Dedicated to michellemartelino1
Arfiona's Third POV
Natapos na ang unang bugso ng digmaan. Hinihintay na lang niya ang susunod na bugso ng pag-atake ng mga kalaban. Nasa gitna pa rin ang pinagsanib nilang mga hukbo at naghihintay. Puro mga ordinaryong lipi lang ang limang pinagsanib na pwersa na nakalaban nila. Sa panig nila ay nabawasan na ang pwersa ng Erizia. Ang hari nito, na si Mitheus, ay matapang na namuno at nakipaglaban. Ngunit hindi sapat ang tapang at husay sa pakikipaglaban kapag nakaharap na nila ang dalawang matinding hukbo sa mga kalaban. Hindi niya inakala na sasanib sa pwersa ni Ermidion ang dalawang matinding lipi. Aminado siyang malalakas ang mga ito at hindi pwedeng maliitin. Sa pwersa ay dehado ang panig nila pero sa lakas ay lamang sila. Salamat sa lahi ng Elkiria.
Nasa tabi niya si Erosocapus at Azina. Ang digmaang ito ay mahalaga para sa mga Leviathan. Ipaghihiganti nila ang kamatayan ng sariling ama. Dahil hindi naging patas ang naging laban ni Ermidion at ng kanyang ama. Dinaya ni Ermidion ang kaniyang ama at naging dahilan para matalo ang dating hari ng mga diablo. Ang masakit pa, hindi natagpuan ang bangkay ng kanyang ama magpahanggang ngayon.
Hinanap ng paningin niya si Xander. Nakita naman niya agad at kausap ni Haring Mitheus. Ito ang unang sabak ng asawa sa isang digmaan pero hindi ito nagpamalas ng kahinaan. Maliban lang sa pinalaya nito ang mga natirang kalaban. Nagkaroon ito ng epekto kay Xander. Lalong tumindi ang hangarin nito na baguhin ang mundo ng Elfiore. Bilang unang asawa ay suportado niya ang pinapangarap nito. Tulad ni Xander, ay hangad din niyang baguhin ang buong mundo. Ang kahihinatnan ng digmaan ay nasa mga kamay ni Xander at Ermidion. Ano man ang magiging resulta ay batid niyang magkakaroon ng malaking epekto sa sangkalahatan.
Xander, tuparin mo ang nakatadhana sayo. Maging hari ka ng dalawang lipi! Seryosong sabi niya sa isipan. Sa loob-loob niya ay umaasa siyang matutupad ang ibinunyag na kapalaran ng orakulo. Pero ganoon pa man, hindi niya mapigilang mag-alala. Malakas ang pwersa ni Ermidion at hindi niya batid ang binabalak nito.
"Prinsesa." Tawag sa kanya ni Azina at putol na rin sa mahaba niyang pag-iisip.
Nilingon niya ang babaeng heneral at kababata na rin. "Ano yon, Azina?"
"Masyadong malalim ang iyong iniisip. Baka makaapekto yan sa pakikipaglaban mo." Puna nito.
"Wala ito. Mahalaga sa ating mga Leviathan ang digmaang ito. Itataya natin ang buhay natin para sa pananampalataya sa kakayahan ni Xander. Tutulungan natin siyang tuluyang maging hari ng dalawang lipi. Pagkakataon na rin natin para ipaghiganti ang aking ama." Tugon niya. Ang hiling lang niya ay dumating na sana ang hukbo ng Acrania para mas tumaas ang tiyansa nilang ipanalo ang digmaan.
Tinitigan lang siya ni Azina. Hindi na ito muling nagsalita pa. Ibinaling na lamang niya ang mga paningin sa malaking hukbo ng mga kalaban.
"Prinsesa, nararamdaman kong may binabalak na hindi maganda ang hari ng mga diablo." Puna ni Erosocapus.
"Sa tingin ko, ang malaking pwersa nila ay nasa unang bahagi pa lamang ng digmaan. Hindi pa inilalabas ni Ermidion ang totoo niyang lakas." Batid nilang taglay na ng lubusan ni Ermidion ang kapangyarihan ng diablong halimaw. Nangangahulugan lamang ito ng isang matinding labanan sa pinakadulo ng digmaan. Bilang prinsesa ng mga Leviathan at unang asawa ng magiging hari ng dalawang lipi. Tungkulin niyang siguruhin na maganda ang magiging resulta ng digmaan sa panig nila. Hindi siya dapat magkamali sa mga gagawing desisyon.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...