Arfiona's Third POV
Nagpapahinga na sila sa kani-kanilang silid. Pero hanggang ngayon ayaw pa rin siyang dalawin ng antok.
Naiisip nya ang mga mabilis na mga pangyayari..
Masyadong mabilis ang mga nangyari ng mga nagdaang araw. Paanong di bibilis kakakilala pa lang nya kay Xander. Tapos ngayon nakatakda na nyang mapangasawa.
Mahal ba kita, Xander? Para pakasalan..
Kinapa niya ang damdamin. Napailing siya ng husto sa kaalaman. May gusto sya sa dayo at ikinaiinis nya na dalawa silang pakakasalan!!!!!!
Nasan ang hustisya!!!!!!
Ipinikit nya ang mga mata. Gusto na nyang matulog.
Kinabukasan ay tinanghali siya ng gising. Puyat ang ending nya!
Gising na kanina pa ang mga kasama niya. Sya na lang ang hinihintay ng mga ito. Sa labas ng tinulugang bahay.
"Magandang umaga sa dyosa ng mga diablo." Masayang bungad sa kanya ni Xander.
Umikot ang mga mata nya. Sarap sapakin sa umaga! Hiyaw nya sa isipan!
"Mabuti at gising ka na. Makakasagupa natin ang Bakwayan sa daraanan natin." Sabi ni Azinaya.
"Bakwayan? Hindi ba sa mga mabatong kabundukan sila nakatira?" Usisa nya.
Tumango si Marsuk. "Pero ayon sa mga naririto may mga Bakwayan sa daraanan nating kabundukan. Kahit hindi naman mabato."
"At ang teritoryo nila ang pinakamadaling daan na tatahakin natin." Segunda ni Azinaya.
"Ako na bahala sa mga Bakwayan na yan!" Nakangiting pagyayabang ni Xander.
Sarap talagang sapakin ng hinayupak!!!!!!
Ngumiti sya ng pilit. "Kaya mo?" Halata ang pinipigil na pagkaasar.
"Ako pa!" Masayang sagot ni Xander na binatukan pa ni Marsuk.
Magrereklamo sana ang dayo kaso inginuso sya ni Marsuk. Nagtino naman agad patitikimin na nya sana ng isa.
"Ang mabuti pa umalis na tayo." Sabi ni Marsuk.
"Mabuti pa nga." Sang-ayon ni Xander.
Tiningnan nya ang apat na kabayo. Lahat para sa malayong paglalakbay.
"Magkakabayo tayo?" Usisa nya.
Tumango ang dalawang lalake. Si Azinaya naman ay sumakay na sa kabayo.
Nilapitan nya ang kabayong para sa kanya at sumakay. Pagkatapos ay sumakay na rin ang dalawang lalake. Nasa kabayo ni Marsuk ang supply ng pagkain nila.
Ilang saglit pa at iniwan na nila ang nayon ng Marsupre. Ang susunod na tatahakin nila ay ang bayan ng Astokre. Isang maunlad na bayan na puno ng kalakalan. Ang problema lang ay ang mga Bakwayan. Hindi ganong kadaling supilin ang mga Bakwayan. Dahil sa kabila ng laki ay maituturing na magigilas.
Tatahakin na nila ang landas patungo sa kabundukan. Kung sakaling manganib sila. Gagamitin nya ang sariling karmosa.
Ilang saglit pa ay tinatahak na nila ang malawag na kaparangan. Natatanaw nila ang kabundukan. At palapit na ng palapit ang teritoryo ng mga Bakwayan.
Ang mga Bakwayan.. Ano ang dahilan at sa mapunong kabundukan sila nanirahan? Naisaisip nya.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...