Dedicated to ZenyGonzales6
Xander's Third POV
Mukhang wala na siyang pagpipilian pa. Kailangan niyang labanan ang diablong halimaw at talunin. Pero paano naman niya iyon magagawa kung wala namang siyang diablong dragon ni Azinaya at diablong phoenix ni Arfiona?
"Wait lang! Kailangan bang ako lang mag-isa ang lalaban? Tutulungan niyo naman ako, 'di ba?" Usisa niya.
Ngumuti sa kanya si Hiros at ang iba pa.
Putragis! Ngingitian lang ba ko ng mga 'to?!
"Para magkaroon ng isang malakas na karmosa. Kailangan mong lumaban ng mag-isa at manalo." Paliwanag ni Azinaya.
"Pero may karmosa na ko!" Protesta niya. "Saka paano ko tatalunin ang halimaw na yan?!"
"Gamitin mo ang kapangyarihan ng dragon at ang kapangyarihan ng diablo." Payo ni Hiros.
"Xander, ikaw lang ang may lakas para talunin at pigilan ang pagwawala ng diablong halimaw." Seryosong sabi ni Arfiona at saka yumakap sa leeg niya at hinalikan siya kahit iba ang anyo niya.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ng lahat. Gamitin ang kapangyarihan ng dragon at diablo. Iyon ang payo sa kanya. Iyon ang dapat niyang sundin at alam na niya ang dapat gawin.
Napatango siya. "Hay.. ano pa nga ba ang magagawa ko kundi kalabanin at talunin ang higanteng halimaw na yan!" Saka huminga ng malalim. "Game!"
Mabilis siyang lumipad paitaas at nilapitan ang nagwawalang diablong halimaw.
"Gargamus! Herpion!" Tawag niya sa dragon at sa pinakamalakas na diablong bantay ng mga Leviathan.
Lumabas si Gargamus na ikinakampay ang dalawang malalaking pakpak. Si Herpion naman ay bumagsak sa lupa at umungol ng napakalakas at nakapangingilabot.
Heto na.. Magkakaroon na naman siya ng panibagong karmosa. At hindi lang basta karmosa dahil isa ito sa pinakamalakas na karmosa sa buong Elfiore. Pero bago niya ito makuha at angkinin. Kailangan niya munang talunin at pabagsakin ang diablong halimaw.
"Gargamus, Herpion, sugurin at talunin ang diablong halimaw!" Malakas niyang utos.
Bumuo ng malaking bola ng enerhiya sa bunganga nila si Herpion at Gargamus. Bumuo din ng malaking bola ng enerhiya ang diablong dragon sa bunganga nito. Pati siya ay bumuo din ng malaking bola ng itim na enerhiya sa kaliwang kamay.
Lumitaw sa likuran niya si Arfiona. "Alam kong makukuha mo ang karmosa ng diablong halimaw." Nakangiti nitong sabi at saka hinawakan ang likod ng palad ng kaliwa niyang kaliwa niyang kamay. Dumoble ang laki ng bola ng enerhiya.
Nang pakawalan ng diablong dragon ang malaking bola ng enerhiya ay pinawalan na rin ni Gargamus at Herpion ang kani-kanilang bola ng enerhiya. Pakakawalan na rin sana niya ang hawak niya pero pinigilan siya ni Arfiona.
Nagkaroon ng napakalakas na pagsabog at nabalutan muli ng mga makakapal na alikabok ang buong paligid. Nang mapawi ito sa lakas ng ihip ng hangin ay tumambad ang nanghihina ng diablong halimaw. Lubha itong napinsala sa pinagsamang atake ng dragon at ng diablong bantay.
"Ngayon na, Xander." Nakangiting sabi sa kanya ng babaeng mahal na mahal niya.
Pinakawalan niya ang binuo nilang dalawa ni Arfiona na bola ng enerhiya sa pinagsanib na pwersa. Tumama ito sa diablong halimaw at muling nagkaroon ng malakas na pagsabog.
Hinawakan ng mahigpit ni Arfiona ang kaliwa niyang kamay. Hinihintay na lang nilang dalawa na mapawi ang makakapal na alikabok para makuha ang karmosa.
Pero..
May nararamdaman siya na parang may mali..
Napawi ang makapal na alikabok at tumambad sa kanila ang isang lalake na may anim na pakpak ng diablo. Hawak nito ang karmosa ng diablong halimaw sa kanang kamay. Nakangisi ito sa kanilang dalawa ni Arfiona at saka biglang naglaho. Tangay-tangay nito ang makapangyarihang karmosa ng diablong halimaw.
"Arbius Lucifer.." Marahang sabi ni Arfiona.
One Week Later..
Nasa harap na siya ng isang portal na maghahatid sa kanya pabalik sa kinalakihang mundo. Sa mundo ng mga tao.
Nasa likuran niya ang mga kaibigan, pamilya, at byenan.
"Oy, Arfiona! Di pa ba tayo aalis?" Naiinip na niyang tanong. Excited na kasi siya na makabalik sa mundo ng mga tao.
Kasalukuyang nagpapaalam si Arfiona sa ama nitong si Hiros ng balingan niya. Humarap ito sa kanya at ngumiti. Lalo siyang na in love sa suot nito. Mini skirt at fitted t-shirt na kulay puti at nakaboots na hanggang kalahati ng binti.
Litaw na litaw ang kaseksihan nito at kagandahan. Hindi niya akalain na totoo palang nakapunta na ito sa Manila. Akala kasi niya noon ay pinapasakay lang siya. Iyong tipong echoss lang!
"Iuuwi ba kita o tititigan mo na lang ako?" Nakangiting tanong sa kanya nito.
Bago pa man siya makasagot ay hinila na siya ng nakababatang kapatid na si Dayanira.
"Kuya, huwag mong kalimutan ang mga pasalubong ko pagbalik mo." Paalala nito.
Ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Oo naman!"
Pinalibutan na siya nina Azinaya at nagpaalam sa kanya. Pagkatapos ay nilapitan siya ni Arfiona at hinawakan ang kanan niyang kamay. May camping bag na nakasukbit sa likuran nito.
"Handa ka na ba?" Tanong sa kanya ng dating prinsesa ng mga diablo na ngayon ay isa ng reyna ng mga diablo.
Tumango siya. "Kanina pa ko handang-handa!" Reklamo niya.
Natawa ito ng mahinhin at hinila siya papasok sa pabilog na liwanag sa lupa.
Nagliwanag ang buong paligid at ng maglaho ay nasa loob na silang dalawa ni Arfiona ng kweba. Madilim ang buong paligid. Maya-maya pa ay naglabas si Arfiona ng flashlight sa bag nito at ginamit. Lumiwanag na ang paligid.
Pinagmasdan niya ang isang bahagi ng kweba na kung saan ay huli niyang nakita si Nana Gureng. Nakaramdam siya ng lungkot. Wala na ang matandang babae na itinuring niyang ina at lola.
Hinila niya ang kasama palabas ng kweba. Sinalubong sila ng liwanag ng araw sa katanghaliang tapat ng makalabas.
Nauna na siya at kasunod niya si Arfiona. Nang makarating silang dalawa ng bakuran ng bahay ay nakaamoy sila ng masarap na niluluto.
Lumakas ang tibok ng puso niya at nagmamadaling pumasok ng bahay. Kaagad niyang pinuntahan ang kusina at isang matandang babae ang inabutan niyang nagluluto.
"Nana Gureng!" Malakas niyang tawag at saka mabilis na nilapitan ang matanda at niyakap.
"Nakabalik ka na pala, Xander. Kasama mo ba ang Lolo Tacio mo?" Usisa nito at napatingin sa may pintuan ng kusina. "Ipakilala mo naman sa akin iyang napakagandang babae na kasama mo."
Binalingan nilang dalawa si Arfiona. Maluwang ang pagkakangiti nito kay Nana Gureng.
"Si Arfiona Leviathan. Ang huling prinsesa ng mga diablo!" May pagmamalaki na pakilala niya.
Marami siyang katanungan sa matandang babae. Tulad ng kung paano ito nabuhay gayong iniwan niyang patay na at kung ano ang kinalaman ng matanda sa Acrania. Pero sa ibang pagkakataon na lang siguro siya magtatanong ng magtatanong. Ang mahalaga ay nakabalik na siya kasama si Arfiona at ang kaalaman na buhay pa ang Nana Gureng niya.
The End
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasíaHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...