Dedicated to 143jalyne
Xander's Third POV
Napapalibutan na silang dalawa ni Ziya ng mga Tarim. Nasukol na silang dalawa at wala ng tatakasan pa.
"Dead end na tayo, Ziya. Kailangan na nating lumaban." Tinawag niya ang karmosang si Gargamus at naging espada ito.
"Ano ng plano mo, kamahalan?"
"Ang ubusin silang lahat. Shamakdu!" Bigla siyang nawalawa at sa isang iglap ay naputol ang makamandag na buntot ng mga dambuhalang Tarim. Pagkatapos ay nagbagsakan ang mga Tarim at wala ng mga buhay.
Nagpatuloy na silang dalawa ni Ziya sa paglalakbay sa desyerto. Mahaba ang naging paglalakbay hanggang sa marating nila ang isang kampo sa desyerto.
Sinalubong silang dalawa ni Ziya ng isa sa apat na bantay sa gate ng kampo.
"Ziya, bagong mukha ang kasama mo. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsama ng hindi kalipi ng Acrania." Sabi ng kawal na bantay at saka sinuri sya mula ulo hanggang paa. Napalunok ito ng mabaling sa mga karmosang suot niya.
"Asros, kilala mo na ba kung sino ang mahalagang nilalang na kasama ko?" Nakangiting usisa ni Ziya.
"Patawad, kamahalan." Paumanhin ni Asros at saka nagbigay daan at sumenyas sa tatlo pang bantay na padaanin silang dalawa.
Nauna ng pumasok si Ziya na sinundan na lamang niya. Puro pandayan at tindahan ng mga sandata ang bumungad sa kanya. Sa gitna ng kampo ay may isang malaking tent na pabilog.
"Ziya, wala bang kainan dito? Kanina pa ko gutom!" Angal niya.
"Ang lugar na ito ay para sa mga kabataang mangdirigma ng Acrania, kamahalan. Puro sandata ang mga naririto."
Putragis! Makakain ko ba ang puro sandata lang! Angal niya sa isipan.
Itinuro ni Ziya ang malaking tent. "Diyan tiyak na may pagkain. Iyan ang tanggapan ng pinuno ng kampo, kamahalan."
Natuwa sya sa kasasabi lang ng kasama. "Puntahan natin at magmakaawa tayo na bigyan tayo ng pagkain." Suhesyon niya.
Natawa si Ziya sa inasal niya. "Ang hari ng Acrania, magmamakaawa, para makakain lang!"
"Anong magagawa ko, Ziya. Nabilad ako sa desyerto. Uhaw na uhaw na rin ako!" Protesta niya.
"Kamahalan, ang lahat ng naririto ay mapapasaiyo kung gugustuhin mo. Hindi na kailangang magmakawa pa para makakain at makainom." Saka binilisan ang paglalakad at tinutumbok ang malaking tent.
"Teka! Anong gagawin mo?"
"Gutom na at uhaw ang kamahalan. Ipapaalam ko sa pinuno ang pagdating mo at magpapahanda ng makakain mo at maiinom." Paliwanag nito na patuloy pa rin sa mabilis na paglalakad.
Hindi na sya umangal pa. Totoong gutom sya at uhaw. Hinayaan na lamang niya ang kasama na gawin ang gusto. Nang marating nila ang malaking tent ay kaagad na pumasok sa loob si Ziya. Naiwan sya sa labas at naghihintay sa pagbabalik ng kasama.
Ilang saglit pa ay lumabas si Ziya. Nasa mukha nito ang pagkailang.
"Oh! Anong nangyari sayo?" Usisa niya.
"Pinapapasok ka na ni Reyna Azinaya sa loob. Kumain ka na daw at pagkatapos ay pupunta na kayo ng Acrania." Paliwanag nito.
Napahawak sya sa noo. "Eh! Ipinain nila ko sa mga dambuhalang aso!" Angal niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...