ARFIONA'S THIRD POV
Nasa harap sya ngayon ng isang mahalagang pagpupulong sa tribo ng mga Mandarok. Na binubuo ng nasa anim na nakatatandang mga Mandarok.
Silang pito lang ang nakapaloob sa kubo ng konseho. At isang mahalagang paksa, na tumatalakay sa dayo, ang kanilang masusing pinag-uusapan.
"Iyon ang pinakatamang gawin. Ang sumangguni sa Orakulo ng Desmurada. Ang matang nakakakita sa hinaharap ng bawat nilalang." Narinig nyang pahayag ng pinakapinuno ng tribo.
"Sumasang-ayon ako sa ating pinuno. Iyon ang tanging paraan para malaman ng dayo ang daang kanyang tatahakin." Sabi naman ng katabi niya sa kanan.
"May katanungang bumabagabag sa akin mula ng makasama ko ang dayo magpahanggang ngayon." Seryoso nyang sabi na ikinabaling sa kanya ng lahat. "Bakit nakakaya nyang gamitin ang pinakamalakas na karmosa ng Acrania?" Pagpapatuloy nya.
"At iniisip mong hindi kapani-paniwala dahil isa lamang syang dayo?" Paniniguro ng pinuno.
Napatango sya..
Iyon naman talaga ang totoo. Isang dayo na may kakayahang gamitin ang karmosa ng itim na dragon. Ang karmosang pinag-aagawan ng lahat at patuloy na pinaghahahanap hanggang ngayong kasalukuyan.
At ang malakas nyang kutob sa babaeng humarang sa kanila. Ang kasuotan at sandata nito at pati na ang istilo. Ay hindi maitatangging sa lahi ng mga naglahong Acranian.
Kasalukuyang wala pang malay-tao ang dayo. At binabantayan ni Marsuk. Ang Mandarok na nakasama nila.
"Ang sa akin ay isa lamang sapantaha." Turan ng matandang nasa kaliwa niya. "Pero maaaring isang Acranian ang dayo. Na itinakas sa mundo ng mga tao. O maaari din namang may dugo ng isang Acranian na nananalaytay sa kanyang mga ugat." Paliwanag nito.
Maaaring iyon nga ang kasagutan sa katanungan nya. Pero paano yon nangyari? Walang bakas na may dugo ng isang Acranian ang dayo.
"Magtatalaga ako ng isang kalahi upang maghatid sa inyo sa Desmurada." Pagtatapos ng nakatatandang pinuno.
Nagsitayuan na sila at lumabas na sa kubo ng pagpupulong.
Di nya inaasahan na isang batang Mandarok ang kanina pa palang naghihintay sa kanya.
"Prinsesa, pinatatawag ka ni ama. Nagkamalay na ang dakilang bayani." Bungad sa kanya ng batang lalake na anak ni Marsuk.
Bayani your face! Bayani ba yong mokong na yon?
Ngumiti sya. "Halika dalhin mo ko sa dayo."
"Dito tayo, Prinsesa!" Saka nagmamadaling nauna.
Kaagad naman syang sumunod sa anak ni Marsuk. At dinala sya sa kubo ng mga ito.
Para lang mainis sa tagpong inabutan nya!
Kasi naman! Pa-baby ang hinayupak na dayo!
Tatlong dalagang mandarok ang umaasikaso sa dayo. At nakikipagharutan naman sa mga ito ang dayo. Umaasta na parang batang paslit.
Parang gusto nyang tadyakan!!!!!!
"Arfiona, nakasimangot ka na naman!" Masayang bungad sa kanya ng dayo.
Sarap talagang sapakin ng mokong na to! Naisatinig nya sa isipan.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...