64: The Two Guardian Demons

1.5K 59 5
                                    

Dedicated to CalimlimVivian and Cutie_Thirdy

Arfiona's Third POV

Kasalukuyang pinagtutulungan nilang dalawa ni Azinaya si Ermidion. Pero sa unang pinagsamang atake nilang dalawa ng reyna ng Acrania ay nabalewala. Isabay pa ang pagharang ng tatlong malalakas na mga mangdirigma sa panig ng kinakalaban. Nang tumalsik sila sa isang malakas na wasiwas ni Ermidion ay naramdaman niya ang nakakatakot na pwersa ng kinatatakutan at pinangingilagang diablong bantay ng mga Leviathan. Nang umungol ito ng malakas at nakapangingilabot. Hindi niya naiwasan ang matakot at kabahan. Hindi dahil sa pansariling kaligtasan kundi sa magiging resulta ng paglabas ni Herpion.

Ang pinakamalakas na diablong bantay ay walang sinomang kinikilalang panginoon. Kaya walang nangahas na tawagin ito at gamitin sa mga nakaraang hari ng mga Leviathan bukod sa sinaunang hari. Masyado itong mapanganib.

Nang lingunin niya ang direksyon ni Herpion ay lalo siyang natakot at nangamba. Nasa itsura nito ang napipintong pagwawala ano mang oras na naisin nito. At hindi nga siya nagkamali. Ilang saglit lang ay bumuka ang bunganga ni Herpion at nagliwanag sa kulay na pinaghalong pula at itim.

"Azinaya, mag-iingat ka! Naghahanda ng umatake si Herpion!" Babala niya sa kasama at saka lumipad paitaas. Si Azinaya naman ay mataktikang umiwas sa landas na pagmumulan ng malakas na pag-atake. Kaagad itong kumilos at pumunta sa tabi ni Xander.

Sa isang iglap ay lumabas sa bunganga ni Herpion ang isang liwanag ng pagkapuksa. Winalis nito ang mga nasa harapan nito. Nagkaroon ng mga malalakas na pagsabog. Naubos ang mga Iluminatos ng walang kalaban-laban. Ang mga diablong Beelzebub naman ay nasawi ng malaking bilang. Si Ermidion ang tanging hindi natinag. Ginamit nito ang lakas ng karmosa ng diablong halimaw para masangga at mapigilan ang atake. Ang diablong bantay naman ng Beelzebub ay napaatras ng pasadsad ng malayo. Puno ng paso ang buong katawan nito pero hindi nawawala ang taglay na pambihirang lakas.

Nang mapawi ang mga makakapal na alikabok sa paligid ay pumailanglang ang malakas na ungol ni Herpion. Heto na ang ang pinangangambahan niya. Ang hindi makontrol na pagwawala ng kinatatakutang diablong bantay at mapipinsala ng malaki pati ang panig nila.

Kaagad na kumilos ang diablong bantay ng mga Beelzebub. Patakbo itong sumugod sa kalaban nitong si Herpion. Puno na ng paso ang buong katawan nito pero parang hindi iniinda ng halimaw. Nang magkalapit ang dalawang diablong bantay ay nagpangbuno ang dalawa at nagsukatan ng lakas. Pero si Herpion ang lumalabas na mas malakas. Naitulak nito paatras ang kalaban nitong diablong bantay.

Hindi nagtagal ay nagawang ihagis ng malayo ni Herpion ang kalaban. Tumalsik ito ng malayo at napasubsob sa lupa. Pagkatapos ay muling namuo ang liwanag sa bunganga ni Herpion. Magpapakawala na naman ito ng malakas na atake. Hindi nga nagtagal ay lumabas sa bunganga ni Herpion ang mapamuksang atake. Tumama ito sa kalabang diablong bantay at nagkaroon ng napakalakas na pagsabog.

Nang masaksihan niya ang pangyayari ay kaagad siyang lumipad patungo sa kinaroroonan ni Azinaya at Xander.

"Kapag natalo na ni Herpion ang kalaban nito ay tayo naman ang babalingan niya. Malalagas ang pwersa natin!" Sabi niya ng makalapag na.

"Ang lakas niya, hindi ba?" Humahangang sabi ni Xander.

"Oo at tayo ang isusunod niya! Kailangan mo siyang pabalikin sa karmosa sa oras na mapuksa niya ang diablong bantay na kalaban niya!" Puno ng pangamba ang tinig niya.

Umiling si Xander sa sinabi niya. Kampante lang itong pinagmamasdan ang ginagawang pakikipaglaban ni Herpion. "Alam ni Herpion kung sino ang mga kalaban at kung sino ang mga kakampi niya." Seryosong sabi nito.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon