11: Astokre

2.9K 123 39
                                    

ARFIONA'S THIRD POV

Tulad ng napag-usapan. Pagputok ng liwanag ay lumakad na silang lima. Tinunton nila ang daan patungo sa Astokre.

Bandang hapon na ng marating nila ang malaking gate ng Astokre. Napapalibutan ang bayan ng naglalakihang mga pader.

"Iyan ang maunlad na bayan ng Astokre. Na maihahalintulad sa isang palasyo." Paliwanag ni Marsuk.

"Manong Green, ang taas ng pader. Uso ba dito ang game of thrones?" Nakangiting sabi ni Xander.

"Ano yon?" Nagtatakang usisa ni Marsuk.

Napabungisngis si Xander kaya hayun! Binatukan na nya!!!!!!

"Bakit na naman?!" Angal nito.

Sarap sapakin ng mokong! Nakakapanggigil!!!!!!

Hindi na lang sya nagsalita at nauna ng pumasok sa gate. Hawak nya sa kaliwa ang renda ng kabayo nya. Sumunod naman ang mga kasama nya.

Maraming tao ang dumadaan sa lansangan. Maraming paninda ang nagkalat sa paligid. Karamihan ay mga mandirigma.

"Saan ba tayo pupunta?" Usisa ni Xander.

"Sa isang kaibigan." Sagot ni Azinaya.

"Sana malambot ang higaang tutulugan natin." Sabi na lamang ni Xander.

"Wag kang alala, Kamahalan. Sinisiguro kong malambot ang hihigaan mo mamaya." Paniniguro ni Azinaya.

Titunton nila ang isang magarbong bahay sa bayan. May taas ito na tatlong palapag. May taberna sa bandang kanan nito. At kahit may liwanag pa ay marami ng manginginom pero walang ibang lahi ang naroroon. Nag iisa lang ang lahi na nasa loob.

"Saan ba tayo papasok. Sa kanan o sa kaliwa." Usisa ni Xander.

"Bakit ba masyado kang matanong? Manahimik ka na lang! Pwede?" Kainis!!!!!! Gusto nyang sapakin.

"Arfiona, ang dugo mo! Wag high blood!" Natatarantang sabi ni Xander ng makitang nakatikom na naman ang kanang kamao nya.

"Tantanan mo nga ko!" Sabi nya at saka tinitigan si xander. Dalawang karmosa.. Kahit sapakin ko tong mokong na to di na gaanong tatablan! Kainis talaga!!!!!!

Si Serafina ay natawa at napapailing na pumasok sa taberna. Sumunod naman si Azinaya.

"Manong Green, pasok na tayo." Yaya ni Xander.

Umiling si Masuk. "Dito na lang ako, Xander. Puro mandirigma ang nasa loob. Bawal ang ibang lahi." Paliwanag nito.

"Bakit si Azinaya at Sefira pumasok? Tapos tayo di pwede? Ganon?" Angal ni Xander.

Napailing sya. "Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, Xander. Naririto tayo sa Astokre. Ang mga tao sa loob ay puro Mersenaryo. May kakayahan silang talunin tayong mga karmosa bearer. Ibig sabihin alanganin kahit tayo." Paliwanag nya ng nakapikit pa. Na para bang nangangaral sa estudyante.

Nang dumilat sya ay itinuturo na sa kanya ni Marsuk ang papasok ng si Xander sa taberna.

Kainis talaga tong mokong na to! Napakaengot!!!!!!

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon