45: King Of Orpien

1.6K 83 2
                                    

Dedicated to the following:

Blue_Mage21
cardinal21
michellemartelino1
CyrusRielLee

Xander's Third POV

"Briyana! Argurus!" Tawag niya sa dalawang diablong bantay. Nang lumabas ang dalawang diablong hayop ay kaagad silang sumakay at naglakbay ng mabilisan.

"Xander, patakbuhin mo pa ng mas mabilis si Argurus at Briyana." Maya-maya ay sabi ni Azinaya.

Parang naintindihan naman ni Briyana ang kasasabi lang ni Aziyana. Dahil mas binilisan nito ang takbo na sinundan naman ni Argurus.

"Azinaya, bakit ba tayo nagmamadaling makarating ng Acrania?" Usisa niya.

"Ang kagubatang ito ay tahanan ng mga Orpien. Kilala sila sa bangis at bilis." Paliwanag ng reyna ng Acrania.

"Kung nasa teritoryo na tayo ng Acrania di ba dapat ligtas na tayo?" Muli niyang usisa.

"Saka ko na ipaliliwanag. Sa ngayon ay kailangan na nating magmadali."

Hindi na sya nag-usisa pa. Batid niyang nagmamadali ang ikalawang asawa na makarating ng Acrania.

"Ang Acrania ay hindi basta-bastang nalulusob ng mga kalaban nito. Ngayon ay alam ko na kung bakit." Seryosong sabi ni Azina.

"Hindi lang dahil sa napakahirap pasukin ng Acrania. Dahil na rin mahuhusay ang mga mandirigmang Acranian." Sabi naman ni Arfiona.

Natawa ng maikli si Azinaya. "Bata pa lang ang isang Acranian ay inihaharap na sa matinding panganib. Ang mga Acranian ay lumaki at nagkaisip sa matinding panganib."

Awwooooo!

"Ano yon?" Usisa niya.

"Iyon ang isang matinding panganib." Nakangising sabi ni Azinaya.

"Balewala na sa kin ang mga asong yan! Subukan lang nilang lumapit at gagawin ko silang pulutan!" Nakangisi niyang pagmamayabang.

"Puro ka yabang!" Tila inis na sabi sa kanya ni Arfiona.

"Strong na ko ngayon, Arfiona! Lahat kaya kong talunin!" Hirit pa nya bago sya nakaramdam ng batok kay Arfiona. "Bakit na naman?!" Reklamo nya.

"Xander, kung talagang nasa posesyon na ni Ermidion ang karmosa ng Diablong Halimaw. Lahat tayo dito sa Elfiore ay nasa panganib." Seryosong sabi ni Arfiona.

"Sang-ayon ako sa sinabi ng prinsesa. Si Ermidion ay nagbabalak ng mapasakamay niya ang buong mundo." Sabi naman ni Azina.

Napangiti sya. "Kahit gaano pa kadelikado ang panganib na haharapin ko. Ipinapangako kong magtatagumpay ako para sa sangkalahatan. Babaguhin ko ang mundo ng Elfiore." Seryoso niyang sabi.

Awwoooo!

Pakiramdam niya ay papalapit na ng papalapit ang sinomang herodes na asong umaalulong. Kailangan niyang maghanda. Haharapin pa niya ang Acrania.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay. Matiwasay naman ang lahat o iyon lang ang akala nila. Dahil nagsulputan ang apat na lobo na may tatlongpung talampakan ang taas ay kulay itim ang balahibo ng mga ito.

Putragis! Ang laki naman ng mga asong ito! Angal niya sa isipan.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon