63: The Last Force

2K 85 27
                                    

Dedicated to andies143

Xander's Third POV

Sa wakas dumating na ang hinihintay niyang sariling hukbo. Ang hukbo ng Acrania. Nakita niya ang mahusay na paglaban ng mga ito sa pamumuno ni Azinaya.

Nagdiwang ang mga mangdirigma na kabilang sa pwersa nila. Tuluyan ng natalo at naubos ang pwersa ng mga kalaban. Pero sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng lahat. Dumating ang huling pwersang pinakihihintay nila. Ang hukbo ng Beelzebub! Nasa limang libo ang dami ng mga ito pero nasa hanay ng mga ito ang mga matitinding kalaban. Nasa tatlong libo ang kabuoang bilang ng mga iluminatos. Sila ang mga malalakas na mga mangdirigma na nasa ilalim ng angkan ng Beelzebub. Ang lakas nila ay hindi nahuhuli sa isang heneral ng mga diablo at Acranian. Bukod sa mga iluminatos ay makikita sa hanay ng mga ito ang isang higanteng nilalang. May taas ito ng tatlongpung talampakan. Malaki at maskulado ang pangangatawan. Walang buhok ang bilugang ulo at matutulis ang mga ngipin.

Sa pinakahulihan ng hukbo ay makikita si Ermidion. Sakay ito ng isang mataas at malaking diablong hayop na kawangis ng isang tigre. Kulay itim ang mga balahibo nito at may mga mapupulang mga mata.

Nasa tabi naman ni Ermidion ang tatlong kasapi ng Urdu Badyari at ang tapat nitong alagad na si Safra. Binabantayan ng mga ito ang isang kwadradong kulungan na gawa sa isang matibay na metal.

Sa panig nila ay kaagad na nagtipon-tipon ang mga hukbo. Batid ng mga ito na malalakas ang mga makakalaban nila. Ang nasa unang hanay nila ay ang hukbo ng Tuberia at Feroria. Nasa likuran ng dalawang hukbo ang Elkiria at Erizia. Ang hukbo naman ng Acrania ay naghihintay ng utos mula kay Azinaya. Nang magbigay ng utos ang reyna ng Acrania ay pumuwesto sa pinakaunahan ng pwersa nila ang mga Acranian.

Siya naman ay nasa likuran ng hukbo ng Leviathan. Kasama niya si Arfiona, Serafina, Zebro, at si Manong Green. Samantalang si Albion ay nasa tabi ni Azinaya.

Magaganap na ang digmaan sa pagitan ng dalawang pwersa. Lamang sila sa bilang ng maraming beses kaya alam niyang hindi sila dehado. Ito ang labanang pinakahihintay ng lahat. Ang laban sa pagitan niya at ni Ermidion. Sa wakas ay magsisimula na.

"Ang higanteng halimaw na yan ay ang nag-iisang diablong bantay ng angkan ng Beelzebub." Pagpapaalam ni Arfiona. "Nag-iisa ngunit napakalakas. Walang espesyal na katangian maliban sa pagkakaroon ng di masukat na lakas ng pangangatawan." Dagdag pa nito.

"Hindi ba matatapatan ng mga diablong bantay ni Xander, prinsesa?" Usisa ni Manong Green.

"Meron.. Pero masyadong mapanganib at agresibo ang diablong bantay na iyon. Walang kinikilalang panginoon kaya maaaring maging kakampi at maaari din maging kalaban. Kahit ang aking ama ay walang kakayahang pasunurin ang diablong bantay na si Herpion." Paliwanag ni Arfiona.

"Kung ganon ay hindi siya magagamit ng aming hari." Singit ni Serafina.

Napatango ang huling prinsesa ng mga diablo. "Si Herpion ay ang diablong bantay ng pagkawasak. Ang pinakamalakas sa lahat ng diablong bantay ng mga Leviathan."

Napailing si Zebro. "Paano natin siya magagamit kung masyadong malakas at masyadong delikado?"

Natigil ang usapan nila ng umalingawngaw sa buong lugar ng labanan ang malakas na tunog ng mga tambuling gawa sa sungay. Sa panig ito ng Beelzebub. Isa itong pahiwatig sa lahat na sisimulan na ang pag-atake.

Sa isang iglap ay nagsisugod ang mga iluminatos. Sa taglay nilang lakas ay marami ang nalagas sa panig ng Tuberia at Feroria. Kaunti naman sa pwersa ng Acrania. Ang Erizia ay tuluyang nalipol kasama ng kanilang hari. Ang Elkiria naman ay nagpalabas ng mga ilusyon na dragon. Nagawa nitong pigilan ang pag-usad ng mga iluminatos.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon