Dedicated to silencer_01
Xander's Third POV
Kaharap niya ngayon ang isang malakas na kalaban. Nalalagay na siya sa alanganin.
"Hari ng Acrania, ibabalik ko sayo ang ipinaramdam mo sa kin!" Galit na sabi ni Ethos at sa isang iglap ay nagpakawala ito ng atake.
Matagumpay niyang nasangga ang unang wasiwas ng espada nito. Nagulat siya sa sobrang bilis nito na ikinaatras niya ng ilang hakbang.
"Magaling! Nasangga mo ang atake ko. Pero hindi sapat ang lakas mo para pigilan ang lahat ng atake ko!" Saka umatake ng sunud-sunod.
Nasasangga niya ang mga atake pero iniinda niya ang pwersa nito. Bawat wasiwas ay napapaatras siya. Nakatulong ang pagsasanay niya sa amang si Adilion. Nagagawa niyang sumangga kahit hindi niya gaanong nakikita. Gamit niya ang talas ng pakiramdam.
"Ano na ang nangyari sa ipinagmamslaki mong lakas, Acranian? Hanggang kailan mo balak sanggain ang mga pag-atake ko?" Tanong ng kalaban niya na may halong pang-aasar.
Naaasar na siya. Masyado siyang minamaliit ng kalaban. Kailangan na niyang umatake. Pero bago pa siya nakaganti ng atake ay may tumama ng itim na boltahe sa katawan niya. Nagawa nitong patalsikin siya ng malayo.
"Xander!" Sigaw ni Arfiona.
Narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng prinsesa ng mga diablo. Pero ito man ay abala sa malakas nitong kalaban. Nang sundan siya ni Ethos para espadahin ay ikinagulat niya ang pagdating ni Hepatetrus. Sinangga ng espada nito ang espada ng galit na si Ethos.
"Bumangon ka, kamahalan! Huwag mong hayaang talunin ka ng isang kalabang walang binatbat sa iyong ama!" Sigaw nito.
Umatras ng ilang dipa si Ethos. Pagkatapos ay humalakhak. "Ang anak ng magiting na hari ng Acrania ay wala pa sa kalingkingan ng kanyang ama!" Sigaw nito. "Dahil si Adilion ay maituturing na halimaw sa pakikipaglaban!"
Napangisi si Hepatetrus. "Ang anak at bagong hari ay maituturing din na halimaw!"
"Huwag mo kong pasakayin sa kasinungalingan mo, Hepatetrus! Ang Acranian na yan ay mahina at hindi ko kikilalaning na karapat-dapat sa trono ng mga diablo!" Nagpakawala ito ng itim na boltahe ng kuryente sa kaliwang kamay. Gumuhit ang matalim na boltahe sa direksyon ni Hepatetrus.
Nagawang pigilan at sanggain ng espada ng heneral ang itim na boltahe ng kuryente. Pero hindi sapat ang lakas ng heneral para tuluyang sanggain ang atake. Tumalsik ito ng pabulusok. Pero nagawa nitong makatayo muli at pumunta sa tabi niya.
"Kailan man ay hindi mo ko kinaya, Hepatetrus! Magsama kayong dalawa ng bago mong hari sa kamatayan!" Sigaw nito.
Tuluyan na siyang nakatayo. Nilapitan niya si Hepatetrus at tinapik sa kanang balikat. "Hindi ko alam kung papaano ka nakarating dito ng hindi kasama ang hukbo ng Acrania. Pero akin ang labang ito. Tulyngan mo silang talunin ang dalawang hukbo. Ipaubaya mo na sa kin ang isang iyan." Seryoso niyang sabi.
"Parating na ang ating hukbo, kamahalan. Malakas ang hari ng mga Manggako noon pa man. Pero kinatatakutan ng lahat ang iyong ama. Ngayon, ipakita mo na ikaw naman ang dapat nilang katakutan." Nang tumango siya ay umalis na ang heneral para harapin ang dalawang hukbo.
"Nilayasan ka na ng heneral mo, hari ng Acrania! Mas higit kang dapat mangamba sa iyong kamatayan!" Pagkatapos ay nabalutan ng itim na kuryente ang espada nito.
"Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na ako lang sapat na para talunin ka." Tumindi ang itim na enerhiyang apoy sa buo niyang katawan. Handa na siyang lumaban.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...