48: King Of The Dragons

1.6K 69 6
                                    

Dedicated to AppleDavo and JeffreyVeloso

Arfiona's Third POV

Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakatapak sa Acrania. Simple lang ang pamumuhay ng pinakamalakas na lipi sa buong Elfiore. Hindi tulad ng lahing pinanggalingan niya na puno ng imbot at ambisyon. Malayo sa mga Acranian na pinakamahusay na mga mandirigma sa sangkalahatan.khmcbngxuyibvhknñbhhVvxxanxcubhygi

Pagpasok nila ng palasyo ay napahiwalay na sa kanila si Xander. Hinayaan naman silang libutin ang buong palasyo. Nagkahiwa-hiwalay na sila. Si Azina ang natirang kasama niya. Narating nilang dalawa ni Azina ang hardin ng palasyo. Samu't sari ang mga naggagandahang halaman at mga bulaklak. Napakalawak ng hardin.

"Prinsesa, pagkakataon na natin na pag-aralan ang kahinaan ng mga Acranian. Matatalo natin sila sa oras na malaman natin ang kanilang kahinaan." Basag ni Azina sa katahimikan.

"Hindi na natin kalaban ang Acrania. Narito tayo para tulungan sila sa pakikipaglaban kay Ermidion." Pumitas siya ng isang bulaklak sa halamang bahagi ng hardin.

"Walang katiyakan ang panalo natin laban kay Ermidion. Taglay niya ang isang malakas na karmosa."

Binalingan niya ang kaibigang heneral. "Magtiwala ka sa kakayahan ni Xander. Huwag mong kalilimutan na siya din ang bagong hari ng mga Leviathan."

Hindi na kumontra pa si Azina sa mga sinabi niya.

Xander's Third POV

Nasa isang silid silang tatlo ni Adilion at ng Lolo Tacio niya. Tahimik ang silid. May ilangang nagaganap sa pagitan niya at ng dalawang kasama. Marami siyang katanungan na naghihintay ng mga kasagutan mula sa matanda.

Tumikhim ang Lolo Tacio niya para alisin ang bara sa lalamunan. "Xander, naaalala mo pa ba ang mga kwento ko sayo na patungkol sa Elfiore?" Usisa nito.

Napatango siya. "Pero hindi ang tungkol doon ang gusto kong malaman, Lolo Tacio."

Nilapitan siya ng matanda at hinawakan sa magkabilang balikat. "Ako si Tarnacio Acrania. Kasapi ako ng konsehong namamalakad sa buong Acrania." Tinitigan siya nito ng mabuti. "At ikaw ay ang bagong hari ng Acrania. Nakaguhit ang lahat ng ito sa iyong kapalaran. Ang mundong ito ang iyong tahanan."

Binalingan niya si Adilion na tahimik lang na nakikinig sa kanilang maglolo.

"Xander, Apo, batid kong hindi magiging madali sayo ang tanggapin ang katotohanan. Nasanay ka ng mamuhay sa mundo ng mga tao. Doon ka nagkaisip at lumaki. Pero ang tadhana mo ay ang pamunuan ang muling paglantad at pag-ahon ng lipi ng mga dragon. Kailangan ka ng lahi natin."

"Namatay si Nana Gureng at hindi ko siya natulungan. Isa akong mahinang hari ng Acrania. Hindi ako nararapat sa titulo ng pagiging hari ng Acrania." Totoo ang sinabi niya.

Ngumiti ang matanda. "Karapat-dapat kang maging hari ng Acrania, Apo. Maipapamalas mo yon sa magaganap na digmaan. Ang lahat ng kaalyado ng magkabilang panig ay papunta na sa Tartamus. Pamunuan mo ang lahat ny hukbo."

"Paano kung mabigo ako at dadalhin ko lang pala sa kamatayan ang lahat ng umaasa at naniniwala sa akin?" Iyon ang agam-agam sa kanyang damdamin.

"Anak ka ni Adilion. Sapat na yon para katakutan ka ng mga kalaban."

"Bakit itinago mo sa akin ang buong katotohanan, Lolo Tacio?"

Tinanggal ng matanda ang pagkakahawak sa dalawa niyang balikat. Pagkatapos ay bumaling kay Adilion. "Hahayaan kong ang sarili mong ama ang sumagot sa tanong mong iyan."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon