Dedicated to xMacrophobiax and carlvinz18
Xander's Third POV
Dalawang malakas na lipi ang yumanig sa pwersa nila. Sa isang iglap ay nagawa ng Manggako na paslangin ang karamihan sa kanila. Gustuhin man niyang baguhin ang pangyayari ay wala na rin siyang magagawa pa.
"Nandito pa ko, hari ng Acrania!" Sigaw ng kalaban niya na mabilis na inespada siya ng sunud-sunod. Nagawa naman niyang sanggain ang bawat pag-atake nito.
Ginamit niya ang pambihirang bilis para makalipat ng pwesto pero ikinagulat niya ng mabilis din siyang nasundan ng kalaban.
"Hindi mo ko matatakasan!" Saka bumuo ng boltahe ng kuryente sa kaliwa nitong kamay.
Mabilis siyang bumuo ng bola ng itim na apoy sa kaliwa niyang kamay. Nang pakawalan ng kalaban niya ang boltahe ng kuryente ay pinawalan din niya ang bola ng itim na apoy. Nagsalubong ang dalawang atake at nagkaroon ng isang nakasisilaw na pagsabog.
Mabilis siyang dinikitan ng kalaban niya at muling winasiwas sa kaniya ang espada nito. Nagawa niyang sanggain ang bawat wasiwas pero tinadyakan siya nito sa kaliwang tagiliran na ininda niya. Kaagad siyang lumayo pero nagagawa siyang sundan nito sa isang iglap.
Ibinaling niya ang paningin sa direksyon ni Arfiona subalit pati ang prinsesa ay may nakaharap na kalaban. Nang muli niyang balingan ang kalaban ay mabilis itong nagpakawala ng suntok sa kaliwa nitong kamao. May halong kuryente ang suntok nito na tumama sa kanang pisngi niya. Sinundan pa ito ng malakas na tadyak na may halo pa rin na kuryente. Napaatras siya ng sampung metro.
"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo, hari ng Acrania?" Nakangising tanong nito.
Naasar siya sa kalaban. Tahasan nitong ipinamumukha sa kanya na hindi niya ito kakayaning talunin. Pero nagsisimula pa lang ang labanan sa pagitan nilang dalawa. Batid niyang hindi pa nito inilalabas ang tunay na lakas. Pero ganoon din siya. Hindi pa siya nag-iinit sa laban nilang dalawa. Kung iniisip nitong mahina siya ay patutunayan niyang mali ito. Tatalunin niya ito at ipamumukha ang kayabangan nito.
"Naisahan mo lang ako!" Angil niya at sa isinuksok ang Escarion. Gagamitin na niya ang karmosa. "Gargamus." Naging espada ang karmosa niya sa kanan at bumulusok ang tunay na lakas ng technique niyang satsude. Noon pa man ay batid na niyang kalahati lang ng pwersa ng technique ang nagagamit niya kapag hindi niya pinapalabas ang karmosa.
Tiningnan niya ang kalaban at saka biglang nawala. Ang kasunod noon ay ang bumubulusok na pagtalsik ng kalaban niya. Binigyan lamang niya ito ng isang malakas na sipa. Bumawi lang siya.
Malayo ang narating ng kalaban niya ng tumalsik. Pero hindi na niya sinundan pa ang pag-atake. Batid niyang nagpipigil lang din ang kalaban niya. Nang muli itong lumitaw sa harap niya. Napansin niyang naging seryoso na ito. Limang metro ang pagitan nilang dalawa.
"Bakit hindi mo ipakita ang tunay mong lakas?" Hamon niya. "Tutal naman ay nakuha ko na ang atensyon mo."
Ngumisi ito at saka nasimulang balutin ng malakas na kuryente ang buong katawan nito. "Ako si Ethos ang hari ng Manggako. Ako ang papaslang sayo, hari ng Acrania!" Saka biglang nawala.
Mabilis niyang isinangga ang espada. Nagtagumpay siyang harangin ang mapamuksang atake ng kalaban. Bigla kasi itong lumitaw sa harap niya at inespada siya. Nang mabigo ito sa pag-atake ay sinunod-sunod na siya nito. Lalong bumilis ng maraming beses ang kilos nito. Subalit gamit niya ang satsude. Nagagawa niyang makita ang mga pag-atake ng kalaban. Nang hindi umepekto ang mga pag-atake nito ay lumayo ito at bumuo ng malaking bola ng kidlat. Pagkatapos ay inihagis ito sa direksyon niya. Pero tinabig lang niya ito ng sariling espada pataas. Ang sununod ay nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kalangitan. Nahawi ang makakapal na itim na mga ulap.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...