2: Here Comes The Demon

11.2K 312 46
                                    

ARFIONA'S THIRD POV

First there was a light..

And then there was this war cry..

Ano pa ba ang dapat asahan sa mundong kinabibilangan nya?

Patayan dito!

Patayan doon!

Patayan everywhere!!!!!!!!!

Oh di ba ang saya!

Grabe! Kaka-stress sa beauty nya!

Kung hindi sya nagkakamali.. Isang Mandarok ang sumigaw kani-kanina lang.

Another war cry na naman!

Wala syang pake sa kung sino mang poncho pilato ang kalaban nito. Basta sya kakain lang to the max!

Kahapon pa kaya sya di kumakain! Kaya kesehodang magpatayan pa ang Mandarok at ang kalaban nito. Wala talaga syang pake!

Ang sarap pa namang kumain ng husto kapag patay-gutom este gutom!

Nalalasap nya ng husto ang inihaw na karne.

And then heto na naman ulet si war cry!

Kakapikon na talaga! Letse!

Hindi ba sya pwedeng lumamon ng tahimik???

"Ibigay mo sa kin ang karmosa ng dragon!" Narinig nyang sigaw ng Mandarok.

The hell she care!!!!!!

Eh di magpatayan sila!!!!!! Asar na sya!

Nagkaroon ng mahabang katahimikan..

Kahit mga hayop sa paligid ay hindi nya marinig.

Napangiti sya ng husto. "Sa wakas natahimik din."

Kakagatin na sana nya ang karne ng biglang may malaking bagay na tumama sa likod nya.

Napasubsob tuloy sya sa impact!

Ang masaklap pati pagkain nya eh nakiuso sa impact at tumilapon!

Kapag tinamaan ka nga naman ng matinding kamalasan! Kahit ultimo grasya walang ligtas!

"Ibigay mo sa kin ang karmosa!" Narinig niyang sigaw ng Mandarok.

"Ibigay ba kamo?" Nasa boses niya ang pagpipigil sa matinding galit.

Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaplakda sa madahong lupa.

Nasa kagubatan kasi sya ngayon.

Nararamdaman nya ang mga ugat sa magkabila nyang sintido. Na ano mang oras ay puputok na parang bulkan!

Lumabas sa likuran nya ang dalawang itim na pakpak ng makatayo na ng husto.

"I-isa kang d-diablo!" Kanda utal na sabi ng mandarok.

Ito na kabado! Haha!

Marahan nyang iniharap ang sarili sa nilalang na bumulabog sa kanya.

Tumaas ang gilid ng labi nya sa matinding takot na nakikita nya sa kaharap. May pitong dipa ang layo nito sa kanya.

"Ano ba ang mas nakakatakot? Yang pagmumukha mo o ang kagandahan ko?" Napasimangot sya. Kaasar!!!!!!

Nawala ang paningin nito sa kanya. Kaya sinundan nya ng tingin ang tinitingnan nito.

Isang lalake ang nakita nya na nakahandusay.

Walang malay..

Napako ang paningin nya sa kanang palapulsuhan ng lalake. Walang kaduda-dudang isang karmosa ang naninirahan doon.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon