Dedicated to ricky_18
Ermidion's Third POV
Nakadungaw siya sa bintana ng kanyang silid. Pinagmamasdan niya ang mga hukbo ng mga kaharian na kabilang sa alyansa. Ang Tartarus ay isang mabatong kabundukan at walang halaman o puno na nabubuhay. Ang palasyo ay nakatirik sa taas ng kabundukan. Sa baba ng kabundukan ay ang napakalawak na kapatagan na kinaroroonan ngayon ng mga hukbo ng alyansa.
"Kamahalan, kumpleto na ang buong hukbo ng mga kahariang kasapi sa atin." Nasa likuran niya si Safra.
"Ano ang balita sa hukbo ng Acrania?"
"Kasalukuyang papunta sa Tartamus ang hukbo ng mga kasapi ng alyansa sa panig ng Acrania."
"Mamamatay silang lahat. Taglay ko ang pinakamakapangyarihang karmosa sa buong Elfiore." Puno ng kumpyansa ang tinig niya.
"May ipag-uutos ka ba, kamahalan?"
Iling lang ang sinagot niya. Ano pa ba ang ipag-uutos niya? Taglay na niya ang isa sa mga makapangyarihang karmosa sa buong Elfiore. Ang mga kaharian na kasapi ng alyansa ay nagsama-sama na. Hindi maikakaila na napakalakas na ng pwersa niya. Makakaya na niyang higitan ang pwersa at lakas ng bagong hari ng Acrania.
"Kamahalan, kung wala na kayong ipag-uutos ay aalis na ako."
Binalingan niya si Safra. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng alagad. Matagal na rin na naglilingkod sa kanya ng tapat ang pangunahing alagad. Kahit minsan ay hindi ito nagreklamo sa mga utos niya. At ngayon nga ay kasama niya pa rin si Safra sa digmaang madidikta ng kinabukasan ng sangkalahatan. Na kung saan ang mananalo ay ang mangingibabaw sa buong mundo.
"Aalis na ko, kamahalan." Pamamaalam ni Safra at saka tumalikod na.
"May ipagagawa ako sayo, Safra." Napigil ang pag-alis ng alagad niya at marahang humarap sa kanya. "Tipunin mo ang buong pwersa ng mga diablo at pagkatapos ay ilagay sa unahan ng buong hukbo."
"Masusunod, kamahalan. Tinitiyak ko sa iyo na nasa atin na ang tagumpay." Nang tumango siya ay tumalikod ito at not lisan na ang silid. Pinagmasdan niya ang kanang palad at nagliyab ito sa itim na apoy. Nagpupumiglas ang diablong halimaw sa karmosa niya. Nag-uumapaw ang kapangyarihan nito. Kapangyarihang taglay na niya. Lumipas na ang ang mga araw na kinailangan niya para makontrol ang lakas ng karmosa. Nagtagumpay siyang supilin ang diablong halimaw.
Nawala na ang itim na apoy sa kanyang kanang kamay. Kontrolado na niya ang makapangyarihang karmosa. Kahit na peke ang karmosa niya ay magagamit pa rin niya ang kapangyarihan ng diablong halimaw. Lahat ng kakalaban sa kanya ay maglalahong parang bula.
Nilisan na niya ang silid at tinungo ang pinakababa ng palasyo. Isang pintuang bato ang nasa harapan niya ng marating ang ibabang bahagi ng palasyo. Nilapitan niya ito at itinulak ang batong pintuan para magbukas. Nang bumukas ang pinto ay bumungad ang isang lagusan. Walang atubili na pumasok siya at tinunton ang kabilang dulo ng lagusan. Nang marating niya ang dulo ay tumambad sa kanya ang isang maluwang na yungib. Sa bandang gitna ay may isang diablo na nakakadena ang buong katawan. Nilapitan niya ito at walang malay na diablo ang nasa harapan niya. Sa bandang kaliwa niya ay may balde ng tubig. Kinuha niya at ibinuhos sa mukha ng walang malay na diablo. Nagising ito at nagpupumiglas ngunit bigo pa rin ito na makawala sa kadena.
Ngumusi siya. "Hiros, ang katuparan ng aking mga pangarap ay abot-kamay ko na."
"Hindi ka magtatagumpay! Pipigilan ka ni Arfiona!"
Humalakhak siya. "Ang iyong anak ay lubhang mahina. Taglay ko ang karmosa ng diablong halimaw at walang makakapigil sa akin. Ako ang magiging hari ng buong Elfiore."
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...