67: The Last Urdu Badyari

1.3K 56 6
                                    

Dedicated to empy22 and Megalodon_Tamer

Hepatetrus' Third POV

Ang akala niya ay mapapaslang na si Albion. Mabuti na lamang at dumating siya sa tamang oras. Kung nahuli siya ng kaunti at tiyak na paglalamayan na ang kakampi.

"Matagal ko ng hinihintay na magkaharap tayong dalawa." Amin ng may baluti ng leon. Binawi nito ang espada.

"Albion, kunin mo ang karmosa ng tinalo mo at napatay. Bumalik ka na sa hukbo natin. Mahusay ang ginawa mong paglaban." Kailangang makalayo na ang kasama sa lugar ng paglalabanan.

Kaagad na tumayo si Albion at inayos ang sarili. Kinuha nito ang espada at pagkatapos ay nilapitan ang bangkay ng napatay na kalaban. Kinuha ang karmosa at saka bumalik na sa hanay ng dalawang reyna.

"Wala na ang inaalala mo, Hepatetrus. Magsimula na tayong ibuhos ang buo nating lakas sa paglalaban."

Napangisi siya. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng kaharap. Nakangisi din ito. Ramdam na ramdam niya ang hangarin nitong talunin siya. Matagal ng naantala ang paghaharap nilang dalawa ng matalik na kaibigan. Daang taon na ang lumipas at ngayon na magkakaalaman kung sino sa kanilang dalawa ang mangingibabaw.

"Raikon, higit kanino man ay ikaw ang nakakaintindi sa pagbabagong magaganap dito sa Elfiore." Si Raikon ay may dugo ng Acrania. Ang ina nito ay isang Acranian at ang ama ay isang Beelzebub. Isang diablo. "Higit kanino man ay ikaw ang naghahangad ng ganitong pagbabago."

"Tama ka. Matagal ko ng hinihintay ang pagbabagong ito para sa mga tulad kong may kalahating dugo. Isang mundo na walang diskriminasyon sa mga katulad ko." Saka binalingan ng tingin ang bagong hirang na hari ng Acrania. "Nakasalalay sa mga kamay niya ang pagbabago."

Tumango siya. "Alam mo na ang dapat gawin. Pumanig ka sa nakatakdang maging hari ng dalawang lipi. Kayong dalawa ng kapatid mong si Vala."

Marahan itong tumango. "Pareho pa rin ba tayo ng pinapangarap hanggang ngayon, Heneral Hepatetrus?" Marahang siyang napatango at ngumiti. "Vala, dalhin mo dito ang dating hari ng mga diablo!" Malakas nitong utos sa nakababatang kapatid.

Kaagad namang tumalima si Valeria at dinala si Hiros sa kanilang dalawa ni Raikon.

"Vala, simula ngayon ay hindi ka na kasapi ng Urdu Badyari. Papanig tayo sa magiging hari ng dalawang lipi." Paliwanag nito.

Napangiti si Valeria pero nasa mga mata nito ang pag-aalangan.

"Vala." Tawag niya. "Huwag mong balikan ang nakaraan. Sama-sama nating harapin ang kinabukasan." Ngumiti siya.

Tumango ito at tumingin sa direksyon nina Azinaya. "Lalaban ako para sa pagbabago." Saka hinila si Hiros at patakbong pumunta sa panig ng magiging hari ng dalawang lipi.

"Ngayon. Ako na lang ang nag-iisa at huling kasapi ng Urdu Badyari. Umpisahan na natin para magkaalaman na, Hepatetrus!"

Napailing siya at napangiti. "Hindi na masama na sa digmaan ito tayong dalawa magharap at magkasubukan." Saka ngumisi.

Ngumusi din si Raikon. "Umpisahan na natin. Huwag na nating pagtagalin pa ang matagal na dapat natapos."

Sa isang iglap ay nagsalubong silang dalawa ng kababata at matalik na kaibigan. Nagbanggaan ang kani-kanilang espada at nagpalitan ng mga atake. Sabay silang tumakbo sa gilid habang inaatake ang isa't isa.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon