Dedicated to viperkiller and EfrenPagulayan
Azinaya's Third POV
Hindi sya makapaniwala sa namamalas ng mga mata. Buhay ang maalamat na hari ng Acrania at nasa harapan nilang lahat.
Napabaling sya sa kinatatayuan ni Serafina. Tulad nya ay hindi rin ito makapaniwala.
Ang mag-inang Domboron ay bumalik na sa mahamog na bulubundukin ng Askabar.
Si Marsuk at si Albion ay halatang hindi nakikilala ang kaharap. Pero si Arfiona ay parang sinisipat ng mabuti ang mukha ng kaharap nila. Parang nakikilala nito kung sino ang magiting na mandirigma sa harapan nila.
Si Xander naman ay halatang hindi kilala ang nakasama. Tanging silang tatlo lamang ni Serafina at Adilion ang nagkakaunawaan.
"Sino ka ba talaga?" Nadinig nyang tanong ni Xander.
"Ako si Adi! Isang mandirigma ng Acrania." Masayang sagot ni Adilion.
"Ako naman si Xander. Isang dayo sa mundo ng Elfiore." Nakangiting pakilala nito.
Napatingin sa tiyan nya si Adilion at pagkatapos ay sa tiyan ni Arfiona. Nakaramdam sya ng hiya. Pakiramdam nya ay hindi sya nararapat para kay Xander. Nakaramdam tuloy sya ng kaba. Taglay nilang dalawa ni Arfiona ang simbola ng pagiging asawa ni Xander.
Tumatawang tinapik ni Adilion sa kaliwang balikat si Xander. "Hindi ko inaasahang dalawa ang magiging reyna ng hari ng Acrania. Pero mas hindi ko inaasahan na ang isang diablo ay papayag na maging reyna ng hari ng Acrania." Masaya ito sa mga sinabi.
Napahawak sa batok nito si Xander at tumawa ng may halong hiya. "Kinakailangan ko kasi silang iligtas."
Tumango si Adilion. "Nakikita ko na ang katapusan ng libu-libong taon na hidwaan ng mga dragon at diablo."
"Ayokong putulin ang masaya nyong usapan. Pero kinakailangan na nating pumunta ng Lameria." Putol ni Albion.
Tumango si Adilion. "Sa Lameria din ang punta ko. Sasabay na ako sa inyo."
"Argurus! Briyana!" Tawag ni Xander at lumitaw ang dalawang diablong hayop. "Adi, sumakay na tayo." Yaya nito.
ngumiti lang si Adilion at saka pumito ng tatlong beses.
Mula sa himpapawid ay isang itim na kabayo na may apat na pakpak ang dumating. Lumapag ito malapit sa kanila at saka lumapit kay Adilion.
"Ito ang sasakyan ko patungong Lameria." Nakangiting sabi ni Adilion at saka sumakay na.
Nawala ang apat na pakpak ng itim na kabayo. Nakahanda na ito papuntang Lameria.
Sumakay na rin sila. Silang tatlo ni Arfiona at Xander ay kay Briyana. Si Albion, Serafina, at Marsuk ay kay Argurus. Ilang saglit pa at nagsula na silang maglakbay.
Gabi na ng makarating sila ng Lameria. Ang bayan ng Lameria ay maunlad na nasa tabi ng karagatan.
Binaybay nila ang maluwang na pantalan. Wala na si Argasus at Briyana. Maraming naglalakad sa mga kalye.
"Ang pantalan ng Lameria ay malawak. Makakapili kayo ng magagandang barko sa tamang presyo." Sabi ni Adilion.
"Wala kaming sapat na halagang pambayad para sa anim." Amin nya.
"Ka-, Adi, ano ang pakay mo dito sa lameria?" Usisa ni Serafina.
"Sa pagtitipunan ng mga Acranian." Sagot ni Adilion at saka inakbayan si Xander habang hila-hila ang renda ng kabayong nito. "May sarili akong barko. Hindi kasing laki ng karamihan pero pinakamabilis sa paglalakbay sa karagatan. Ang tanging kasama ko lang ay ang aking asawa na si Zerfione at ang kaibigan kong si Harmulus."
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...