32: Wolf Master part one

1.8K 85 0
                                    

Dedicated to Sunchine_17

Xander's Third POV

Kanina pa kumakalam ang sikmura nya pero hindi pa rin sila tumitigil sa paglalakbay. Malayo-layo na rin ang kanilang nalakbay.

"Awat muna! Gutom na ko!" Angal nya.

"Ang reklamador mo naman!" Sabi ni Arfiona na nasa likuran nya. Sakay sila ni Briyana.

Putragis! Papatayin pa yata ko sa gutom! "Arfiona naman kanina pa ko nanghihina. Kumain muna tayo."

"Bakit di mo patigilin si Briyana at Argurus? Hmmp!"

Pinatigil nya si Briyana at Argurus. Nasa malawak na damuhan sila.

Nauna na syang bumaba. Sumunod sa kanya si Arfiona at Azinaya. Bumaba na rin sina Serafina at nagsama-sama sila.

"Bakit tayo huminto?" Usisa ni Manong Green.

"Manong Green, mamaya ka na magtanong. Maghanda ka na ng kakainin natin." Harang nya sa pag-uusisa nito. Kaagad naman itong kumilos at kinuha ang lalagyanan ng mga pagkain.

"Ako na ang gagawa ng apoy." Alok ni Albion at saka kumilos na.

Ilang saglit pa at nakagawa na ng apoy si Albion. Si Manong Green naman ay nagsimula ng magluto.

"Malayo pa ba ang Belporia?" Usisa nya.

"Bakit?" Balik tanong sa kanya ni Arfiona.

"Naiinip na kasi ko." Amin nya.

"Ang reklamador mo talaga!" Saka tumabi sa gawing kaliwa nya. "Maglakad-lakad muna tayong dalawa." Yaya sa kanya ni Arfiona.

"Wag na lang. Katamad eh!"

"Kamahalan doon muna tayo." Nakangiting yaya sa kanya ni Valeria.

"Sige!" Sabay sapak sa kanya ni Arfiona. "Joke lang yon, Arfiona!" Nataranta na sya. Hinimas nya ang kaliwang pisngi.

"Babaero ka kasi!" Sabay hila sa kaliwa nyang kamay at inilayo sya sa grupo.

"Masyado na tayong nalalayo sa grupo, Arfiona!" Angal nya.

Huminto si Arfiona at saka tinitigan sya. Pagkatapos ay hinalikan sya. Nagtagal ang halik na yon.

"Tyansing yon huh!" Sabi nya ng maglayo ang mukha nilang dalawa.

"Tama ng isa ang kaagaw ko sayo! Napakababaero mo!"

Ngumiti sya ng husto. "Selos ka naman. Ikaw lang ang mahal ko, Arfiona." Mahal? Tama.. Mahal ko ang prinsesa ng mga diablo.

"Totoo ba yan?"

"Syempre joke lang!" Umakmang sasapakin sya ng prinsesa. "Wait! Di ka naman mabiro!"

Napabuntong hininga si Arfiona. "Ituturo ko sayo ang pagtawag sa mga diablong hayop. Si Briyana at Argurus lang ang kilala mo."

"Ilan ba lahat ang mga diablong hayop na naninirahan sa karmosa?"

"Sampu at dalawa pa lang ang nakakadalawa ka pa lang."

"Game! Pano ko tatawagin ang iba?"

"Magsimula tayo ka Xeropia. Ang diablong ahas."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon