68: Battle For Supremacy

1.3K 54 0
                                    

Dedicated to RicoSario and army_anneth

Xander's Third POV

Heto na ang pinakahihintay niya. Ang paghaharap nilang dalawa ni Ermidion. Ano mang oras ay magsisimula na ang paglalaban nilang dalawa.

"Kayong mga miyembro ng Urdu Badyari ay puro mga inutil." Walang kabuhay-buhay na sabi ni Ermidion.

Tama ba ang narinig niyang sinabi ng makakalaban? Hinamak nito ang mga tauhang nagbuwis ng buhay para sa kanya. Wala bang konsiderasyon sa ginawa ng mga miyembro ng Urdu Badyari?

Napansin niyang nilapitan ni Ermidion ang nakalaban ni Hepatetrus. Itinaas nito ang espada.

"Binigo mo ko, Raikon. Ngayon ay wawakasan ko na ang walang kwentang buhay ng tulad mong traydor." Wala pa rin kabuhay-buhay na sabi nito at saka inespada ang alagad.

"Raikon!" Malakas na tawag ni Hepatetrus.

"Ako ang makakalaban mo at hindi ang wala ng laban." Seryoso niyang sabi. Mabilis niyang nasangga ang espada nito bago pa man tumama sa pinupuntirya.

Ngumisi lang si Ermidion at muling aatake ng mabilis niyang sinipa ng malakas. Tumalsik ito ng malayo.

"Kamahalan!" Tawag ni Hepatetrus.

"Hepa, bumalik ka na at isama mo ang nakalaban mo. Magiging mapanganib na para sa inyong dalawa ang susunod na mga mangyayari." Utos niya.

Kaagad namang kumilos si Hepatetrus. Nilapitan nito si Raikon at saka inalalayang makatayo. Matapos magbigay galang sa kanya ang dalawa ay nagmamadali ng lumayo sa paglalabanang lugar.

Nilingon niya ang dalawa na nasa malayo na at pagharap niya ay hindi niya inaasahan ang pagsipa ni Ermidion sa dibdib niya. Tumalsik siya ng malayo.

Putragis! Na-surprised attack ako!

Kaagad siyang bumangon at mabilis na binalikan si Ermidion. Naabutan niya itong naghihintay. Ang espada nito ay nakapatong sa kanang balik. Larawan ito ng isang magiting na mangdirigma.

"Nagkaharap din tayong dalawa, hari ng Acrania." Sa tono ng pagkakasabi nito ay hindi siya isang hamon dito.

"Alam mo na siguro ang dahilan ng digmaang ito. Ikaw at ako para sa titulo ng pagiging hari ng mga diablo." Lihim siyang napangiti ng nakuha niya ang atensyon ng kaharap.

"Hinahamon mo ko sa ganyang kalagayan? Masyado kang mahina para sa karmosa ko." Kalmante lang ang pagkakasabi nito pero naroroon ang pagbabanta.

Feeling strong ang gago! Hintayin mo lang! Tatalunin kita! Napangisi siya.

Alam niyang malakas ang kalaban pero hindi naman siya maituturing na mahina. Strong din kaya siya!

Dumating si Azinaya at si Arfiona sa likuran niya. Alam na niya ang balak ng dalawa.

"Walang mamamakialam. Akin ang labang ito!" Pagpapaalam niya sa dalawa. "Sundin ninyo ang utos ko." Dagdag niya ng hindi pa umaalis ang dalawa.

"Masyado siyang malakas para kalabanin mo ng nag-iisa." Sabi ni Azinaya na ikinatawa ni Ermidion.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon