36: Wolf Master final part

1.7K 71 2
                                    

Dedicated to rain_zhamille and twittybird17

Xander's Third POV

Napapaligiran sila ng mga kalaban. Wala ng paraan para iiwas si Arfiona sa labanan.

Hinugot ni Zebro ang kanyang dalawang espada. Si Albion naman ay ipinasa kay Marsuk ang pagbuhat kay Arfiona. Si Azinaya ay hinugot na rin ang mahaba nitong espada. Si Serafina ay binanat na ang pana at nagkaroon na ito ng palaso.

"Sugurin sila!" Utos ni Safra at nagsisugod ang mga diablong kawal.

Sumugod na rin sina Azinaya at sinalubong ang mga diablong kawal. Nagkaroon ng tagisan. Walang patid ang pagpana ni Serafina. Hindi nagtagal at naubos ang mga kawal.

"Ano ang pakiramdam na talunin ang mga mahihinang kawal?" Tanong ni Biton. "Ako na ngayon ang makakaharap nyo. Isa ko sa limang bumubuo sa Urdu Badyari. Kahit magtulong-tulong pa kayo ay hindi nyo ko kakayanin! Karmosa!" Naging espada ang karmosa nito.

Humakbang sya ng lima. "Ako lang ay sapat na para tanggalin ang kayabangan mo."

"Biton, sya ang hari ng Acrania. Pagtulungan natin sya." Sabi ni Safra.

"Wag kang mamakialam, Safra. Ako lang ang lalaban kaya tumabi ka diyan at manood lang." Saka binalingan sya. "Ako si Biton. Ang tatapos sayo!"

"Masyado kang maangas! Gargamus!" Naging espada ang kanan nyang porselas na karmosa. Handa na syang lumaban.

"Tingnan natin kung may ibubuga ka. Akruso!" Isang higanteng lobo ang lumabas sa karmosa ni Biton at namayapag sa Belporia.

"Xander, kami na ang bahala sa higanteng lobo. Talunin mo sya at paslangin." Sabi ni Azinaya.

Umiling sya. "Kayang-kaya ko na sya. Xeropia!" May lumabas na itim na usok sa karmosa na nasa kaliwa nyang muscle at lumitaw ang isang higanteng diablong ahas. "Xeropia, talunin mo ang higanteng lobo!" Utos nya at mabilis na sinugod ni Xeropia ang higanteng lobo.

"Bakit taglay mo ang mga diablong bantay ng mga Leviathan?" Usisa ni Biton.

"Wag ka ng magtanong. Bakbakan na!" Saka mabilis nyang sinugod si Biton at inespada ng maraming beses pero nasangga lahat ng pag-atake nya.

"Magaling ka! Pero hanggang saan naman ang itatagal mo!" Saka biglang nawala at tinadyakan sya ng malakas sa likuran.

Tumalsik sya ng pasasubsob ng dalawampung metro. Hindi nya inasahan ang pag-atakeng yon. Bumangon sya ng makabawi at hinarap ang kalaban.

Putragis! Naisahan ako don! Tinitigan nya ng mabuti ang kalaban. Kampante lang ito at hinihintay ang susunod nyang pag-atake. Malakas na sya pero nagawa pa syang patalsikin. Hindi ordinaryong diablo ang kaharap nya.

"Tititigan mo na lang ba ko?" Nag-aasar na sabi ni Biton.

"Nakatyamba ka lang!" Saka muli nyang sinugod si Biton. Inespada nya pero bigla itong nawala at nakaramdam sya ng matinding sikmura. Napaluhod sya.

"Xander!" Sigaw ni Azinaya at susugod na.

"Wag kang lalapit, Azinaya!" Pigil nya. "Akin ang labang ito!"

"Pero malakas sya at hindi mo kaya ng mag-isa!"

"Magtiwala kayo sa kin. Kayang-kaya ko ang diablong ito!" Saka marahang tumayo. "Sige na! Umalis na kayo at ilayo dito si Arfiona!" Saka ipinorma ulit ang espada para sa pag-atake.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon