-iimbot na nararamdaman. Ang totoo niyan ay masaya sya para kay Arfiona. Sa lakas lang naman sya naging pinakamahina. Pagdating sa pag-iisip ay nakahihigit sya sa dalawa. Doon sya magaling. Iyon ang dapat nyang pagtuonan ng pansin.
"Mukhang malalim ang iniisip mo." Putol ni Zebro sa pag-iisip nya.
Napailing sya. "Ang ipinamalas na bagong kapangyarihan ni Arfiona. Magagamit natin yon para ipanalo ang digmaan laban kay Ermidion."
Tumango ito. "Nakakatakot ang lakas niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong uri ng kapangyarihan."
Tama si Zebro. Sa kasaysayan ng buong Elfiore ay ngayon lang din sya nagkaroon ng kaalaman sa ganoong klase ng kapangyarihan. Sa kabilang banda ay nagpapasalamat sya dahil kakampi nila si Arfiona. At ang prinsesa ng mga diablo ay may mabuting puso. Pumalakpak sya ng tatlo. Natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. "Oras na para lisanin natin ang kampo! Humanda na kayo para sa paglalakbay!"
Ilang saglit pa ay nilisan nila ang kampo sakay ng kani-kanilang kabayo. Dumadami na ang myembro ng pangkat nila. Papunta na sila sa palasyo ng hari ng Erizia.
Makalipas ang pitong oras ay narating nila ang palasyo. Subalit ang pakay na hari ay wala at na bingit ng kapahamakan. Nagkakagulo sa buong palasyo. Napag-alaman nilang nasa kagubatan ng Orsen ang hari at nakikipaglaban sa sampunglibong Laikan. Nagpadala ng tulong ang reyna pero pinangangambahang huli na ang lahat bago dumating ang tulong.
"Kailangang tulungan natin ang hari ng Erizia." Umpisa nya. Nasa labas na sila ng palasyo.
"Paano?" Usisa ni Xander.
"Kailangang makarating tayo doon ng higit na mas mabilis kaysa sa buong hukbo ng Erizia." Paliwanag nya. "Kailangan nating lumipad!"
"Ako na ang bahala." Sabi ni Xander. "Zalia." Tawag nito sa isa sa mga diablong bantay. Lumabas ang isang higanteng diablong ibon. Pumaitaas ito at lumipad paikot. Pagkatapos ay lumapag ito.
"Apat lang ang pwedeng sumakay ka Zalia." Pagbibigay alam ni Arfiona.
"Ang isa ay ako." Seryosong sabi ni Xander.
"At ako!" Si Arfiona.
"Kung nasaan ang prinsesa ay naroroon din ako." Sabi naman ni Azina na seryoso pa sa pagkakasabi.
Napatango sya. "Serafina, bumalik kayo sa palasyo at ipagbigay alam sa reyna ang gagawin nating pagliligtas." Utos nya. "Arfiona, tayong apat ang tutulong sa hari. Inaasahan ko na magagawa mo ang ginawa mong paglipol sa isanglibong diablo sa pagliligtas sa hari." Tumango naman ang prinsesa.
Hindi na nila pinatagal ang oras. Sumakay na sila sa diablong ibon at tinungo ang direksyon ng Orsen Forest. Mabilis ang paglipad ng diablong ibon. Hindi nagtagal ay narating nila ang Orsen Forest. Namumutiktik ito sa dami ng Laikan. Sila ang mga barbarong lipi na may ulo ng aso. Kilala sila sa bangis. Sinasabing may kakayahan ang lipi nila na pumaslang ng isang karmosa bearer gamit ang mga matutulis nilang ngipin.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...